KABANATA VI

374 14 0
                                    

Colet' Pov

Papunta ako ngayon sa Dean's Office iniwan kona muna sila Mikha sa Cafe dahil pinatawag ako, at nagreklamo pala yung mayabang na lalaki nayon dahil sa nangyari nung isang araw lakas talaga non siya pa talaga ang nagreklamo, muntik nakong mawalan ng mukha dahil sa pagkakasuntok niya.

Nakasimangot akong pumasok sa Dean's Office mas sumisamangot pako ng makita itong mayabang na'to.

Dean: "Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit nagkaron ng gulo nung program?" Tanong agad nito ng makaupo ako sa sofa.

Dean: "Wala bang sasagot sainyong dalawa?" Tumingin pa ito sakin bat sakin lang? Di naman ako may kasalanan.

BOY: "Dalawang beses napo niya kong nasusuntok, sobrang yabang po kase ng tomboy na'to!" Aba? Ako pa mayabang sa lagay nayan?

"Bakit hindi mo sabihin yung dahilan kung bakit kita sinuntok?" Saad ko, sabay sabay pa kaming napalingon sa pinto dahil bigla itong bumukas.

Jhoanna: "Sorry po sir, may kausap po pala kayo, babalik nalang po ako."

Dean: "No it's okay, pasok ka. Upo kana muna kakausapin kolang tong dalawa." Nagkatinginan pa kami ni Jhoanna bago ito umupo sa sofa na di kalayuan sa pwesto ko.

Dean: "Ano talagang nangyari Mr. Hernandez? Bakit dalawang beses ka ng nasuntok?" Tanong ulit ng Dean.

BOY: "Pano sir kayabang, hindi ko naman yan inaano eh, nung program bigla nalang akong binunggo." Napaka sinungaling talaga.

"Ah kaya pala ako yung tumalsik hano? Nung sa parking lot diba hinampas mopa kotse ko? At sinasabi mo na ikaw lang at kotse mo ang pumaparada don? Saka hindi ako ang bumunggo sayo, ikaw ang bumunggo sakin." Inis na sagot ko, sinungaling.

BOY: "Hindi po yon totoo sir. Siya po talaga ang may kasalanan."

"Alam mo ikaw pa main character syndrome ka talaga eh no? Anong ako may kasalanan, tingnan mo nga itong labi ko pumutok sa suntok mo diba?" Napayuko nalang siya sa sinabi ko.

Dean: "Ikaw pa nagreklamo, kasalanan mo naman pala. Babae yan oh pinapatulan mo? This is the last time na makikita ko kayo dito sa office ko na magkaaway, kung hindi kayo magaayos aalisin ko kayo dito." Gulat naman napatingin itong mayabang, sakin wala naman yon hindi naman ako natatakot lumipat ng school.

BOY: "I'm sorry po sir, sorry din sa nagawa ko sayo. Ikaw kase ang yabang mo eh." Aba gago talaga.

Dean: "Nagsosorry kaba talaga?"

BOY: "Po? Opo sir."

Dean: "Ayusin mo."

BOY: "Sorry sa nagawa ko." Nakatingin ito sakin.

Dean: "Wala ka manlang ba sasabihin?" Tanong nito sakin pero umiling lang ako.

Tumayo nako saka tumingin kay Jhoanna saktong nakatingin pala ito sakin.

"Permission to leave sir." Hindi kona hinintay ang sagot ng Dean naglakad nako palabas ng Office.

BOY: "Huyy! Sorry na baka paalisin ako ng tito ko pagka di tayo nagkaayos." Habol nitong mayabang pero tuloy tuloy ako sa paglalakad.

BOY: "Nicollete sorry, patawarin mona ko magiging mabait nako sayo. Diba kablockmate kita? Libre nalang kita, pangbawi ko sa ginawa ko. Ikaw kase eh daig mopa si Anger." Don kona siya nilingon na kinagulat niya.

BOY: "Oh easy! Sorry sorry. Patawarin mona ko baka paalisin tayong dalawa dito."

"Okay na, kaya wag mona ko sundan pwede?"

BOY: "Sure yan ah? Wala ng bawian, bestfriend mona ko nyan." Napakunot naman ang noo ko pinagsasabi ng isang to.

"Bestfriend na pinagsasabi mo."

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon