Jhoanna' Pov
Nagmamadali akong sumakay at nagpahatid kay Mang Albert kung saang lugar sinabi ni Mikha na magkita kami.
Mayron daw silang ibabalita ni Jared sa akin kaya kahit meron akong meeting ngayon ay agad kong pinacancel, mabuti nga at pumayag si Daddy alam kong naiintindahan nila ako ni Mommy.
Mang Albert: "Dito lang ba Tin anak?"
"Opo, salamat po. Tatawag nalang po ako pag susunduin niyo na ako, ingat po kayo." Sagot ko ng makababa ng sasakyan.
Mang Albert: "Ingat ka Tin." Ngumiti lamang ako bilang sagot.
Pag pasok ko sa restaurant ay agad hinanap ng mata ko yung dalawa.
Mikha: "Jho dito." Rinig kong sambit ni Mikha kaya agad akong napatingin sakanila.
"Ano kamusta nakausap niyo ba siya?" Agad na tanong ko ng makaupo.
Jared: "Hindi niya nga tayo kilala."
Mikha: "At alam mo bang si Maxine ang kinakasama niya ngayon." Gulat akong napatingin kay Mikha.
Kung natatandaan niyo siya yung desperadang sinet up si Colet para lang mapunta sakanya, may paluhod luhod pa siyang nalalaman sa akin noon tas mas grabe pa pala ang gagawin niya.
Jared: "Ito pa, ang alam niya pinapatay siya nila Tito at Tita."
"What!?"
Mikha: "Totoo yon Jho, akala pa nga niya kukunin namin siya. Tinakbuhan nga kami eh, parang galit na galit siya kila Tita."
"Nilason na ni Maxine ang utak ni Colet."
Jared: "Yan din ang nasa isip ko, feeling ko alam ni Colet yung pagkaka aksidente at ang sinabing dahilan ni Maxine ang pamilya ni Colet, na sila Tito ang may pakana non na gustong ipapatay si Colet. Lahat ng sinasabi niya kay Colet kasinungalingan, kaya ayon yung ang pinaniniwalaan ni Colet."
Mikha: "Kailangan natin siyang makuha."
Jared: "Bakit?" Takang tanong naman ni Jared.
Mikha: "Akala koba matalino ka? Kailangan natin siyang makuha para makausap ng maayos para mapaniwala natin na yung kasama niya ngayon ang masama hindi tayo, hindi ang pamilya niya. Kase kung pasimple simple lang ang pagkausap natin sakanya palagi niya lang tayo iiwasan, tulad nung ginawa niya sa atin kahapon."
Napatango ako sa sinabi ni Mikha, tama siya kailangan namin siya makausap ng masinsinan, at kailangan din niya makita na mali ang iniisip niya na mali ang pinaniniwalaan niya.
Sobrang desperada talaga ni Maxine talagang nilason niya isip ni Colet para lang mapunta sakanya, ilalaban ko si Colet sisiguraduhin kong makukulong siya sa ginawa niya.
Jared: "So anong plano? Sigurado akong magiingat nayon, dahil maiisip non na palagi natin siya pupuntahan sa school kaya baka magtago nayon."
Mikha: "Kikidnapin natin siya."
"Seryoso ba kayo dyan?"
Mikha: "Oo Jho, kailangan natin gawin yon."
Jared: "Buddy parang dimo kilala si Colet, kahit walang naaalala satin yon palos yon."
Mikha: "Ako bahala, tulungan mo nalang ako."
"Kailan niyo gagawin ang plano? Sabado ngayon walang pasok kaya wala sa school yon."
Mikha: "Hahanapin namin siya ngayon, sisiguraduhin kong madadala namin siya sayo para makausap natin. Kaya pala si General ayaw na ipaasikaso yung aksidente ni Colet dahil nasa anak niya pala. Talagang pinoprotektahan niya sa maling gawain ang anak niya."
Pumasok naman agad sa isip ko yung araw na nilibing namin si Colet nandon pa yung General na sinasabi nila kahit si Maxine nandon, kung alam ko lang na ganon sila kadumi magtrabaho ay diko na sila hinayaang makalapit sa puntod ni Colet.
Jared: "Buddy nakausap mona ba ulit si Castro? Baka nagawa na niya pinapatrabaho natin sakanya."
"Sino naman yon?"
Mikha: "Isa ding pulis yon Jho naging kaibigan namin nila Colet isa siyang interpol, sakanya namin pinapahanap si Colet sakanya kami nanghingi ng tulong kung saan tumutuloy ngayon si Colet."
Kinuha ni Mikha ang kanyang cellphone saka nagtype ng number tatawagan niya siguro yung Castro na sinasabi nila.
Mikha: "Hello Castro? May balita naba?"
Nakaabang lamang kami ni Jared sa kung anong balita na makukuha ni Mikha sa kausap niya.
Mikha: "What!? Paano nangyari yon? Ano natunugan niya, saan naman kaya sila lumipat? O... osige sige maraming salamat Castro balitaan mo nalang ulit ako. Ingat ingat." Saad niya pa saka binaba ang cellphone.
Jared: "Ano daw? Sino lumipat?"
Mikha: "Natunugan tayo, malamang sinabi na ni Colet kay Maxine yung nangyari kahapon malamang gumagawa nadin ng plano si Maxine."
"Napaka dumi talaga makipag laro ng Maxine nayan, pano yang naging Pulis." Inis na sambit ko.
Mikha: "Tumulong na tayo sa paghahanap kay Colet, Jared. Baka ilabas pa ng bansa ni Maxine si Colet."
"Sasama ako sa paghahanap." Sabay na napatingin sakin yung dalawa.
Jared: "Seryoso kaba Jho?"
"Oo please, hayaan niyo na ako gusto ko talaga maibalik sa akin si Colet." Malungkot na sambit ko.
Gusto kona siyang makasama, gusto kona siyang maibalik samin, sobrang miss na miss kona si Colet kaya hangga't may magagawa ako gagawin ko, kung talagang patay na si Colet wala naman na akong magagawa don pero buhay siya, buhay na buhay si Colet kaya gusto kong mapaalala sakanya ang lahat para bumalik na siya sa amin miss na miss na din siya nung kambal.
Mikha: "Osige bukas na bukas tatawagan ka namin lilibutin natin lahat kung saan pwede natin makita si Colet."
Jared: "Bakit hindi natin sundan ngayon si General?" Biglang sabat ni Jared.
Mikha: "Matalino si General, iwas nga satin yon eh."
Jared: "Baka kung saan tumutuloy sila Maxine don din tumutuloy si General, saka hindi naman tayo magpapahalata, kailangan nating malaman kung saan tumutuloy sila Colet para alam na natin yung susunod na gagawin." Napatango naman si Mikha sa paliwanag ni Jared.
Nawala ang tingin ko kay Jared ng biglang may pumasok sa entrance nitong restaurant si Colet ngiting ngiti itong nakatingin sa kasama niyang bata, yon yung classmate ng kambal na sinasabi niyang anak niya.
"Mikhs si Colet." Agad na napatayo yung dalawa at sinundan ang tingin ko.
Napunta ang tingin sa amin ni Colet agad nawala ang ngiti nito at nagmamadaling inaya ang kasama niyang bata palabas, kaya si Jared at Mikha ay nagmamadaling naglakad para sundan wala nadin akong nagawa kundi sumunod sa dalawa.
Agad naisakay ni Colet yung bata sa kotse sasakay nadin sana siya sa driver seat ng maabutan siya nila Mikha.
Ako ay tulala lamang na nakatingin sakanya habang nakatayo malapit sa entrance ng restaurant. Kita ko sa mukha ni Colet ang takot ng makita ang dalawa, ano bang ginawa mo Maxine kay Colet bakit kinamumuhian niya kami.
_________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)