Jhoanna' Pov
6pm na ng matapos ang meeting namin pinauna kona din umuwi si ate Maloi dahil nandon nadin naman ang sundo niya kanina pa siya hinihintay. Ako naman ay may mga kukunin pa sa Office na gawain don ko nalang sa bahay itutuloy.
After ko kunin lahat ay lumabas nadin ako ng Office at nilock ito, dumiretsyo nadin ako sa labas balak ko kase magcommute ngayon dahil dadaan ako sa Mall kaya hindi na ako nagpasundo.
Pagka labas ko ng gate ay may huminto namang kotse sa harap ko, at bumukas ang bintana nito dumungaw si Colet agad naman akong napangiti.
Ewan koba hindi naman siguro ako inlove diba? I think hinahangaan ko siya ganon.
About don sa Mango Graham, ako mismo ang gumawa non diko din alam kung bakit binigyan ko siya non nagsinungaling nalang ako na galing yon kila Mommy kahit sakin naman talaga baka kase magisip nanaman mga kaibigan ko, pinsan kase ng mga yon si Thinkerbell.
Colet: "Pauwi kana ba? Halika na hatid na kita." Hindi kona namalayan na nakababa na pala ito ng sasakyan at nandito ngayon sa harap ko.
"Actually hindi pa, dadaan pa ako sa Mall. Magko-commute nalang ako, thankyou."
Colet: "Sakto papunta din ako ng Mall, may mga bibilin din ako. Halika na pangbawi ko don sa masarap ng Graham." Nakangiti nitong saad saka binuksan ang pinto ng kotse.
Colet: "Wag ka matakot sakin, maiinitin lang ulo ko pero hindi naman kita sasaktan." Pagbiro pa nito, kaya sumakay nadin ako sa kotse niya.
Nagchat nadin ako kay Mommy at Daddy na dadaan ako ng Mall at kasama ko si Colet ngayon, pero dipa nagrereply baka hindi padin sila nakakauwi sa bahay.
Nang makarating kami ay agad na niyang pinark ang kotse niya saka mabilis na bumaba para pagbuksan ako ng pinto.
Napaka gentlewoman talaga.
Teka wait?
Bat ako kinikilig?
Colet: "Jhoanna may problema ba? Nandito na tayo." Tanong nito sakin, kaya agad akong nabalik sa wisyo kung ano ano kase iniisip ko eh.
"Wala naman." Saka ako bumaba ng kotse.
Colet: "Ano ba mga bibilin mo? Samahan na kita, para ako nadin maghatid sayo pauwi para dika na magcommute 7pm nadin kase gabi na." Saad nito habang papasok kami sa Mall.
"Sa National Bookstore nandon mga need kong bilin eh."
Nang makarating kami sa bookstore ay agad kona ding hinanap ang mga kailangan ko.
Colet: "Jhoanna maiwan na muna kita dito ah, bibilin kolang saglit mga kailangan ko." Agad naman akong ngumiti at tumango.
Naglakad na'to palayo, nagtaka naman ako ng bigla itong huminto at bumalik sa pwesto ko.
Colet: "Dito moko hintayin ha? Ako na maghahatid sayo." Nakangiting sambit nito saka ulit naglakad papalayo.
Agad kona ding hinanap ang mga kailangan ko baka kase mabilis lang din si Colet para hindi na siya maghintay nakakahiya naman.
After ko makapag bayad ng mga binili ko ay lumabas na ako ng bookstore dito ko nalang siya hihintayin sa upuan dito makikita ko naman siya agad pero papaupo palang ako ay tanaw kona agad siya agad ding nagtama ang mata naming dalawa nakangiti itong naglalakad papalapit sakin habang may hawak na Milktea.
Colet: "Kanina kapa ba naghihintay? Sorry ah bumili pa kase kong Milktea eh, ito oh sayo yung isa. Diko alam gusto mong flavor ng milktea kaya Matcha nalang binili ko." Agad ko namang kinuha itong milktea, kung alam niya lang ito ang pinaka favorite kong flavor ng milktea.
"Thankyou dito, kakalabas kolang ng bookstore actually, hihintayin dapat kita dito." Saka ako nagsip ng milktea.
Colet: "Masarap ba? Favorite ni Frances yan, kaya yan nalang binili ko." Agad naman akong napatingin sakanya pero wala ang tingin nito sakin.
Same pala kami ng Favorite ni Frances ng flavor ng milktea? Ngayon kolang nalaman.
Nang makarating kami ng parking lot agad na kaming sumakay sa kotse niya, sinabi kona din sakanya na magcommute nalang ako ayaw niya talaga pumayag dahil anong oras nadin.
Tahimik lang itong nagmamaneho, totoo palang ang ganda niya at kung naging lalaki for sure ang gwapo din niya walang halong biro kaya siguro humaling na humaling si ate Maloi sakanya.
Colet: "Grabe yung titig mo ah, wag kang magalala iuuwi kita sainyo ng buo." Pagbibiro nito na kinatawa kodin.
"I know naman." Saka ko binaling ang tingin sa bintana, nakakahiya nahuli pa niya akong nakatitig sakanya.
Hindi nadin naman ito nagsalita diretsyo nadin ang tingin niya sa daan, kaya ako ay dina inalis ang tingin sa mga nadadaanan namin.
Colet: "Alam mobang kakilala ko ang parents mo?" Basag nito sa katahimikan kaya napatingin ako sakanya.
Colet: "Kapatid mo si Frances?" Medyo napa laki pa ang mata ko dahil sa tanong nito.
"Oo, paano mo nalaman?" Agad na tanong ko.
Colet: "Parehas na parehas kayo ng mata, saka nung time na nailigtas kita sa adik nagkaron nako ng kutob nung makita ko ang Daddy mo." Sambit nito at tumingin ulit sa daan.
Natahimik na lamang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil nadin siguro sa gulat, kaya siguro ang bait niya sakin baka nakikita niya si Frances sakin or di man assuming lang ako?
Colet: "Mahal na mahal ko ang kapatid mo, isa sa siya pinakamagandang dumating sa buhay ko. Pero nung kinuha siya agad yon din ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko, kaya siguro sobrang tigas kona din eh." Nalungkot naman ako sa sinabi nito, halata sa bawat salita na sobrang nasaktan siya sa pagkawala ni Frances.
Colet: "Pasensya na ha, bigla nalang akong nagopen na hindi naman dapat."
"It's okay, mas okay yon nailalabas mo." Agad na sagot ko.
Inihinto naman nito ang sasakyan sakto at nandito na kami sa tapat ng bahay namin, pinagbuksan pa ako nito ng pinto.
"Pasok ka, dito kana din magdinner." Aya ko dito pero mabilis itong umiling.
Colet: "Thankyou nalang, need kona din kase umuwi, sige na pasok kana." Saka nito binuksan ang pinto ng kotse.
"Take care, Colet. Thankyou."
Colet: "Sige na pasok kana sa loob."
"Hintayin na kita makaalis." Sagot ko.
Colet: "Eh hindi ako aalis dito hangga't dika pumapasok." Matigas talaga ang ulo ng isang to.
"Oo na sige na papasok nako, magingat ka." Binuksan kona din ang gate saka pumasok nakita ko naman na sumakay nadin ito sa kotse.
Binaba pa nito ang bintana saka ngumiti sa akin at kumaway bago umalis, tiningnan kopa ito hanggang makalayo saka ko nilock ang gate.
_______________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)