Colet/Claine' Pov
Wala sa sarili akong pumasok sa bahay simula ng makaalis sa lugar kung saan dinala ako nung mga kumuha sa akin ay dina nawala sa isip ko yung mga sinabi nila, hinayaan nila akong makaalis don ni hindi nila ako sinaktan o ano pa man.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi nila o kay Maxine lang ako dapat maniwala. Pero masyadong ginugulo ng mga pictures yung utak ko at yung dalawang bata na lumapit sa akin kahawig ko sila don ako lalong naguluhan nung nakita ko iyon.
Maxine: "Omygod love, where have you been?" Agad na tanong nito sakin ng makita ako.
Napatitig lamang ako sa kanya, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon hindi ko alam kung tama bang pagdudahan ko siya.
Maxine: "Ang sabi ni Manang may pulis na kumuha sayo? Anong ginawa nila sayo sinaktan kaba nila?" Umiling lamang ako.
"Gusto ko ng magpahinga." Saad ko at naglakad na papasok kung saan ang kwarto namin.
Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Maxine, malamang ay nagtataka siya.
Maxine: "Wait, may sinabi ba sila sayo?" Agad akong napatingin sakanya.
"May dapat ba akong malaman?" Mabilis itong umiling.
Maxine: "Sinabi kona sayo lahat ng totoo, nagaalala lang ako sayo baka kase sinaktan ka nila tulad nung dati. Wag na wag kang maniniwala sa mga yon dahil baka ilayo ka nanaman nila sa akin."
"Bakit hindi mo sa akin sinabi na may anak ako?" Gulat ang rumehistro sa mukha niya.
Maxine: "Wala kang anak, kami lang ang pamilya mo! Ako at si Missy yon lang." Kinagulat ko naman ang pag taas ng boses niya.
First time niya lang kase ako taasan ng boses.
Maxine: "Hindi kana lalabas, aalis na tayo dito. Babalik na tayo ng US."
"Ano ba ang totoo Maxine? Magsabi ka nga ng totoo. Naguguluhan ako."
Maxine: "Sa akin ka lang maniniwala, dahil hindi sila nagsasabi ng totoo niloloko ka lang nila."
Hindi kona siya pinansin dahil sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung ano ba ang totoo, pumasok ako sa kwarto saka ito nilock. Ayoko na muna makipag usap masyadong madaming tumatakbo sa utak ko parang naghahalo halo na hindi kona alam kung sino ang papaniwalaan ko sakanila, hindi ko alam kung sino sakanila ang nagsasabi ng totoo.
__________________///
Mabilis akong nagtago sa likod ng puno ng lumingon ang kanina kopa pinagmamasdan, kahit sarili ko diko maintindihan kung bakit ako nandito ngayon kung bakit ko ginagawa ito, gusto kong malaman mula sa sarili ko kung ano ba ang totoo, pakiramdam kong merong hindi nagsasabi ng totoo sakanila.
Muli akong napatitig sa taong tuwang tuwa na kinakausap ang dalawang bata, ni hindi ko natanong ang pangalan niya, wala sa sarili akong napangiti ng halikan niya parehas ang dalawang bata diko matandaan kung ano ang pangalan Riley ata at Joey medyo weird ang pangalan dahil parehas babae pero pang lalaki ang pangalan.
Gusto ko silang lapitan pero parang may pumipigil sakin, diko alam kung ano yon.
"Piskit!" Sigaw ko ng may biglang humawak sakin.
Ito yung isa sa kambal, bakit to nandito? Ito ata yung Riley na sobrang tahimik nung nakita ko.
"Nang gugulat ka naman bata, Ikaw ba si Riley?" Tanong ko sabay lingon kung nasaan sila kanina nakangiti naman itong tumango sa akin, kaya lumuhod ako para makapantay ko ito.
Riley: "Dada anong ginagawa mo dyan? Sama ka sa amin nila Mommy."
"Wa....wait lang." Saad ko dahil bigla ako nitong hinatak papalapit sa Mommy at sa kakambal niya.
Riley: "Mommy look who's here." Saad nito ng makalapit kami.
Napakamot na lamang ako ng kilay ng magkatinginan kami nung Mommy nila agad na tumakbo sa akin ang kambal mabilis akong niyakap.
Riley: "Hey Joey can i hug Dada muna? Mamaya kana." Pilit nitong inaalis ang pagkakayakap ng kakambal niya.
"Riley? Ano name ng Mommy mo?" Bulong ko dito.
Takang taka naman itong tumingin sa akin, hindi ko kase napigilang magtanong. Hindi ko kase alam kung ano pangalan niya.
Joey: "Jhoanna po Dada, nakalimutan mona?"
Agad akong napangiti at tumingin kay Jhoanna, ang gandang pangalan.
"Kausapin ko lang si Mommy niyo okay lang ba?" Sabay naman tumango ang kambal.
Sabay ding nagtakbuhan ang kambal papunta sa park para maglaro, ako naman ay kahit nahihiya pinilit kong makalapit kay Jhoanna.
Jhoanna: "Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto ko kayo makasama, gusto ko malaman mula sa sarili ko kung ano yung totoo." Mabilis itong lumapit sakin sabay yakap ng mahigpit.
Diko alam kung anong pakiramdam ito, pero ang gaan at ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya.
Jhoanna: "Alam kong nakalimutan mo lang kami dyan sa isip mo, pero sa puso mo hindi." Kitang kong nang gigilid na luha nito sa kanyang mata.
Pakiramdam ko'y tinutusok ang puso ko ng makita kong nagbagsakan na ang mga luha niya.
Totoo bang siya talaga ang asawa ko? At yung dalawang bata ay anak namin? Bakit simula nung makita ko ang mga picture parang sila na ang gusto kong palaging makita, halos apat na araw kona itong ginagawa ang palagi silang pinagmamasdan ng hindi nila alam. Alam kong nagtataka na sa akin ngayon si Maxine kung bakit palagi akong wala, sunod sunod na araw na din kaming nagtatalo about sa totoong gusto ko, unti unti ko napapansin ang pagbabago niya. Kahit ayaw niya akong payagang lumabas ay hindi ko siya sinusunod diko alam wala sa loob ng bahay nayon yung gusto kong pakiramdam, nandito yon, nandito kasama ang kambal at si Jhoanna.
Alam ko naman na malaki ang utang na loob ko kay Maxine at sa pamilya niya, pero paano kung nagsisinungaling nga siya sa akin, paano kung niloloko niya lang talaga ako, paano kung siya talaga ang dahilan kung bakit ako naaksidente.
Napahawak nalang ako sa ulo ko ng makaramdam ito ng sakit, sa tuwing madaming tumatakbo sa utak ko saglit lang nakakaramdam na ito ng kirot.
Jhoanna: "Wag mong pilitin na magkaroon ng ala-ala Colet, kusang lalabas ang totoo." Nakangiti nitong saad sa akin.
Napangiti na lamang din ako dahil nakakahawa ang maganda niyang ngiti, napatitig na lamang ako sa maganda niyang mukha talaga bang pinakasalan ako ng magandang babaeng ito? Parang hindi kase ako makapaniwala, sobrang ganda niya makikita mo talaga sa mukha niya na may mabuti siyang puso pano ko nakuha itong magandang to.
___________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
