KABANATA LXXIX

485 17 8
                                    

Colet/Claine' Pov




Nagmamadali akong bumangon ng biglang tumunog ang alarm clock, ako kase ang maghahatid ngayon kay Missy sa school niya.

Dumiretsyo na agad ako sa Cr para makapag toothbrush, at para nadin maligo, mabilisan lang dahil 7:30am na 8am ang klase ni Missy.

Missy: "Mama dali, male-late na ako." Sigaw nito mula sa labas ng pinto.

"Okay okay, palabas na." Sagot ko.

Rinig kong bumaba na ito kaya after ko icheck sa salamin ang suot ko ay sumunod nadin ako sa baba.


"Ready na?"


Maxine: "Love sasabay nadin ako, unahin nalang natin si Missy." Saad niya sabay halik sa pisngi ko.


"Okay let's go na." Aya ko, mabilis na tumakbo si Missy papunta sa sasakyan, kasabay ko naman itong si Maxine.


Pagka hatid ko kay Missy sa room niya ay agad nadin akong bumalik sa sasakyan para si Maxine naman ang maihatid, saglit pa akong napahinto ng may maramdaman akong mata na parang kanina pa nakatingin sa akin, isang babae at lalaki na nakasandal parehas sa kotse at halatang pulis ito dahil sa suot nila, agad naman napakunot ang noo ko ng ngumiti ito sakin, hindi ko na lamang pinansin at sumakay na sa sasakyan.


Maxine: "Love after ng school ni Missy, wait niyo nalang ako sa bahay okay?" Saad niya, ng magumpisa akomg magdrive.


"Hindi ba pwedeng maglibot kami sa mall?"

Maxine: "Love masyadong delikado dito sa pilipinas, hindi ito tulad sa US na kahit saan pwedeng magpunta." Napa bugtong na lamang ako ng hininga.

Simula kase ng mapunta kami dito sa pilipinas ay bahay at school pa lamang ni Missy ang napupuntahan ko kahit yung dating tinitiran ko dito ay hindi kona alam kung saan, gusto ko sana maglibot libot para naman may iba akong alam na lugar dito, ayaw niya din ako payagan magtrabaho para sana makatulong ako sa gastos ayoko kaya maging palamunin, kahit naman mayaman siya eh gusto kopa din ng may sariling pera kaso hindi naman niya ako pinapayagan palagi niyang sinasabi na delikado.


"Maglilibot lang naman kami sa Mall, kahit saglit lang sana."

Maxine: "Delikado nga, kaya nga dinala kita sa US diba? Paano kung makita ka ng pamilya mo? Nang mga taong gusto kumuha sayo?" Agad naman akong napaisip sa sinabi niya.


Wala nadin akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya, naiintindahan ko naman siya na pinoprotektahan niya lang ako sa mga taong gustong manakit sa akin, ayoko din naman na madamay sila sa galit sa akin ng pamilya ko, malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Maxine kung hindi dahil sakanila baka wala nako dito baka matagal na akong patay ng dahil sa pamilya ko.


Hindi ko akalain na kaya nila akong ipapatay ng dahil lang si Maxine ang gusto kong pakasalan ng dahil lang sa hindi ko pinakasalan ang taong gusto nila para sakin.


Maxine: "Magiingat ka sa pag drive ah? Sabihan mo ako pag nasa school kana ni Missy magingat din kayo pauwi mamaya, I love you." Bilin niya saka ito humalik sa akin.


"I love you, magingat kadin." Sagot ko, kumaway nalang ito bilang sagot kaya nagdrive na ulit ako para makabalik sa school ni Missy.


Ilang minutes lang ay nakarating nadin ako sa school, agad nadin akong bumaba, mamaya pa ang tapos ng klase nila kaya medyo matagal pa akong maghihintay dito, kaya bumili na muna ako ng kape para mainitan naman ang tiyan ko.

Dito nalang muna ko siguro sa sasakyan, madami kaseng tao sa waiting area mga parents na naghihintay din sa anak nila sinandal ko ang likod ko sa sasakyan saka humigop ng kape.


Napataas naman ang kilay ko ng matanaw ko na papalapit sakin yung dalawang pulis na nakita ko kanina lang, may balak kaya ito sakin?


"Wa....wait lang, sasaktan niyo ba ako?" Agad na saad ko ng makalapit ito sakin, sabay namang umiling ang dalawang pulis astig nitong babae na'to ngayon lang ako nakakita ng babaeng pulis pero pula ang buhok hindi ba binabawal sa presinto yon?


Girl: "No....no, hindi ka namin sasaktan." Nakataas pa ang dalawang kamay niya.

Boy: "Shit, totoo nga." Bulong ng lalaki na diko gaanong narinig, titig na titig ito sakin kaya mas lalo akong nagtaka.

"Anong kailangan niyo sakin?"


Boy: "Wa...wala wala, hindi moba kami kilala o natatandaan manlang?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.


Agad akong umiling, dahil ngayon ko nga lang silang dalawa nakita sa buong buhay ko.


Girl: "Wala nga siyang natatandaan satin." Bulong nito na kinatango nung lalaki.


Boy: "I'm Jared itong kasama ko si Mikha hindi mo natatandaan?" Umiling lamang ulit ako.

Girl: "Nicolette Vergara ang pangalan mo, hindi Claine." Gulat naman akong napatingin sakanya dahil alam niya ang pangalan ko.

Anong Maria Nicolette Vergara sinasabi niya?


"No, baka iba yung tinutukoy niyo Claine ang pangalan ko. Claine Mendez hindi ko kilala yang sinasabi niyo." Sabay na umiling yung dalawa.


Boy: "Wag kang matakot sa amin, maniwala ka sa amin o hindi kakilala ka namin, totoo ang sinasabi namin." Agad akong kinabahan, hindi kaya kakilala sila ng Pamilya ko?


Baka pinapahanap na nila ako, baka itong dalawang pulis na ito ay tauhan niya.


"Hindi ako sasama sainyo."


Girl: "Colet, sandali! Hindi ka namin sasaktan, hindi ka namin kukunin okay?"


"Claine nga ang pangalan ko, hindi Colet hindi Nicolette, hindi Nicolette Vergara!" Inis na sambit ko.


Boy: "Chill chill, wala naman kaming masamang intensyon sayo. Sinasabi lang namin sayo yung totoo, Colet naghihintay sayo yung pamilya mo."


Girl: "Buong akala namin wala kana, na patay kana." Kumunot ulit ang noo ko.

Agad na pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Maxine ang mga pinag gagawa sa akin ng sarili kong pamilya.


"Ano bang pinagsasabi niyo? Hindi ako maniniwala sainyo, sigurado akong inuutusan kayo ng pamilya ko para mapabalik sakanila. Hindi na mangyayari yon, pagkatapos nila akong ipapatay dahil lang hindi ko sinunod ang gusto nila."


Gulat ang rumehistro sa mukha ng dalawa.


Girl: "Colet hindi, hindi ganon wa...."


"Lumayas na kayo!" Putol ko sa sasabihin nito.


"Wala akong paniniwalaan sa mga sinasabi niyo, tapos na ako sa pamilya ko, kahit ano pang sabihin niyo hindi ko iiwan si Maxine."


Girl: "Maxine!?"


Boy: "Maxine Trinidad?" Sabay na saad nung dalawa.



Hindi kona ito sinagot naglakad ako papasok sa school, ramdam ko ang pagsunod ng dalawa sa akin kaya mas binilisan kopa din ang lakad ko.


Girl: "Colet sandali mali yung pinaniniwalaan mo, sandali." Sigaw nito pero diko padin pinansin kahit lingunin ay diko ginawa.


Nang makapasok sa loob ng school ay saka ko sila tiningnan, ngayon ay nakikiusap ang dalawa sa guard para papasukin, hindi kase sila basta basta makakapasok dito kung wala silang anak na nagaaral dito.


Napailing na lamang ako sa mga pinagsasabi nila, hindi nila ako mauuto hindi nila ako makukuha sa mga ganong salita, dahil alam ko sa sarili ko kung kanino dapat ako maniwala kay Maxine lang dahil siya lang ang tumanggap sakin kung ano talaga ako at kung sino ako.













_______________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon