Jhoanna' Pov
After ko matapos pirmahan at basahin ang mga papers na nasa table ko ay isa isa kona itong inayos wala naman akong gaanong gawain ngayon
dahil halos tinapos kona kahapon medyo late nga ako nauwi hinintay talaga ako ni Colet dito sa opisina at sabay kami umuwi.Napabuga ako sa hangin at saka isinandal ang likod at ulo sa swivel chair parang ang bilis kona nga mapagod kahit madalas ay nagbabasa lang ako at nakaupo dito sa opisina pero pag uwi sa bahay ay parang galing sa construction yung katawan ko.
"Tok! Tok! Tok!" Mula sa pinto.
"Come in." Agad namang bumukas ang pinto niluwa nito si Chloe.
Chloe: "Ma'am tomorrow morning nalang daw po kayo bumisita sa site pinapasabi po ni Architect Tan, may emergency daw po siyang asikasuhin." Saad nito.
"Okay, may meeting ba akong nakaschedule ngayong araw?"
Chloe: "Wala naman po ma'am, sa Friday papo 2pm." Agad na sagot nito.
"Okay thankyou." Saad ko habang tumatango.
Mabuti nalang at nacancel ang pagbisita namin sa site dahil parang wala ako sa mood lumabas ng opisina ngayon. Nawala naman ako sa pagiisip ng biglang tumunog ang cellphone ko si Colet tumatawag kaya mabilis kong sinagot.
Love🤍: "Hello babi, nag lunch kana? Kumakain nako ngayon hindi muna ako sumama sa dalawa kumain sa labas, may mga report kase akong binabasa." Mahabang bungad niya sakin ngiting ngiti pa ito ng makita ako sa screen.
Palaging ganyan si Colet palagi siyang excited na makausap ako pagka ganitong oras kase ay tumatawag nayan para itanong kung kumain na ako tulad ngayon, hindi niya talaga nakakalimutan yon, palagi din excited na makita ako kahit magkasama naman na kami sa iisang bahay.
At saka lunch na pala? Halos diko na namalayan yung oras ah.
"Not yet love, baka magutos nalang ako kay Chloe." Saad ko habang pinapanuod siyang subo ng subo ng kanin.
Ginamit kona ang company phone para tawagan si Chloe para magpabili ng kakainin kong lunch diko talaga trip ngayon kumain sa labas kaya dito nalang ako sa office.
Love🤍: "Sige babi dadamihan mo kain mo, para madami kang energy magtrabaho." Saad niya sabay subo ulit ng kinakain. "Nga pala babi si Chie tumawag sakin kanina ang tagal walang paramdam non." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Bakit? Anong sabi sayo?" Agad na tanong ko.
Love🤍: "Nagpapasundo siya bukas sa airport babi."
"Susunduin mo naman?" Tumango tango naman ito, ni hindi manlang sinabi sakin.
Kasalanan kobang medyo naiirita ako sa mga babaeng dikit ng dikit kay Colet, alam ko naman na mabait itong si Chie pero ang clingy niya kase masyado kay Colet kahit alam niyang kaharap ako alam din naman niyang girlfriend ako pero go lang siya.
Napagusapan na din naman namin ni Colet ang tungkol dito na wag nga daw akong magselos don sa tao kase kaibigan lang naman daw nakakasama namin siya nung college days since pinakilala nga samin ni Colet at Jared kaya ayon napasama na samin naguusap naman kami non pero hindi naman close ng sobra tulad ng samin nila ate Maloi.
Love🤍: "Wag ka ng magselos kay Chie babi, may boyfriend nayon saka magkaibigan lang talaga kami. Or gusto mo si Jared nalang ang susundo sakanya? Para hindi kana magisip, sorry hindi ako nakapag sabi sayo bago pumayag." Mahabang saad niya.
Tapos na siyang kumain kaya nakafocus na ito sa pakikipag usap sakin.
Maya maya lang din ay pumasok na dito sa opisina si Chloe dala ang pagkain ko.
"It's okay, ikaw na ang sumundo sayo siya nagsabi eh." Saad ko at nagumpisa ng kumain.
Love🤍: "Thankyou babi, magiingat naman po ako. Sige na babi kumain kana ng kumain dyan, tapos na lunch break ko balik nako sa trabaho. I love you, bye po." Ngumuso pa ito sa screen na kina ngiti ko, walang pagbabago parang college padin kung maglambing.
"Okay love, be safe okay? I love you more. Bye."
Binaba kona sa table ang phone ko ng patayin ni Colet ang tawag at agad ng tinapos ang pagkain para makapag umpisa nadin magtrabaho at mahirap matambakan ng mga babasahin na emails at papers.
_______________////////
6pm na ng makauwi kami ni Colet dito sa condo kumain pa kase kami ng dinner sa labas para hindi na magluluto dito dahil parehas kaming pagod sa trabaho kaya pagdating dito ay agad nadin akong naligo para makapagpahinga. Nagpaalam din ngayon sakin si Colet na lalabas sila ng mga kasamahan niya sa trabaho para maginom, minsan lang naman siya lumabas kasama mga katrabaho niya kaya pinayagan kona.
Colet: "Babi are you sure na okay kalang dito magisa? Gusto mo hatid na muna kita kila Tito para mapanatag ako kase wala kang kasama dito eh." Saad niya ng makatapos magbihis.
Ayaw niya kaseng pumayag na maiwan ako magisa sinasama niya din ako pero ayaw ko dahil gusto kong mag enjoy siya.
"Okay lang ako dito love, wala namang basta basta makakapasok dito eh." Agad na sagot ko.
Colet: "Basta tawagan mo ako agad pagka may problema ha?" Humalik pa siya sakin bago lumabas ng kwarto.
"Magiingat ka, wag ka masyado magpakalasing at magdadrive kapa pauwi okay?"
Colet: "Yes boss, uuwi ako ng maayos promise." Kumaway pa ito sakin habang naglalakad papalabas ng condo.
Nang maisara kona ang pinto sinigurado kona muna itong nakalock dahil yon ang bilin ni Colet magisa lang din kase ako dito mainam na yung nagiingat. Bumalik nadin ako sa kwarto at pabagsak na nahiga ngayon lang ako naiwan magisa dito, kung hindi ko naman kase papayagan si Colet baka naman magtampo mga kasamahan niya lalo na si Mikha at Jared na parehas din nagsabi sakin para ipagpaalam si Colet.
Love🤍: "Let me know if something happened okay? I miss you agad." Napa iling nalang ako habang binabasa ang chat ni Colet wala pa atang 30mins ng makaalis siya eh miss na daw agad.
"Yes po love, mag ingat ka sa pag drive." Agad na reply ko.
Hindi nadin naman siya nag seen at nagreply baka nagda drive nayon hindi padin naman ako dinadalaw ng antok kaya nag scroll na muna ako sa Instagram sobrang dalang kona din kase mabisita ang mga social media accounts ko dahil sa nga busy sa trabaho.
At saka hindi din naman talaga ako updated sa ganito halos same nga kami ni Colet ang makikita molang na apps sa cellphone ni Colet messenger tas yung mga pinaglilibangan niyang online games as in yon lang pero ang sabi niya sa akin non meron naman siyang account ng Ig at Facebook nag deactivate lang siya simula nung dalin siya sa US tas parang nasanay na daw siya na walang ganon.
_____________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)