KABANATA LXXVII

189 8 0
                                    

Jhoanna' Pov






Nagpaalam na muna ako kay Daddy at Mommy na hindi muna ako papasok sa kompanya dahil may aasikasuhin ako sa school ng kambal, maaga nga akong gumising para ako ang maghahatid sakanila at magbabantay, at ngayon ay nasa biyahe na kami papuntang school.


Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi naman yung kaba na parang may mangyayaring masama, kinakabahan ako na parang ewan diko alam hindi ko maintindihan basta kinakabahan ako ngayon.


Umalis nadin si Mang Albert ng maibaba na kami dito sa school sinabihan ko nalang na tatawag nalang ako pag magpapasundo na kami. Inaya kona ang dalawa, sila nadin ang nagturo sakin kung saan ang room nila.


Pagka hatid ko sa dalawang bata sa room nila ay nagpunta na muna ako sa waiting area kasama ang ibang parents para dito nalang ako maghihintay 3 hours lang naman ang klase nung dalawa, tiningnan ko nga din isa isa yung mga parents na kasama ko dito kung may kakilala ako kase baka iyon ang nagsabi kay Riley pero wala hindi naman mga pamilyar sakin yung mga kasama ko dito.


After 1 hour and half, ay agad kong sinalubong sa room nila yung kambal break time na kase nila dala dala nadin nila yung cute na cute na lunch box.



Joey: "Mommy break time napo namin."



Riley: "Mommy binigyan kopo yung classmate ko ng snack wala pa kase Mommy niya eh." Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya mabilis kong pinisil ang kanyang pisngi.



"Verygood ang baby ah, nasaan ba siya?" Agad na tanong ko, mabilis niyang tinuro ang batang nagiisa ngayon sa garden.



"Dito na muna kayo ah? Puntahan ko lang siya okay?" Sabay naman itong tumango.



Kaya naglakad na ako palapit sa bata na busy kinakain ang binigay na snack ni Riley.




"Hello, gusto moba sumama samin nila Riley magmiryenda? Ayon sila oh? Para hindi ka mag isa dito." Saad ko at tinuro kopa ang kambal.




Someone: "Missy? Anak ko ba yan miss?" Saad ng isang babae na nasa likod ko.



Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ng marinig ko ang boses na iyon, kahit nakatalikod ay kilalang kilala ko iyon.




Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig ng humarap ako sa taong nasa likod ko.




Colet?




"Co.....colet?" Mahinang sambit ko.



Mabilis na bumigat ang pakiramdam ko, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.


Talagang napatulala lamang ako sakanya sinundan din siya ng aking mata habang naglalakad papalapit sa batang kinakausap ko kanina.



Colet: "Missy sorry na late ang mama. Saan galing yung snack mo?"



Missy: "Sakanila po." Tinuro ako nito at yung kambal.




Colet: "Miss thankyou ah? Papalitan ko nalang." Nakangiting saad nito sakin titig na titig lamang ako sakanya.



Hindi niya ba ako kilala? Sa inaakto niya ngayon parang hindi nga.




Colet: "Miss ayos ka lang ba? Kanina kapa kase tulala eh." Tanong nito sakin.



"Ahh, ye....yes i'm okay. Anak mo siya?" Diko alam kung bakit ko naitanong iyon, gusto ko lang siguro malaman.



Colet: "Yes, thankyou ulit ah? I'm Claine pala." Nilahad pa nito ang kamay niya.




Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon