KABANATA XXXVI

340 10 0
                                    

Jhoanna' Pov




Maghapon lamang ako dito sa bahay para magpahinga masama kasi ang pakiramdam ko kaya hindi na muna ako pinayagan ni Daddy magpunta sa kompanya para magtrabaho ininuman ko nalang din agad ng gamot para hindi na magtuloy mahirap kase maghabol ng mga gawain sa trabaho matatambakan nanaman ako ng mga papel sa desk ko pagka nagpatuloy yung di okay na pakiramdam ko.




Nang makagraduate ako ay ipinasok na agad ako ni Daddy sa kompanya para makatulong sakanila syempre hindi naman porke't pagaari namin ang Robles Prime Company ay doon na agad ako sa mataas na posisyon pinagdaanan ko lahat sa loob ng isang taon itinuro iyon sakin ni Mommy at Daddy dahil yon naman talaga ang dapat kase ako din ang hahawak nito balang araw.



Dalawang taon ang lumipas halos lahat kaming magkakaibigan ay busy na sa kanya kanyang trabaho si Sheena konti nalang after ng board exam non mas magiging busy nadin yon tulad namin, hindi kona nga din namalayan na dalawang taon na lumilipas dahil sa trabaho.



Nagkikita pa naman kaming magkakaibigan kaso hindi na tulad noon na madalas, madalas yung iba ay hindi free kami naman ni Colet ganoon padin mas naging matibay lang dahil siguro sa mga pagaaway namin, naging maiinitin talaga ang ulo ko simula nung nagkatrabaho siya ang dami ba namang umaaligid na babae sakanya bakit kase ang ganda na ang pogi pa ng taong yon.



Kanina lang ay magkausap kami tinawagan ko siya sakto namang papasok nadin ito sa trabaho dahil  nakauniform na bagay na bagay nga sakanya yung Uniform eh kaya siguro ang daming umaaligid sakanya mapa lalaki o babae kung pwede nga lang na wag na siya magtrabaho binawal kona sakanya para wala akong nalalaman na ganon, pero syempre hindi naman pwedeng pangunahan ko yung ganong bagay lalo na't pangarap niya talagang maging pulis kaya kailangan habaan ang pasensya para hindi makapatay ng taong umaaligid kay Colet.


Napabangon naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinuha si ate Maloi tumatawag.



"Hello ate? Napatawag ka?" Agad na  bungad ko ng sagutin ko ang tawag nito.


Maloi: "Hi Jho, Are you busy?" Tanong nito mula sa kabilang linya.


"I'm here ate sa bahay, nagpapahinga. Why ate?"



Maloi: "Pwedeng pumunta dyan? I'm not busy din naman."



"Okay ate hintayin nalang kita dito, text me if nasa labas kana ha? Magingat sa pagdrive."



Maloi: "Okay bye Jho." Pinatay nadin nito ang tawag kaya nagayos na ako ng sarili ko.



Nakaligo nadin naman ako kanina lang nahiga lang ako at sobrang sakit kase ng ulo ko, after ko magayos ay chineck ko ulit ang phone ko.



Love🤍: "I'm eating na ng breakfast love, kamusta pakiramdam mo?"



Love🤍: "Kumain kana?" Basa ko sa magkasunod na chat nito.


Palagi talaga siyang naguupdate kahit gaano siya kabusy sa trabaho, hindi padin nagbabago mas naging pa sweet pa lalo.



"Sabay na kami ni ate Maloi, papunta siya ngayon dito love." Reply ko agad naman nitong naseen.



Love🤍: "I'm done na kumain po, wag mo kalimutan uminom ng gamot ah? Ikamusta mo  nalang ako kay Maloi, balik na ako sa trabaho. I loveyou I missyou!" Reply nito na agad kong pinusuan.


Ang lakas padin talaga ng epekto niya sakin kahit dalawang taon na ang lumilipas, akala kopa noon pagka dumating sa boring stage baka magkalabuan kami ni Colet tingnan niyo naman ngayon nalagpasan namin iyong stage nayon parang ganon padin talaga kami tulad nung una parang nagliligawan padin.



"Okay love, I love you and I miss you! Be safe always okay?" Hindi na ito nagreply baka nagumpisa na ulit magpaka busy sa trabaho.


Alam ko naman na nagiingat siya palagi pero hindi ko naman maiwasang magisip kase alam naman natin na hindi naman biro ang pagiging Pulis saka maiinitin pa naman ulo ng isang yon.


Bumaba na ako sa sala hindi kona hinintay na magtext si ate Maloi para din makagawa na ako ng makakain naming dalawa, wala kasi si nanay Loren ngayon umuwi ng Probinsya si mang Albert lang ang kasama ko dito nandon naman yon sa garahe.



After ko gumawa ng maiinom at ng sandwich narinig kong tumunog ang doorbell sa labas inilapag kona ang pagkain sa table dito sa sala at tumungo na sa labas.



Agad ko ng pinagbuksan ng gate si ate Maloi na halos kakadating dating lang.


"Ano naman ate naisipan mo at nalibot ka? Wala kabang meeting ngayon?" Agad na tanong ko papasok nadin kami sa loob ng bahay.


Maloi: "Magtatanggal lang ako ng stress, hindi na muna ako pumasok at ang sakit na ng ulo ko sa gawain sa office. Ikaw bakit wala ka sa kompanya niyo?" Balik na tanong nito.


"Masama ang pakiramdam ko ate, hindi na muna ako pinapasok ni Daddy para makapagpahinga."


Maloi: "Kamusta na kayo ni Colet?" Pagiiba nito sa usapan.


"Okay naman kami ate, ganon padin nagaaway lang minsan pero napaguusapan naman agad." Agad na sagot ko ng makaupo kami sa sofa dito sa sala.


Maloi: "Mabuti naman kapag ikaw sinaktan non titirisin ko sila ni Jared."


"Bat naman nadamay ang fiancee mo?" Agad na tanong ko.


Opo sila po ang nagkatuluyan yung dalawang palaging inis sa isa't isa ngayon malapit na ikasal nag propose sakanya last month si Jared pinaguusapan pa nila kung kailan exact date ng kasal.



Sino bang magaakalang yung parang aso't pusa noon eh magkakatuluyan.



Maloi: "Eh mag bestfriend sila eh, isama kona din si Mikha. Tutal hindi na mapaghiwalay yung tatlo nayon simula college hanggang trabaho sinundan ang isa't isa."



"Magkakadikit na bituka ng tatlong yon ate, baka kung nagpulis din si Gwen baka apat silang magkakasama." Natatawang sagot ko.


Maloi: "Hindi malabo yon, nga pala labas naman tayo mamaya? Chat natin silang lahat ang di sumama wag nating pansinin. Or kung ayaw sa labas dating gawi nalang kila Mikha?" Napaisip naman ako agad, balak din kase ni Colet magpunta dito mamaya.



"Sabihan ko ate si Colet, pupunta siya dito mamaya eh, at sinabi kong masama pakiramdam ko."


Maloi: "Oo para naman makapag unwind tayo, tagal nadin yung last na kita kita tas wala pa si Gwen this time sana naman buo na tayo." Saad nito at saka uminom ng juice.



Nagkwentuhan lang kami ni ate Maloi at kung saan saan na nakarating yung pinaguusapan namin, ngayon nalang kase talaga kami ulit nakapagusap ng ganito dahil pare parehas ng busy sa trabaho.


Maloi: "Thankyou sa food Jho, kung saan saan nakarating ang chismisan natin."

"Namiss ko'to magchismisan tayo mamaya nila ate Aiah at ate Stacey, sana lang talaga matuloy." Natatawang saad ko.

Maloi: "Subukan lang talaga nila hindi sumama, FO sakin yung mga yon. Pano mauna nako ha? Usap usap nalang sa Gc mamaya. Bye thankyou ulit!" Nakipag beso pati ito sakin bago sumakay ng kotse.


"Bye ate thankyou din. Magingat ka sa pagdrive." Saka ako kumaway.



Nang makaalis si ate Maloi ay pumasok nadin ako sa loob halos dalawang oras at kalahati din kami nagkwentuhan ng kung ano ano non tagal ba naman di nagchismisan kaya naipon ata lahat ng chismis ngayon lang nailabas lahat kaya inabot ng dalawang oras mahigit.






_____________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon