KABANATA XXII

247 8 0
                                    

Colet' Pov



Pagkabukas kopa lang ng pinto ng sasakyan ay maingay na dito sa University, ngayon kase ang Intrams kaya madaming nagkalat na estudyante at meron ding malalakas na tugtog.

Kinuha kona sa passenger seat yung gym bag ko nandito na lahat ng kailangan ko tumbler sapatos towel pamalit na damit at yung jersey ko, nag jogging pants na muna ako dahil para ng cycling ang short na gagamitin namin sa Volleyball nag t-shirt nalang muna ko baka kase mamaya pa magstart yung laro.


Naglakad na ako papunta sa room dahil nandoon na daw si Mikha at Jared, si Jared naman ay Basketball ang sinalihan kami ni Mikha sa volleyball si Sheena badminton si Gwen ay hindi namin napilit na sumali sa kahit anong sports babawi nalang daw siya. Pagdating ko sa room ay binaba kona agad ang dala dala kong bag sa bangkuan ko.


Mikha: "Bat ganyan suot mo?"

Jared: "Hindi kana sasali?" Tanong ng dalawa.

"Nakadoble yung cycling mamaya ko nalang tatanggalin tong pants." Agad na sagot ko.

Mikha: "Akala ko dika na sasali eh, Tara na sa Cafe nandon si Sheena at Gwen." Aya nito, kaya binitbit ko nanaman ang bag ko.

Jared: "Kumain na muna tayo at baka di tayo makapaglaro pag walang laman ang tiyan." Umakbay ito sakin.


Mikha: "By the way, kamusta naibigay moba nung Saturday yung Cupcakes?" Tanong nito, about nga don sa dinala ko kila Jhoanna.


Isosoli kolang talaga dapat yung tupperware non eh nakakahiya naman na wala manlang akong dala kaya bumili ako ng cupcakes. Hindi ako ang gumawa non hindi ako marunong eh.


Jared: "Nagkita ba kayo?" Umiling ako.


Hindi nga siya sumasagot tawag ko non eh, hanggang ngayon nga diko padin nasi-seen yung message niya.


"Pinaabot ko nalang."


Pagdating namin sa Cafe ay nakita na agad namin sila Gwen at Sheena kasama din nila si Aiah at Stacey. Nasaan yung dalawa?

Sheena: "Ayan na pala mga manok ko eh."

"Nasaan si Jhoanna?" Agad na tanong ko.


Gwen: "Wala bang Hi muna samin? Si Jhoanna agad hinanap mo."


Mikha: "Namimiss na daw niya." Saka ito umupo sa tabi ni Gwen.


Ako naman ay tumabi kay Sheena si Jared ay nandito nadin sa tabi ko.


Aiah: "May inaasikaso yung dalawa, alam niyo na alipin ng University."


Stacey: "True, mamaya lang din pupunta na dito yon dipa din kumakain yung dalawa nayon eh."


Jared: "May inaasikaso naman pala eh, kalma kalang dyan makikita modin yon mamaya."


Naisipan na naming umorder ng makakain para makapagpahinga pa kami bago magstart ang laro.


Stacey: "Ayan na pala ang mga alipin eh." Napatingin naman ako agad sa papasok sa Cafe si Jhoanna nga kasama nito si Maloi.


Maloi: "Hello guy's!" Sigaw nito.

Jared: "Alam mo ikaw ang liit liit mo kalakas lakas ng boses mo."


Maloi: "Alam modin ikaw, galing ka sa US pero ang panget ng ugali mo. Sigawan pa kita sa tapat ng tenga mo eh." Sabay irap nito kay Jared.


Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon