Colet' Pov
Nandito ako ngayon sa Parking lot at hinihintay si Jhoanna chinat ko kase siya kanina na ako nalang ang maghahatid sakanya pauwi, si Jared at Mikha naman ay nakaalis na uuwi daw kase ngayon yung parents ni Mikha kaya siya ang susundo sa Airport si Jared naman balak niyang magpunta sa Gym isinasama nga ako ayaw kolang dahil wala sa wisyo katawan ko magbuhat ng mabibigat ngayon.
Malayo palang ay tanaw kona si Jhoanna kaya lumabas ako ng sasakyan kasama nito ang dalawa maliban kay Maloi.
Stacey: "Colet bakit hindi kapa umuuwi? May hinihintay kaba?" Agad na tanong nito ng makalapit sakin.
"Ahhh...ano hinihintay ko si Jhoanna."
Aiah: "Kaya pala ayaw sumabay satin umuwi hano Stacey, kase may lakad pala sila ni Colet."
Jhoanna: "Ate wala, ihahatid niya lang ako pauwi." Singit nung isa.
"Oo ihahatid kolang siya sakanila."
Stacey: "Umamin ka nga samin Colet, nililigawan moba itong kaibigan namin?" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya.
"Hah? Hindi ah, ihahatid kolang siya pauwi." Mabilis na sagot ko.
Jhoanna: "Tara na Colet, kung ano ano nanaman sasabihin ng dalawa nayan eh." Kaya pinagbuksan kona ito ng pinto.
"Mauna na kami, ingat kayo."
Stacey: "Ingat din love birds!"
Aiah: "Ingatan moyang si Jho ah?" Agad naman akong tumango bago sumakay ng kotse.
Umalis nadin kami agad sa University medyo na drain pa nga ang utak ko ngayon halos lahat ata ng Prof namin nagpa quiz, mabuti at gumagana pa itong utak ko.
Habang nagmamaneho ay bigla naman ako nakaramdam ng gutom at itong katabi ko ay tahimik lang nakatingin sa bintana medyo sanay naman na ako sa pagiging tahimik niya baka kase ganon talaga siya hindi ko naman pwedeng pilitin na dumaldal to.
"Okay lang ba bili tayo ng pagkain?" Mabilis naman itong lumingon sakin saka ito tumango.
Diniretsyo kona sa Jollibee makapag drive thru nalang para mabilis.
"Okay kalang ba? Sumobra naman ata yung pagka tahimik mo?" Tanong ko dito sa katabi ko.
Jhoanna: "Medyo pagod lang, ang dami kasing gawain kanina." Tumango tango na lamang ako bilang sagot.
Maya maya lang din ay iniabot na sa akin yung order namin, umorder lang ako ng dalawang Cokefloat dalawang Cheesy yumburger at isang large Fries hindi na ako umorder ng may Rice hapon nadin naman para din makakain pa ng Dinner.
"Gusto mo sa Park kainin? Or dito nalang sa sasakyan?"
Jhoanna: "Dito nalang tayo para tahimik."
Grabe din itong isang ito hindi kaya napapanis laway nito? O baka dati siya pipe? Kaya sobrang tahimik. Iniabot kona din sakanya yung pagkain yung fries ay nilagay kona lamang sa gitna namin para makakuha kami parehas.
After naming lantakan ang aming pagkain ay nagumpisa akong magmaneho ulit, itong kasama ko ay binalik na ulit ang tingin sa bintana kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang kamay nito at mahigpit na hinawakan kaya napalingon ito sakin.
"Are you sure pagod lang yan? Para kasing madami iniisip mo eh." Agad na tanong ko habang hawak ang kamay nito.
Jhoanna: "Pagod lang talaga, pasensya na kung sobrang tahimik ko ah?"
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)