KABANATA XXXV

324 10 0
                                    

2 YEARS LATER

Colet' Pov




Nagising ako sa tunog ng alarm kaya kahit nakapikit ay pinilit kong patayin ang sakit sa tenga eh saka antok na antok pa ako napuyat ako kagabi kakabasa ng mga report.




Pinilit kona ding bumangon kahit sobrang antok na antok pa ako, dumiretsyo na agad ako sa kusina para makapagtimpla ng kape ganito lang naman ang buhay ko araw araw papasok sa trabaho uuwi matutulog gigising magkakape maliligo papasok ni hindi na nga kami nagkikita madalas ni Jhoanna at  busy din siya dahil katulong na siya nila Tito sa pagpapalakad ng kompanya nila.




Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang puro asaran at pagaaral ang inaatupag namin pero ngayon ako si Jared at Mikha ay pare pareho ng seryoso sa trabahong pagiging Pulis, habang si Gwen ay isa nang Engineer si Sheena ay nagrereview na para sa board exam si Aiah at Stacey ay parehas ng Flight attendant si Maloi naman ay katulong nadin ng parents niya sa company nila si Chie naman ay isa ng model ngayon, kaya hindi nadin talaga tulad ng dati na madalas kami nagkikita, ngayon ay sobrang dalang na nagpaplano madalas hindi pa natutuloy dahil hindi pwede yung iba.



About sa amin ni Jhoanna okay na okay kami,  syempre hindi ko naman hahayaang hindi maging okay at ayokong mawala yon sa loob ng 2 years madami na kaming pinagdaanan nandon na yung nagaaway kami ng dahil sa maliit na bagay pero hindi naman mawawala talaga yon sa isang relasyon mas tumitibay pa nga pag madalas magaway pero hindi pa naman kami dumadating sa point na malalang away naiintindahan padin namin ang isa't isa dahil nadin siguro hindi na kami madalas magkita at pagod din sa trabaho kaya may mga time na hindi kami nagkakasundo at napupunta lang sa away.


Dahil sa mga pinagdaanan namin nayon mas lalo akong napamahal sakanya.


Sinuot kona ang uniporme ko at inayos na ang sarili bago lumabas ng kwarto, nandito padin ako hanggang ngayon sa Condo this month uuwi nadin dito sila Papa dito nadin sila magistay kasama ko at dito nalang magumpisa ng business.


Mabilis kong kinuha ang cellphone ko ng bigla itong tumunog tumatawag ang aking pinakamamahal.


Corny ba?


Hayaan niyo na, nagmamahal lang naman yung tao eh.



"Hi love, kakatapos kolang po gumayak. Tatawagan na sana kita, naunahan molang ako." Bungad ko ng makita ko mukha nito sa screen ng cellphone.



Jhoanna: "Kakagising gising kolang love, nagkakape ako ngayon. Nagbreakfast kana?" Halata nga na kakagising lang nito dahil ang lambing lambing pa ng boses niya.



"Hindi papo, baka don nalang ako sa Office love mag breakfast madami din kase kaming gagawin ngayon."



Jhoanna: "Hindi ka naman kumakain talaga eh, nalilipasan ka ng gutom."



"Kakain ako promise, update pa kita. Wala kang work ngayon?" Umiling naman ito.



Jhoanna: "Medyo masama pakiramdam ko, sabi ni Daddy magpahinga na daw muna ako." Kaya pala parang ang tamlay niya.



"Masyado mo atang pinapagod yung sarili mo eh, after work pupuntahan kita okay?"



Jhoanna: "Okay love, be safe okay?"


"Copy love, bye na muna po magdadrive lang ako. I love you babi." Ngumuso pa ako sa screen habang kumakaway.



Jhoanna: "Drive safe love, I love you more." Ngumuso pa ito sa screen kaya sabay kaming natawa maya maya lang din ay pinatay na nito ang tawag.



Okay na ulit ako masigla na ulit, siya lang naman kase nagpapalakas sakin gawain talaga namin magusap tuwing umaga bago kami pumasok sa parehas naming trabaho parehas kase namin need ang isa't isa kahit hindi madalas magkita kahit may mga time na nagaaway kami sakanya at sakanya padin ako uuwi siya padin yung hahanapin ko para magka energy ulit ako.



Pagdating ko sa presinto bumaba nadin agad ako ng sasakyan nakita kona din ang sasakyan nung dalawa si Jared at Mikha talagang hindi padin nilayo sa akin ni Lord itong dalawang to eh. Pumasok nadin ako sa loob at isa isa nading bumati sa akin ang mga kapwa ko pulis.



"Good morning Chief." Bati ko.



Chief: "Good morning Vergara, mabuti at nandito kana, ito na yung mga files ng kaso na hahawakan mo, sumunod ka sakin."



"Okay sir." Pumasok na ito sa office niya kaya sumunod nadin ako.



Chief: "Ipinasa lang satin ang case na ito mula sa nakatataas, at gusto kong kayo ng team niyo nila Lim at Espinoza ang humawak nito dahil alam kong masosolve niyo ito, matagal na itong kasong to  limang taon na ang nakakalipas pero hindi padin nahuhuli ang suspect at hindi padin naibibigay ang hustisya para sa biktima. Sabihan mo nalang ang team mo, maaasahan koba kayo dito?"


"Sir yes sir!" Agad na sagot ko.


Chief: "Good to hear, makakalabas kana."



Paglabas ko ng office ni Chief ay binasa ko ang mga nakasaad sa papel napahinto pa ako ng mabasa ko ang pangalan ni Frances at nabasa ko din na tatlo pala ang suspect sa pagpatay sakanya, buong akala ko ay isang tao lang ang gumawa non sakanya, tatlo pala.


Actually ito din talaga ang dahilan kung bakit talaga ko nagpulis para sakanya para mabigyan siya ng hustisya para hindi mabaliwala ang pagkamatay niya.



Papasok na sana ako ng opisina namin ng bigla ko namang nakita ang dalawa parehas pa itong may hawak na kape dalawa pa nga yung hawak ni Mikha.



Mikha: "Buds nandito kana pala, kape oh?" Sabay abot nito sa akin.


"Salamat buds."


Jared: "Yan naba yung mga files na ibibigay ni Chief?" Tukoy nito sa hawak ko kaya agad akong tumango.




Nandito na kami ngayon sa opisina magkakasama kase kaming tatlo dito at may kanya kanyang table din ibinigay kona din ang hawak kong papel sa dalawa.



Mikha: "Hindi padin pala nasosolve tong kaso na'to?" Takang tanong niya.



Jared: "Mabuti at satin naisipang ibigay ni Chief to? Alam ko matataas na pulis may hawak nito bat napunta satin?"



"Hindi ko din alam, pero tayo ang inaasahan ni Chief para masolve na agad yan, para din mabigyan na ng hustisya si Frances sobrang tagal nadin non eh."


Jared: "Baka nasa grupo ng malaking sindikato ang tatlo to kaya hindi mahuli huli."



Mikha: "Hindi malabo yon, baka nga napoprotektahan payan ng matataas na tao eh."



"Yon ang kailangan nating alamin, dahil ako mismo papatay sakanila." Wala sa sarili kong saad.



Alam ko namang okay nako, pero hindi naman sakin maiaalis na gusto ko talagang gumanti sa mga taong gumawa non kay Frances.



Kung hindi sila nahuli ng mga pulis na may hawak ng kaso na'to noon, sisiguraduhin kong ako ang magdadala sakanila sa hukay.




_____________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon