KABANATA LVII

421 17 3
                                    

Colet' Pov






Nagmamadali akong bumalik sa condo para kunin ang susi ng sasakyan nagsuot nadin ako ng Jacket, pagka lock ng pinto ay patakbong akong naglakad papunta sa sasakyan.



Kailangan ko makausap si Jhoanna, pero pag sakay kopa lang ng kotse ay hindi kona alam kung anong paliwanag ang gagawin ko nakarating na sa kanya yung picture, hindi pa ako handa sa ganitong sitwasyon.



Balak ko naman na umamin sakanya kumukuha lang talaga ako ng lakas ng loob dahil nakokonsensya na ako sa mga kasinungalingan na pinag gagawa ko.


Paulit ulit ko tinatawagan ang cellphone ni Jhoanna pero pinapatay niya lang yung tawag ko. Halos palipadin kona ang sasakyan ko papunta sa bahay nila Jhoanna dahil don lang naman siya pupunta. Wala na akong pakialam kung mabunggo ako ngayon o maaksidente mas gugustuhin kopa nga yon kaysa iwan ako ni Jhoanna.


Hinding hindi ko talaga mapapatawad si Maxine, talagang sinusubukan niya pasensya ko.


Agad akong nag doorbell sa bahay ni Jhoanna saglit lang ay pinagbuksan ako ni Tay Albert.



"Tay si Jhoanna po?"


Tay Albert: "Nandon anak sa loob nandyan nadin sila Ma'am at Sir, pasok ka." Kumabog naman ang dibdib ko ng dahil sa kaba.


Pag pasok ko ay saktong palabas nadin si Tito kaya nagmamadali akong lumapit sakanya, pag lapit ko isang malakas na suntok ang natanggap ko kaya bumagsak talaga ako sa damuhan ramdam kodin na parang may pumutok sa labi ko dahil naramdaman ko ang pagtulo ng dugo.


Tita: "Hon, kumalma ka!"


Tay Albert: "Sir!!!"


Jhoanna: "Daddy! Tama napo." Halos sabay sabay na saad nila ng suntukin ako ni Tito.


Tito: "Pinag katiwala ko sayo ang anak ko." Sigaw nito sakin, inaawat nadin ni tay Albert si Tito.


"Sorry po Tito, hindi kopo alam yon lasing po ako, patawarin niyo po ako."



Tito: "Anong hindi mo alam ha!?" Saad ni Tito sabay suntok ulit sakin pero sa sikmura naman.


Tita: "Hon ano ba!" Pigil ni Tita.


Ramdam na ramdam ko yung sakit ng pagkaka suntok sakin pero diko yon ininda agad padin akong tumayo.


"Babi please magpapaliwanag ako." Pagmamakaawa ko.


Jhoanna: "Umalis kana Colet, please din."


Tito: "Pumasok ka Jhoanna sa loob, ngayon na!" Agad namang sumunod si Jhoanna.


"Jhoanna please?" Tawag kopa sakanya pero hindi ako nito nilingon.


"Jhoanna kausapin moko, magpapaliwanag ako." Sigaw kopa.


Tito: "Umalis kana dito, ayusin mo yang gulong ginawa mo." Seryosong saad ni Tito at pumasok nadin sa loob kasama si Tita.



Napaluhod na lamang ako sa damuhan, ramdam na ramdam kona ang karma ko, ramdam na ramdam kona ang sukli ng kalokohan ko.



Tay Albert: "Anak halika na." Tinulungan nadin ako ni tay Albert tumayo.


"Salamat po Tay." Saad ko ng maihatid ako nito sa sasakyan.


Tay Albert: "Magingat ka anak."



Ngumiti na lamang ako saka pina andar ang sasakyan. Halos manlabo na ang paningin ko dahil sa sunod sunod na paglabas ng luha grabe nadin yung bigat ng pakiramdam ko.







___________________///////







Maaga palang ay nagpunta na agad ako sa bahay nila Jhoanna para ako sana ang maghatid sakanya sa kompanya nila pero umalis din ako agad dahil kanina pa daw naihatid ni tatay Albert sabi ni Nanay Loren kaya wala nadin akong nagawa kaya dumiretsyo nako sa presinto.


Pag pasok ko sa opisina namin ay agad akong nilapitan ng dalawa halata sa mukha nila ang pag aalalang siguro ay alam na nila ang nangyari samin ni Jhoanna.



Mikha: "Buds kamusta ka? Nasabi sakin ni Aiah yung nangyari." Agad na tanong niya ng makalapit sakin.



Jared: "Nasabi din sakin ni Maloi kaya Ssob wag ka muna magpapakita kay Maloi malalagot ka talaga."



"Naiintindahan ko naman kung bakit galit sila sakin." Matamlay na sagot ko.


Mikha: "Pero buds totoo bang may nangyari sainyo ni Maxine? Akala naman namin ni Jared siya ang maghahatid sayo kaya pinag katiwala ka namin sakanya, sa condo ka pala niya inuwi?"



"Wala akong maalala ang alam kolang ay nagiinom tayo at mga lasing na kayo may tama nadin ako pero may inabot sakin na alak si Maxine after ko inumin yon, wala na diko na alam sunod na ginawa ko."


Jared: "Grabe patay na patay sayo si Maxine, napaka desperada niya sa ginawa niya nayon." Panget man na sinabi ni Jared pero totoo yon sinamantala niya ang kalasingan ko.



Mikha: "Anong plano mo ngayon buds? Nakausap mona ba si Jhoanna?" Umiling ako.


"Ayaw sakin makipag usap, galit na galit sakin kahit si Tito galit din sakin."


Jared: "Bakit hindi natin imbestigahan?"



Mikha: "Ang alin?" Takang tanong niya.


Jared: "Diba may pinainom sayo si Maxine tas wala ka ng maalala? Naisip kolang baka may nilagay si Maxine sa alak na binigay niya sayo." Agad naman akong napatingin sakanya.



Tama nga siya kase alam ko na okay pa ako nung matapos kami uminom pero nung binigyan ako ni Maxine ng isa pang baso wala nakong maalala sa lahat ng nangyari.


Mapatunayan ko lang na may ganon siyang ginawa, ako mismo sisira sa buhay niya kahit anak pa siya ng General.



Mikha: "Wag kana masyadong magisip buds, tutulungan ka namin para maging okay ulit kayo ni Jho."


Jared: "Oo ssob magiging okay din kayo non, sa ngayon magtrabaho na muna tayo." Tumango tango nalang ako.


"Salamat, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayo." Tinapik tapik ako ng mahina sa balikat ni Mikha bago ito nagpunta sa desk niya ganon din si Jared habang naka ngiti.



Kahit paulit ulit kong basahin ang mga report na nasa table ko ay wala akong maintindihan ang bigat bigat padin talaga ng pakiramdam ko.


Paano kung hindi na ako mapatawad ni Jhoanna? Pano kung hindi na siya pumayag na magpakasal sakin, pano kung tuluyan na niya akong iwan iniisip ko palang ay ang bigat bigat na sa pakiramdam parang sasabog na puso ko sa sobrang sakit iniisip ko palang yung pwedeng mangyari.


Dapat hindi kona siya hinayaang maiwang magisa sa condo non sana hindi nalang ako nakipag inuman sa mga katrabaho ko, wala sana akong iniisip ngayon wala sanang gumugulo sa utak ko, baka okay na okay pa kami ni Jhoanna.











____________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon