Jhoanna' Pov
Gulong gulo ako sa kinikilos ngayon nila ate Aiah at ate Stacey hindi ko sila maintindihan kung bakit pinagsuot nila ako ng dress at saka inayusan ngayon ay nandito na kami sa Van na ang driver ay ang asawa ni ate Stacey na si Lance hindi ko alam kong anong gagawin namin pag talaga ako pinagtitripan ng dalawang to, hindi ko talaga sila papansinin.
Chineck ko din ang phone ko 3 hours na ang lumilipas nung huling chat ni Colet kahit isa ngayon ay wala akong natatanggap sakanya kahit sa text.
Ang sabi lang naman niya sakin may aasikasuhin siya hindi ko naman alam kung ano yon.
"Ate saan ba talaga tayo pupunta?"
Aiah: "Malapit na tayo Jho kumalma ka dyan."
"Ano bang meron? Saka bakit tayo nakaayos? Meron bang may birthday na hindi ko alam, na nakalimutan ko?" Tanong kopa.
Stacey: "Birthday ng aso ni Aiah." Natatawang sagot niya.
"Pinagtitripan niyo lang ako eh."
Aiah: "Nandito na tayo halika na."
Stacey: "Teka beh tatakpan natin mata niya."
Wala na akong nagawa ng lagyan nila ng panyo ang mata ko hawak nila akong dalawa sa magkabilang kamay dahil wala talaga akong nakikita ang higpit ng piring na ginawa nila sa mata ko.
"Pag ako talaga pinagtitripan niyo, hindi ko talaga kayo papansinin lahat." Sigaw ko.
Rinig ko namang may mga nagtawanan hindi lang isang tao.
Nang tanggalin nila ni ate Aiah ang takip ko sa mata napanganga na lamang ako, dahil sobrang liwanag at may mga nagkalat na petals ng roses at sa dulo ay nandon si Colet habang may hawak na bouquet ng bulaklak hindi ko alam kung ano mararamdaman ko dahil diko naman talaga inaasahan to.
Kaya pala walang message or kahit anong paramdam ito pala yung inaasikaso niya.
Aiah: "Go na Jho lapit kana sa the one mo."
Sheena: "Whoooooooo!!!! Sana all talaga." Malakas na sigaw ni Sheena.
Jared: "Ssob kalma lang wag kang manginig dyan para kang natatae."
Habang naglalakad papalapit kay Colet ay inilibot ko ang aking mata sa paligid sobrang ganda talaga. Nang makalapit ako ay nakangiti niyang iniabot sakin ang bulaklak halos lahat ng kaibigan namin ay bini-videohan kami.
Colet: "Akala ko noon hanggang doon nalang ako sa kwarto magmumukmok iiyak at hindi kakain." Saad niya sa Mic na rinig na rinig sa buong lugar. "Mabuti nalang at dumating ka sa buhay ko binago moko binago mo ang buhay ko pinalaya moko sa loob ng kalungkutan kaya thankyou babi." Naiiyak na saad niya.
Kahit ako ay naiiyak nadin ang saya saya ng puso ko ngayon, parang walang mapaglagyan ng saya.
Colet: "Alam kong minsan may katigasan ako ng ulo meron din tayong mga away at lahat ng away nayon inintindi mo kaya ako na ang pinaka maswerte kase meron akong ikaw. Nandito ngayon si Tito at Tita nagpaalam na muna ako sakanila bago ko ito itanong sayo."
Mula sa likod lumabas si Daddy at Mommy kasama nadin nila ang Mama at Papa ni Colet ngiting ngiti itong nakatingin samin ni Colet kaya diko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Colet: "I love you with my whole heart babi now i finally bought you a ring. Babi be my wife please? Be my kalambingan tuwing gabi. Please give me your hand, and I will give you forever?" Ngumiti siya sakin ng after niyang sabihin lahat ng iyon saka ito lumuhod sa harap ko habang hawak niya ang kumikininang na singsing.
Grabe ganito pala talaga kasaya sa puso yung ganito.
Stacey: "Jho ang tagal mo naman sumagot." Sigaw pa niya.
Aiah: "Wag kana magisip."
Gwen: "Jho wag mona pagisipan nanginginig na si Colet oh!"
"Sinisira niyo eksena eh, dinadamdam kopa eh. Of course yes wala akong ibang papakasalan kung hindi ikaw." Saad ko habang tumatango tango.
Mabilis na tumayo si Colet at mahigpit akong niyakap nalaglag pa ang hawak niyang maliit na box kaya agad niyang pinulot kinuha niya yung singsing at sinuot sa daliri ko.
Malakas na palakpakan at sigawan ang namuo sa buong lugar habang mahigpit akong yakap ni Colet Tuloy tuloy padin ang luha ko dahil sa saya.
Colet: "Thank you babi, thankyou." Saad pa niya saka ako hinalikan sa labi.
"Thankyou for this love, sobrang ganda." Nakangiting saad ko.
Maloi: "Congrats love birds, kasalan na ang next!"
Mikha: "Congrats Jho and Buds, Gwen aba galaw galaw napagiiwanan." Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Mikha.
Mabilis siyang binatukan ni Gwen kaya mas lalo pa kaming natawa.
Daddy: "Congrats mga anak, Colet wag mo sasaktan ang Tintin ko ah?" Mabilis na umiling si Colet.
Mommy: "Hayyy ikakasal na ang Tintin namin, congrats mga anak." Mahigpit ako nitong niyakap ramdam kona din ang pagiyak ni Mommy.
"Mommy bakit ka umiiyak." Natatawang tanong ko ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.
Daddy: "Ikakasal kana nga daw kaya naiiyak." Saad ni Daddy habang nakaakbay kay Colet.
Lumapit nadin sa amin sila Tito at Tita ang mama at papa ni Colet.
Tita: "Congrats anak sainyo ni Colet." Ngumiti ako saka niyakap si Tita.
Ganito pala kasaya pag ganito kasuporta samin ang parehas naming magulang, kaya walang tigil ang luha ko kakalabas ng dahil sa tuwa.
Naglapitan nadin ang mga kaibigan namin.
Jared: "Group hug, Congrats Ssob and Jhoanna." Sigaw niya at saka kami nagyakap yakap kasama nadin pati ang parents namin.
Lance: "Pareng Gwen galaw galaw oh, baka mamaya iba magpropose kay Sheena." Pang aasar nito na kinatawa namin.
Sheena: "Sobrang bagal nyan eh, pag talaga may nagpropose sakin tatanggapin kahit si Shrek payon." Saad na niya mas kinatawa pa namin maliban kay Gwen na nakasimangot ngayon.
Gwen: "Bebe wag ka naman ganyan, wait molang kase." Nakasimangot padin siya.
Colet: "Oo nga naman Sheena, wait molang daw itong bestfriend kong si Gwen ikaw papakasalan nyan."
Jared: "Wow bestfriend daw, eh ano ko?"
Mikha: "Ano din ako?"
Colet: "Tao kayo parehas HAHAHAHHAHA." Kahit kami ay natawa sa biro niya.
Mikha: "Lakas mang asar kanina lang nung dipa sumasagot si Jho masyado kaba tas nginig." Ang lakas talaga nila magasaran.
Jared: "Masyado kaba, maputlang maputla kanina eh."
Colet: "Nakaka kaba naman talaga." Sabay irap sakanila ni Colet habang hawak padin nito ang kamay ko.
Daddy: "Tama na ang asaran para talaga kayong mga college padin, halika na kayong lahat sa bahay dahil may pinahanda kaming pagkain at syempre saka alak at pulutan." Saad ni Daddy kaya naghiyawan ang mga kaibigan ko.
Basta talaga alak masayang masaya ang mga kaibigan ko, minsan nalang din kase kami magkasama sama kaya minsan nalang din talaga kami makainom ng magkakasama dahli nga halos lahat sa amin ay may mga trabaho na.
________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)