KABANATA IV

714 15 0
                                    

Colet' Pov

"RING RING RING!"

Rinig kong tunog ng cellphone ko sa table malapit sa bed ko ang aga naman ng tumatawag na'to, dinampot kona agad ang cellphone ko sinagot ko agad yung tawag.

"Hello Colet, Tara gala tayo!" Nagtaka naman ako kung sino ang tumawag kaya tiningnan kopa yung phone ko kung kaninong number si Mikha pala.

"Mikha ang aga aga mong nangbubulabog!" Kakamot kamot na saad ko, antok na antok padin kase ako.

"Hello? Afternoon na kaya, tanghali na no, gumayak kana gagala tayo." Tiningnan kopa ang orasan sa table at tama nga siya 12:32pm na.

Parang ang haba naman ata ng tinulog ko eh hindi naman ako puyat kagabi.

Kung nagtataka kayo bat ako tinatawagan ni Mikha yung si pula buhok? Close na kami, actually blockmate ko siya 2 months nadin kaming palaging magkasama sa University bilis hano? Ako din diko namalayan na nakakapag adjust nako sa bago kong school na pinapasukan.

Si Gwen at Mikha saka Sheena yon ang palagi kong nakakasama and masasabi kona kaibigan ko talaga sila at alam kong ganon din sila sakin.

Ang kukulit kaya ng tatlo nayan, may time pa nga na pinagtaguan ko yan kase palagi akong sinusundan, syempre minsan OA ako akala ko balak nila akong maging target ng bully eh, gusto pala makipag kaibigan.

"Mygod! Nananaginip ata to! Hoy Colet ano na?" Tanong ni Mikha sa kabilang linya, may kausap nga pala ko nakalimutan kona kaka-kwento.

"Oo na, gagayak nako. Kulit mo!" Sagot ko.

"Okay, konting faster, on the way na kami dyan sa condo mo!" Aba?

"Hoy anong gagawin niyo dito?" Takang tanong ko.

"Hindi namin dala car namin, kasama kona si Sheena at Gwen. Car mo gagamitin natin sa pag gala. Bye gayak kana." Saka nito pinatay ang tawag hindi manlang tinanong kung payag ako?

Ang kukulit talaga ng mga yon, umalis nako sa bed at baka akitin nanaman ako ng antok.

After kong magtoothbrush ay narinig kona ang doorbell mula sa pinto. Nandito na siguro yung tatlo, kaya pinagbuksan kona agad sila nakabihis nadin naman nako kaya pwede nadin umalis.

Mikha: "Let's go na? Where are we going pala?" Tanong niya.

"Wow kung makaaya sakin kanina na gagala, wala pa palang alam na place na pupuntahan?" Hinampas naman ako nito bigla.

Gwen: "Ganyan yan siya!" Sabat ni Gwen.

Sheena: "What if kumain muna tayo? Nagugutom na kase ako."

"Oo ako din nagugutom, kakagising kolang din, kung di tumawag tong si Mikha dipa ko babangon dapat eh." Sagot ko, agad din naman na pumayag yung dalawa na kumain na muna kami.

Pagdating namin sa Korean Resto agad na kaming naghanap ng available na table.

Mikha: "Hey Colet, what's the score ba?" Tanong nito sakin na kinataka ko.

"Anong what's the score na pinagsasabi mo?" Nakakunot padin ang noo ko na nakatingin sakanya.

Sheena: "Ate Colet don sa crush mo, yung Vice President ng PSU ano nga ulit name non?"

Gwen: "Maloi." Takang taka ko na nakatingin sa kanila, parang wala naman ako naaalala na sinabi ko sakanila na crush koyon.

"Teka nga ano ba yang pinagsasabi niyo? Hindi ko yon crush ano ba kayo." Tanggi ko, totoo naman eh tatlong beses kopa nga lang nakikita yon eh.

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon