2 YEAR AGO
Colet' Pov
Pag pasok ko palang ng pinto ng kwarto ay masama na ang tingin sa akin ni Jhoanna, nakahiga siya ngayon sa kama napahinto ako sa paglalakad dahil sa tingin niya palagi naman siyang ganito nung mga nakaraang araw parang ang init init ng dugo sakin kahit wala naman akong kasalanan.
Jhoanna: "Saan ka galing?" Taas kilay nitong tanong.
Agad akong tumabi sakanya para yakapin at halikan siya pero mabilis itong umiwas.
Ito nanaman kami sa larong away awayan.
"Babi galing ako maghapon sa work, grabe yung pagod ko tas hindi mo manlang ako ikikiss?" Nakasimangot na saad ko pero masama padin ang tingin niya sakin.
Jhoanna: "Ang tanong ko saan ka galing? 7pm lang tapos na ang duty mo 7:45pm na 30mins lang ang biyahe pauwi dito late kana ng 15mins, saan kapa nag suot sa loob ng 15mins?" Gusto ko nalang mapatampal sa noo sa mga ganyan niya.
"Dumaan ako babi sa mall saglit para bumili ng ice cream saka ng dinner natin para hindi kana magluto."
Jhoanna: "So ayaw mona ng luto ko ganon ba?"
Sino ba ang nagpauso ng away?
"Syempre babi gustong gusto, gusto ko babi yung luto mo. Sabi mo kase gusto mo ng ice cream kaya naisipan kona ding bumili ng dinner natin para dika na mapagod magluto." Pagpapaliwanag ko.
Saka ko siya niyakap mabuti naman at hindi siya umiwas.
After naming ikasal 2 months lang ang lumipas ay umalis na kami sa condo at lumipat sa pinagawa kong bahay itong bahay na to ang pinaka regalo ko kay Jhoanna naka pangalan ito saming dalawa wala nga siyang kaalam alam na nagpapagawa na ako ng bahay pinakita ko lang sakanya pag tapos ng kasal namin.
Jhoanna: "Sige na maligo kana amoy kang durian." Grabe naman to bai.
"Ang grabe mo naman sakin babi, pawis lang naman yung umaamoy sakin hindi durian."
Jhoanna: "Sige na ligo na, shu shu!" Sabay tulak nito sakin paalis sa kama.
Kaya wala na akong nagawa kundi kumuha ng pamalit at ng towel.
______________________////////
Nandito kami ngayon sa isang bangko kasama si Chief at ang iba pa naming kasamahan syempre hindi mawawala si Jared at Mikha na kasama ko sa isang kotse pati nadin si Chief si Mikha ang nagdrive nandito ako sa tabi ni Mikha si Chief at Jared ang nasa passenger seat nakatanggap kase kami ng tawag mula dito sa bangko na meron daw armadong holdaper kaya agad kaming nagpunta.
Mikha: "Pasukin napo ba namin Chief?"
Chief: "Sandali muna." Pigil nito kay Mikha na bababa na sana ng sasakyan.
Agad naman kami nakarinig ng dalawang putok ng baril mula sa loob ng bangko kaya agad kaming naalarma.
"Chief kung pasukin na kaya namin?" Agad na tanong ko.
Chief: "Baka may masaktan sa loob, kilala na natin ang mga holdaper dadampot at dadampot ng isang tao yan mula sa loob pag nakakita ng pulis kaya kailangan nating magingat para walang masaktan." Nandito padin kami sa loob ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)