Jhoanna' Pov
Halos palipadin kona ang aking sasakyan papunta sa ospital, tinawagan kase ako ni Mikha nagising na daw si Colet ngayon inabot din ng dalawang araw ang pagtulog ni Colet hinihintay ko talaga siyang magising bumibisita lang ako sa company tas babalik nadin kay Colet ngayon ay kinailangan ko talaga umattend ng meeting mabuti tapos na nung tumawag si Mikha kaya ito halos lumipad ako sa daan para lang makarating agad don.
Nang makarating ay agad na akong bumaba ng sasakyan patakbong lakad na ang ginawa ko, wala akong pake kahit ba madapa ako ngayon gusto kolang talaga makita si Colet.
Nang makapasok ako sa kwarto ay nagtinginan silang lahat sa akin pero ang tiningnan ko lamang ay si Colet na nakangiti sakin kaya sakanya agad ako nagpunta para yakapin siya.
Maloi: "Oh Jho dahan dahan hindi pa gaanong okay si Colet." Paalala niya sakin.
Mikha: "Hayaan mona, na miss lang naman ni Jho si Colet eh dalawang araw ba naman natulog." Natawa naman si Colet.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Kumain kana ba? Kanina kapa ba gising?" Sunod sunod na tanong ko.
Hinawakan naman niya ako sa pisngi gamit ang dalawang kamay saka ako hinalikan sa labi pati nadin sa noo.
Colet: "Wag kana magalala babi, okay napo ako, hindi papo ako kumakain halos kakagising gising kolang eh."
Tita: "Hinihintay ka niya anak, pagka gising ikaw agad ang hinanap." Saad ng Mama ni Colet na kakauwi lang dito sa Pilipinas kahapon.
Nang malaman nila ang nangyari kay Colet ay agad din sila ni Tito nagplano sa pag uwi naiwan lang don si Kuya Cyrille para mag manage pa ng naiwan na business doon.
Tito: "Magsi kain na at kumpleto naman na tayo nagluto si Tita niyo ng favorite ni Colet na Sinigang." Aya sa amin ni tito.
Tinulungan kona makaupo si Colet.
Colet: "Thankyou babi, sabi nila ikaw daw ang nagbabantay sakin dito habang tulog ako." Napangiti naman ako.
"Welcome love, please palagi ka ng magiingat ha?" Ngumiti din ito sakin at saka tumango.
Tita: "Jhoanna anak ito na ang pagkain mo kumain kana muna ako na ang magpapakain kay Colet."
"Ako napo Tita, una napo kayo kumain." Kinuha kona ang hawak nitong pagkain saka lumapit ulit kay Colet.
Colet: "Hindi kapa ba nagugutom babi? Kaya ko naman po kumain magisa."
Mikha: "Paanong kaya? Eh hindi mo nga maigalaw kamay mo." Sabat nitong si Mikha.
Maloi: "Oo nga naman Colet hayaan mona tong Bff ko magpakain sayo namiss ka eh." Natawa naman ako.
Maingay talaga pagka sila ang kasama sa loob ng kwarto mabuti nga at sila lang ni Mikha ang nandito ngayon saka sila Tito at Tita kung kasama pa si Jared, ate Aiah at ate Stacey, Sheena at Gwen mapupuno ng ingay itong kwarto baka daldalan palang eh pagod na si Colet agad.
Maloi: "By the way, Pagaling ka daw agad Colet sabi ni Stacey at Aiah hindi daw sila makadalaw alam mo naman yung si Aiah busy sa paglipad sa himpapawid si Stacey at Lance naman busy para sa wedding nila."
Next next week na kase gaganapin ang kasal nung dalawa kaya busy talaga ngayon si ate Stacey.
Mikha: "Si Jared on duty baka mamayang gabi pa daw siya mapunta dito si Sheena nandon padin sa Baguio si Gwen naman busy talaga sa project hindi niya maiwanan kaya pinapasabi ng magjowa magpagaling ka daw para makainom na." Sinamaan ko naman ng tingin si Mikha.
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)