KABANATA LXXII

867 16 2
                                        

Colet' Pov





Isa isa ko ng inayos ang mga gamit ko na nasa table 5pm nadin kaya tapos na ang duty sa bahay ko nalang din siguro babasahin ang mga binigay na Files ni Chief, gusto kong maaga makauwi namimiss kona ang tatlong Jhoanna ko.




Mikha: "Buds sabay ako sayo ah? Alam mona na kay Aiah ang susi kaya diko nagamit."



Jared: "Kung saan saan kapa kase nakakarating eh, kaya ayan kinumpis tuloy susi ng sasakyan mo hindi mo tuloy magamit." Iiling iling na saad ni Jared.



"Tara na, para maaga tayo makauwi." Aya ko.




Jared: "Huy teka, diba magiinom tayo saglit?"




Oo nga pala, may usapan nga pala kaming tatlo parang celebration na namin dahil mabilis naming nasolve ang pinapatrabaho samin ni General.




Mikha: "Tara na."




Sabay sabay na kaming lumabas ng presinto, nagchat nadin ako kay Jhoanna na tuloy ang pag inom namin nila Mikha nung isang araw kopa sakanya iyon napag paalam pumayag naman siya basta wag lang daw magpapakalasing dahil magdadrive pa ako. Si Mikha nadin ang pinagdrive ko sila namang dalawa ni Jared ang may alam kung saan kami magiinom, basta alak talaga asahan mo madaming alam itong dalawa.




Mikha: "Kanina pa tong Van na'to, parang sinusundan tayo ah."




"Madalas kong makita yang Van na yan sa tapat ng presinto." Lagi don nakapark yan eh mga ganitong oras 5pm palagi ng nandon baka may sinusundo.



Mikha: "Kanina pa satin nakasunod eh, tawagan mo buds si Jared." Utos nito sakin.




Kaya agad kong tinawagan si Jared pero nagriring lamang ito at hindi niya sinasagot.




"Ihinto mo sa tabi." Saad ko.




Agad na hininto ni Mikha ang sasakyan malapit sa Mall, kita naming huminto din ang Van.




Mikha: "Tingnan mo huminto din, sinusundan nga tayo buds."



Sabay pa kaming nagulat ng Mikha ng biglang may kumatok sa bintana, si Jared.




Jared: "Dito ba tayo iinom? Huminto kayo, huminto nadin ako." Saad niya ng maibaba ni Mikha ang bintana.




Mikha: "May nakasunod samin na Van. Samin kana sumakay dalian mo!"



Pagkasakay ni Jared ay siya namang pagtapat ng Van samin hinarangan kami nito ng daan, bumukas ang pinto at may lumabas na isang lalaki na balot ng itim na bonet ang mukha.




"Buds atras!!" Sigaw ko.



Mabilis na inatras ni Mikha ang sasakyan ng makakuha ng bwelo ay mabilis na pinatakbo palayo sa Van ang sasakyan, nilingon kopa ang Van pero nakasunod na ulit ito samin nakadungaw pa sa bintana yung isang lalaki.


Mariin akong napapikit ng paputukan  ng dalawang beses ang gawi namin, Ramdam namin ang pagtama ng bala sa sasakyan.




Jared: "Sino ba yung mga yon, ano pakay nila satin?"




"Hindi ko alam, buds diretsyo lang." Saad ko.



Mikha: "Shit!" Sigaw niya ng biglang bungguin ng van ang sasakyan namin sabay paputok ng baril.




Magaling ang driver ng van kaya na overtake-an kami kaya malakas na pumreno si Mikha dahil hinarangan nanaman kami ng daan. Mabilis na nagbabaan ang mga sakay nito.




Her EyesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon