KABANATA XXXIV

579 16 0
                                    

Colet' Pov




Kailangan kong bumawi kay Jhoanna ngayon pakiramdam ko kase nagtatampo nayon eh, hindi ko kase siya nasabayang kumain ng lunch kahapon nagrequest kase si Chie na sakanya muna kami sumabay ni Jared dahil wala pa itong gaanong kakilala dito sa University, bago nga lang naman siya dito kaya wala pa siyang kilala, kung nagtataka kayo bakit kami magkakilala same school kami nung high school kahit si Frances ay kilala nito, nakilala namin siya nila Jared nung may Intrams sa school non after non palagi na namin siya nakakasama pati mga kaibigan niya pero hindi naman close na close iba padin yung friendship namin ni Frances at Jared non.




Naglalakad ako ngayon papunta sa room nila Jhoanna para makasabay siya maglunch, chinat kona din ito pero hindi pa nagrereply baka may klase pa.



Binilisan kona ang paglalakad ng makita kong naglalabasan na ang ibang kablock niya, pagka hinto ko sa tapat ng room ay siya din namang paglabas ng girlfriend ko kaya napangiti na agad ako.



Opo girlfriend kona po ang President ng Student Council dito sa PSU, 2 weeks nadin ang nakakaraan ng sagutin niya ako hindi pa nga ako makapaniwala that time kase nung araw nayon nasa dagat kami para panuodin ang paglabas ng araw at siya mismo ang nagaya sa akin don pero syempre kasama ang parents niya hindi kolang talaga ineexpect that time na sasagutin niya ako non hindi naman kase ako nagmamadali willing naman ako maghintay kahit gaano pa katagal kase si Jhoanna nayon siya lang naman ang gusto ko siya lang ang mahal ko kaya willing talaga akong maghintay.




After nung araw nayon mas lalo kong minahal si Jhoanna mas lalo kong naramdaman na sobrang halaga niya sa akin, kase ang sarap sa pakiramdam na meron kang isang Jhoanna sa buhay alam kong totoo siya sakin dahil nakikita koyon sa mga mata niya hindi man niya nasasabi pero ramdam kong mahal niya ko at doon palang sobrang swerte kona kase halos lahat ng magandang katangian makikita mo sakanya eh kaya minsan di ako mapaniwala tinatanong kopa sarili ko kung girlfriend kona ba talaga si Jhoanna, naexperience kona din naman itong ganitong pakiramdam since nagka girlfriend na nga ako noon at yon yung kapatid niya pero ngayon para kasing iba na eh lumagpas na nga ako sa point na ayaw kona siyang mawala.




Medyo OA pero once na maramdaman mo yung totoong love? For sure masasabi niyo din lahat ng sinasabi ko ngayon baka nga mas grabe pa eh.



"Hi babi." Ngiting bati ko ng makalapit ako sakanya.


Jhoanna: "Hindi moba sasabayan yung transferee kumain ng lunch?" Agad na tanong nito kaya umiling ako.


"Sayo ako sasabay, sinamahan siya ni Jared. Tara na baka nandon na sila Mikha." Hindi ito sumagot kaya hinawakan ko ang kamay nito.


"Babi okay kalang?" Tanong ko pero tumango lang ito.


"Nagtatampo ka no?" Tanong ko saka ako humarap sakanya habang hawak padin ang kamay nito.


Jhoanna: "Bakit naman ako magtatampo? May dahilan ba?"


"Baka kase nagtatampo ka kase hindi kita nasabayan  kumain ng lunch kahapon, pero diba nagsabi naman ako sayo? Nagchat ako diba? Hindi ka naman nagreply kaya naisip ko baka nagtatampo ka."


Jhoanna: "Diba wala kang nareceive na chat na pumayag ako, tapos naisip mona pala na baka nagtatampo ko dika padin sumabay."


"Eh diba sinabi ko naman sayo na wala pa siyang ganong kakilala dito kase bago lang siya?"


Jhoanna: "Pwede mo naman siyang isabay satin nila ate Aiah ah satin ni Mikha."


"Sorry babi wag kana magtampo, eto naman nako ngayon oh? Sabay na tayo maglunch." Hindi kopa din binibitawan ang kamay nito.



Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon