Mikha' Pov
Kasama ko ngayon si Jared, Gwen at Sheena dinalaw namin si Colet dito sa Ospital si Jared ay lumabas na muna bumili ng maiinom.
Ininform nadin agad ni Jared ang parents ni Colet nung dalin siya dito at agad din naman daw uuwi dito sa Pilipinas, hanggang ngayon kase hindi padin nagigising si Colet pangalawang araw na niyang nandito sa ospital pero kahit pag galaw ng kamay ay wala.
Nagulat naman kaming tatlo sa biglang pagbukas ng pinto.
Jared: "Guy's ito parents ni Colet si Tita Ofelia and Tito Romel. This is Mikha, Gwen and Sheena po sila po ang mga bagong kaibigan ni Colet sa University." Pagpapakilala ni Jared agad naman kaming nag bless.
"Nice to meet you po!"
Sheena: "Maganda araw po."
Gwen: "Maganda araw po."
Mr.Vergara: "Magandang araw din."
Mrs.Vergara: "Magandang araw din mga anak, salamat at binabantayan niyo ang anak namin." Halatang maga ang mata nito dahil sa kakaiyak sa pagaalala siguro kay Colet.
Mr.Vergara: "Kasalanan ko to eh, dapat hindi ko nalang sakanya sinabi." Nanggigilid ang luha na saad nitong si Tito.
Jared: "Iyak po siya ng iyak Tito nung araw nayon. Kasalanan kodin po may mga nasabi po ako na nakasakit po kay Colet."
Mr.Vergara: "Nagkausap kami nung umaga nayon, doon ko sakanya sinabi dahil karapatan niya din malaman dahil girlfriend niya si Frances. Sinabi ko sakanya na ginahasa si Frances bago ito pinatay."
Jared: "Po? Ginahasa po?" Gulat na tanong ni Jared at biglang napatayo.
"Ano poba ang nangyari diko po maintindihan." Napatingin pako kay Sheena at Gwen nalilito din katulad ko.
Mr.Vergara: "Mayroong girlfriend si Colet si Frances ginahasa at pinatay 3 years ago." Napatakip nalang ako ng bibig dahil nadin sa gulat.
Mrs.Vergara: "Nung malaman ni Colet yon ay sobrang siyang nasaktan parang binagsakan ng langit at lupa ang anak ko nung mga panahon nayon. Masakit samin na makita siyang ganon halos buong araw nasa loob ng kwarto nakakulong ni hindi nasisikatan ng araw may time pa na gusto nadin niyang patayin ang sarili niya mabuti nalang at agad naming nasira ang pinto." Kwento ni Tita.
Mr.Vergara: "Natakot kami na kung hindi namin siya mababantayan mabuti baka mawala din siya samin, dinala namin siya sa US at ginawa namin lahat para makalimot siya sa nangyari dito sa Pilipinas mula non ay nawalan na kami ng kontak dito sa Pilipinas kahit na ang pamilya ni Frances ay wala kaming balita. Nitong mga nakaraang buwan ay nakausap ko ang Daddy ni Frances at sinabi niya lahat sa akin na ganon ang nangyari na hanggang ngayon ay nakalaya padin ang gumawa non. Pero dumaan pa ang ilang linggo bago ko sabihin kay Colet alam ko magiging epekto pero kinokonsensya ko ng utak ko parang may tumutulak sakin na sabihin lahat kay Colet." Naramdaman kona din ang pagpatak ng luha ko ganon si Jared, Gwen at Sheena.
Wala kaming ka alam alam nila Gwen at Sheena na ganon pala ang pinagdaanan ni Colet.
Sheena: "Kaya po pala madalas namin siyang napapansin na parang wala sa sarili madalas tulala." Naiiyak pa nitong saad.
Mrs.Vergara: "Mahirap ang pinagdaanan ng anak ko, dahil napaka sakit mawalan ng mahal sa buhay."
Halos lahat kaming nasa loob ng kwarto ay nagiiyakan, kahit diko pa naexperience yung ganon ay nakakalungkot na pano pa kaya kay Colet.
___________//////
Pagdating naming tatlo sa University ay dumiretsyo na muna kami sa Cafeteria, hindi namin kasama si Jared ngayon gusto daw muna niyang bantayan si Colet dahil hanggang ngayon ay hindi padin ito nagigising pang apat na araw na.
Sheena: "Ang lala nung pinagdaanan ni ate Colet hano?" Napatango nalang ako.
Gwen: "Ang sakit non grabe!"
"Sana nga maging okay na siya, nakakamiss din yung si Anger eh." Saad ko.
Jhoanna: "Ahmmm, Mikha? Kamusta na si Colet?" Saad nito ng makalapit sa amin kasama nito si Aiah, Stacey at Maloi.
"Hindi pa siya nagigising hanggang ngayon Pres." Sagot ko.
Maloi: "Kawawa naman si Colet, pwede kaya kaming dumalaw?"
Jhoanna: "If okay lang?"
"Oo naman, why not? Actually after ng Class namin ay didiretsyo na kami don gusto niyo sabay na kayo samin?"
Sagot ko nang bigla naman tumunog ang cellphone ko, mabilis kong kinuha sa bulsa si Jared tumatawag."Hello Red? Why? Kamusta si Colet?" Agad na tanong ko nung sagutin ko ang tawag niya.
Sila Jhoanna ay naupo nadin dito kasama namin.
Humikhikbi lang ang naririnig ko sa kabilang linya.
"Hello Red? What happen? Umiiyak kaba?" Agad na tanong ko napatingin nadin sakin yung mga kasama ko.
Jared: "Wala na." Umiiyak na saad nito.
"Huh? Ano...anong wala na?" Napahawak na sakin si Sheena at nanginginig nadin ako.
Jared: "Wala na si Colet."
"Hindi magandang biro yan Jared hano? Wag mokong pinagloloko. Susuntukin kita pagka ako niloloko mo." Inis na saad ko, dahil nanlalamig ako sa mga sinasabi niya.
Sheena: "Ano ba sinasabi?"
"Wala na daw si Colet."
Gwen: "Fuck!" Napatayo na ito dahil sa gulat si Sheena naman ay napatulala lang.
Jared: "Joke lang, bat mo binalita agad dyan." Tarantado talaga to.
"GAGO KA!" Rinig kong tumatawa naman ito.
"Hindi magandang biro yon Jared hano? Pagka talaga nakita kita tatanggalin ko bagang mo." saka ko pinatay yung tawag.
Napaka uto talaga nung loko nayon.
Sheena: "Tarantado talaga yang Bestfriend ni ate Colet hano? Gago kinabahan ako eh."
Gwen: "Ako nga kinilabutan agad eh."
Jhoanna: "Kamusta na daw gising na daw ba?" Umiling ako.
"Walang sinabi si Jared, pinagtripan lang ako ng loko nayon, pagka nakita koyon kotong sakin yon."
Sheena: "Tatluhin mona para samin ni Bebe."
Aiah: "What happen ba? Makikichismis lang, ano pinagawayan nung mag best friend?" Cute talaga nitong bebecakes ko eh.
Stacey: "Kailan kapa naging chismosa?"
Aiah: "Ngayon lang." Natatawang saad nito, kaya napangiti ako.
"About sa girlfriend ni Colet noon, hindi kase alam ni Jared na that time nung mawalan ng malay si Colet ay may nalaman si Colet about don sa girlfriend niya kaya kung ano ano lumabas sa bibig niya."
Stacey: "Totoo bang pinatay yung girlfriend ni Colet 3 years ago?"
Sheena: "Bat mo alam ate Stacey?" Agad na tanong ni Sheena.
Stacey: "Ano...ahm narinig lang namin."
"Yeah, her name is Frances." Agad naman nagtinginan yung apat.
Gwen: "Ang alam lang ni Colet ay pinatay lang yung Frances, nung araw na nawalan siya ng malay nagkausap sila ng Papa niya at doon sinabi na ginahasa daw muna bago pinatay."
Maloi: "Omygod!" Gulat na saad nito pati si Stacey at Aiah ay nagulat din si Jhoanna naman ay bigla nalang umalis.
Maloi: "Jho saan ka pupunta?"
Ang weird naman non bat bigla nalang umalis?
Maloi: "Maiwan na namin kayo guy's, kita kita nalang mamaya pagka pupunta na kay Colet." Tumango nalang kaming tatlo bago sila umalis at sinundan si Jhoanna.
Nagtinginan naman kaming tatlo sabay kibit balikat at nagpatuloy nalang sa pagkain na inorder namin.
__________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)