KABANATA XVI

300 15 0
                                    

Jhoanna' POV

Kararating kolang sa University medyo maaga kase akong nagising kahit mamaya pang 10am ang class namin.

Tan: "Hi Jhoanna." Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Tan ngiting ngiti itong nakatingin sakin.

"Hello." Mahikling sagot ko at nagpatuloy padin sa paglalakad.

Tan: "Bakit hindi ka nagrereply sakin? You know naman na gusto kita diba?"

"Wala akong panahon sa ganyan Tan."
Ramdam kopa din ang pagsunod nito sakin.

Tan: "Payagan mona kong manligaw sayo Jhoanna, hindi naman kita sasaktan eh. Saka ang dami kayang nagkakagusto sakin dito, mabuti nga ikaw pinili ko eh." May pagka mahangin din pala itong isang to.

"Akala moba hindi ko alam na pinagkakalat mong nanliligaw ka sakin?" Sagot ko.

Tan: "Doon din naman tayo papunta eh, para din tigilan nako ng ibang babae na may gusto sakin."

"Hindi ako nagpapaligaw o magpapaligaw sayo Tan, tigilan mo nga ako." Naiiritang sagot ko, masyado siyang mayabang.

BOY: "Huy Tan? Pinapatawag na tayo ni Coach." Sigaw ng isang lalaki.

Tan: "Sige sunod nako, Jhoanna magusap ulit tayo mamaya ha?" Nakangiti pa itong nakatingin sakin habang naglalakad papalayo.

"Wala tayong paguusapan, tigilan moko!" Saka ko binilisan ang paglalakad.

Pagdating ko sa Office ko ay binaba kona agad ang mga dala kong gamit, mayron kase akong sariling Office as Student Council President maliit lang naman to, dito ako nagpupunta pagka gusto ko ng katahimikan.

Nang makaupo ako ay agad naman pumasok sa isip ko ang kapatid ko, paano kung buhay pa siya hanggang ngayon? Malamang magkakasama na kami sa bahay baka mas naging close pa kami.

Dahil nga magkahiwalay kami madalas kaya wala kaming halos bonding magkapatid kaya wala talaga akong kaalam alam about kay Colet na siya pala yung kasintahan niya noon, alam ko naman na meron siyang kasintahan kaso that time hindi ko alam kung lalaki ba o babae, tuwing mauuwi ako ng weekend sa bahay wala naman ang kapatid ko madalas umalis or di man nandon daw sa kasintahan niya at doon natutulog.

Kaya siguro grabe ang epekto kay Colet ng pagkawala ni Frances siguro ay madami na silang pinagsamahan.

"Tok! Tok! Tok!" Tunog mula sa pinto kaya napahinto ako sa pagiisip.

"Pasok!" Agad namang nagbukas ang pinto at iniluwa nito si ate Maloi.

Maloi: "Jho may meeting tayo, mamayang 10:30 alam mona ba? May chat sa GC." Umiling lang ako.

Maloi: "Sabi na nga ba eh, hindi ka kase nagsiseen sa GC, kaya pinuntahan kita dito buti tama ako ng landas na pinuntahan at nandito ka." Saka ito umupo sa sofa.

"Wala kang class ate?" Tanong ko.

Maloi: "Waley after lunch pa, sila Aiah papunta palang." Nahiga ito sa sofa saka pumikit.

"Sino yang nasa likod ng I'd mo?" Tanong ko napansin ko kase saka ngayon kolang yon nakita.

Maloi: "Si Colet, tingnan mo ang gwapo niya." Saka iniabot sakin ang picture.

Maloi: "Ang gwapo diba? Saka alam moba kumakanta pala yan." Kinikilig na sambit nito kaya napailing na lamang ako.

"Alam ko, kumanta siya nung may pageant dito sa University."

Maloi: "Totoo ba? Bat diko alam yon, nasaan ba ako non?" Napabangon pa ito sa sofa.

"Kasama mo ata sila ate Aiah non saka si ate Stacey."

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon