Colet' Pov
Nagdadrive ako ngayon papuntang University, medyo maaga pa nga eh ang klase pa namin ay Mamaya pang 10am pero 8am palang nasa biyahe nako papuntang University.
"Ring! Ring! Ring!" tunog ng cellphone ko mabilis kong itong kinuha sa loob ng bag.
Nagtaka naman ako kung bakit tumatawag si Papa, inihinto kona muna sa gilid ang sasakyan saka ito sinagot.
Papa: "Colet anak, where are you? May klase kaba ngayon?" Tanong nito.
"Papunta pong University, pero inihinto kona po muna yung sasakyan. Bakit po pa?"
Papa: "Nagkausap kami ni Mr.Robles about kay Frances, you know naman na hanggang ngayon ay nakalaya padin yung pumatay sakanya diba?" Bigla nalang nanlamig yung buong katawan ko, kahit ata gaano katagal pagka yung pagkamatay ng taong mahal mo yung maririnig mo talagang manlalamig ka.
Papa: "Pasensiya na anak kung inilayo ka namin agad, dahil natakot din kami sa magiging epekto sayo iniisip lang namin ng Mama mo yung makakabuti sayo."
Papa: "Anak ginahasa si Frances bago ito barilin ng tatlong beses." Tugon pa ni Papa kaya bumigat nanaman ang dibdib ko, parang sirang plaka na umuulit ulit sa tenga ko yung sinabi ni papa.
Papa: "Anak gustuhin ko man itago sayo yung totoong nangyari diko nagawa dahil karapatan modin malaman. Maging matatag ka para sa amin, alam kong malakas kana."
"Ang hirap Pa, sobrang hirap. 3 years na ang nakakaraan pero yung sakit parang kahapon lang. Sana sinundo ko nalang siya nung gabing yon, sana kahit nilalagnat ako sinundo ko siya, hindi sana nangyari sakanya yon." Umiiyak na saad ko hindi kona napigilang humagulgol dahil sobrang sakit talaga.
Hindi niya yon deserve, walang kahit na sino ang may deserve ng ganong pangyayari.
Papa: "Anak wala kang kasalanan, walang may kasalanan nung nangyari kundi yung taong gumawa lang non kay Frances. Matagal ng gustong sabihin satin ng magulang ni Frances yon kaso natakot ako sa magiging epekto pa sayo dahil ilang taon nadin ang lumipas ayokong bumalik ka sa pinakamalungkot na buhay mo. Last month kolang din nalaman, ayaw ko sana anak sabihin pero alam kong karapatan modin na malaman."
Tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng luha ko, para kong may pasan na dalawang tao sa sobrang bigat ng pakiramdam.
Kahit yung puso ko hindi normal ang sakit.
Papa: "Anak please wag mo sisihin ang sarili mo, tutulong ako kami nila mama mo at kuya mo kasama ang pamilya ni Frances para managot ang gumawa nito sakanya. Palagi ka anak magpakatatag, naiintindahan ko na masakit na sobrang sakit, mas masakit samin kase ayaw namin ng Mama mo na nakikita kang nasasaktan."
Papa: "Kahit gaano katagal abutin kahit dumoble pa ng tatlong taon pa ulit bago mahuli ang gumawa non tutulong ako anak, tutulong kami. Kailangan molang maging matapang dahil alam kong yon din ang gusto ni Frances ang maging matapang ka palagi. Wag mona hayaan ulit na kainin ka ng lungkot ha?"
Papa: "Tumahan kana anak, ibaba kona tong tawag. Magiingat ka dyan ah? Mga bilin ko wag mong kakalimutan. Mahal ka namin ni Mama mo at Kuya mo!"
"Opo pa, mahal kodin kayo. Ingat din kayo dyan palagi." Kumaway pa si Papa bagong iend ang call.
Napahawak nalang ako ng mahigpit sa manibela ng maibaba ko ang phone saka doon humagulgol.
Kung nasundo ko siya, okay sana ko baka hindi ko naranasan kainin ng lungkot.
Baka kasama kopa din siya hanggang ngayon.
Baka sobrang saya kopa din tulad nung dati.
Kaso hindi, kinuha siya samin ng wala manlang kaming nagawa ni hindi manlang namin siya naipatanggol o natulungan.
Nagalit pa ako kila Papa non dahil hindi nila ko hinayaan na makita siya kahit saglit, dinala nila ako ng US para makalimot pero mas nilamon ako ng lungkot doon, palagi kong sinisisi ang sarili ko sa nangyari sakanya. Dumating pa sa point na gusto ko nalang din patayin yung sarili ko at sumunod sakanya dahil hindi na talaga kaya ng sistema ko yung sobrang bigat ng pakiramdam at yung lungkot. Ngayon ganong pakiramdam nanaman ang nararamdaman ko ganon padin talaga kasakit everytime na mapaguusapan kahit sobrang tagal ng nangyari nang mauwi ako sa dito sa Pilipinas non kolang nalaman kung saan ito nakalibing.
Ang sakit at ang bigat!
Hinayaan ko nalang bumagsak ng bumagsak ang luha ko mula sa mata habang nagmamaneho papuntang University.
Pagka park ko ng kotse mahigpit akong napahawak sa manibela at huminga ng malalim saka inayos ang sarili, napatingin pa ako sa salamin halatang halata na kakaiyak kolang dahil magang maga ang mga mata ko.
Lumabas ako ng kotse at sinuot nalang yung jacket kong hoodie at pinilit maglakad kahit alam kong nanginginig ang buong katawan ko lalo na ang dalawa kong tuhod papunta sa likod ng stage mayron kaseng garden doon at malilim don na muna siguro ako magpapakalma.
Pagka upo ay napahawak ako sa dalawa kong tuhod at nagumpisa ulit umiyak.
Mikha: "Colet ikaw bayan?" Tawag nito mula sa likod ko, agad akong nagpunas ng luha.
Jared: "Ssob kanina kapa namin hinahanap, 9:26 na oh malapit na klase natin."
Mikha: "Why are you crying?" Tanong nito nung makalapit sakin.
"Wa...wag muna ngayon ple....please? Dito.....na muna ko, magpunta na kayo sa room." Humihikbi na sagot ko ang hirap magsalita ng umiiyak.
Mikha: "May problema ba? Sabihin mo sakin para gumaan pakiramdam mo." Pero umiling lang ako.
Jared: "Wag mong sabihin samin na dahil nanaman kay Frances yan Colet! Ang tagal na non pero hindi kapa din umaalis sa sitwasyon nayon."
Hindi ko ito pinansin tumayo ako at naglakad paalis ng garden.
Mikha: "Saan ka pupunta?"
Jared: "Colet 3 years na nakakalipas, babalik ka nanaman ba sa ganyang stage?"
Mikha: "Jared teka nga muna, diko kayo maintindihan." Pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ramdam kodin yung tuhod ko na parang bibigay na sa panginginig.
Jared: "Patay na yung tao Colet, hindi nayon babalik kahit magmukmok pa tayo ng ilang taon." Parang pinitik ang tenga ko sa mga sinabi niya kaya mabilis akong humarap sakanya at doon na siya sinuntok.
Mikha: "Omygod! Colet, calm down!" Pigil sakin ni Mikha.
Ano ba akala niya madali? Sino siya para sabihin sakin yon.
"Sa ilang taon nating pagkakaibigan, ngayon kolang hindi nagustuhan yang salitang lumalabas sa bibig mo!"
Jared: "Kahit hindi mo sabihin alam kong si Frances yan, yang iniiyak mo. 3 years na lumilipas kalimutan mona kase hindi na babalik yung tao kahit anong gawin natin. Kalimutan mona yon ang gawin mo hindi yung kinukulong mosa lungkot sarili mo." Saad nito ng makatayo.
Nang makalapit siya sakin ay doon ko ulit siya sinuntok.
Mikha: "Colet Tama na!" Pigil pa nito sakin, inalis kolang yung kamay niya na nakahawak sakin.
Jhoanna: "Anong nangyayari dito?" Nilingon kopa ito bago umalis sa pwesto dahil pakiramdam ko ay isang salita nalang ay babagsak na ang katawan ko.
Jared: "Colet!"
Mikha: "Colet wait!" Ramdam kong nakasunod sila sakin.
Binilisan ko ang paglalakad kahit hinang hina na tuhod ko napahawak nadin ako sa ulo ko dahil sobra na yung sakit.
Mikha: "Colet! Saan ka pupunta?"
Pagkarinig ko ng boses ni Mikha ay don na ako bumagsak.Hanggang sa wala na akong maaninag na kahit ano, kahit mga boses ay diko na maintindihan.
_________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)