Colet' Pov
Nandito ako ngayon sa sala nakahiga sa sofa, hindi kase ako pinapasok ni Jhoanna sa kwarto dahil na late ako ng uwi. Mabuti nalang at may Aircon din dito saka hindi malamok, isang unan at isang kumot lang talaga ang binigay niya sakin hindi manlang dinalawa yung unan alam naman niyang hindi ako sanay na walang niyayakap.
Ang dalas na talaga niyang galit kahit hindi ko naman inaano, kahit wala akong ginagawa palaging mainit ang ulo niya sakin hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganon napaka buti ko namang asawa sakanya.
Hindi kaya nagsasawa na siya sakin?
Nako lord wag naman!!!!
Wala pang 6am tumunog na ang alarm ko kaya agad akong nagising, nakalimutan kong tanggalin alarm ng phone ko wala nga pala akong duty ngayon. Hindi na muna ako bumangon at baka sakaling makatulog pa ako ulit pero kahit anong pikit ay ayaw na talaga sanay din kase talagang akong maaga nagigising kaya siguro hindi nadin ako makagawa ng antok.
Bumangon na ako at naglakad papunta sa kwarto sinubukan kong pihitin ang doorknob pero nakalock padin ito. Alam niyo na baka tinanggal na niya ang lock ibig sabihin non pwede na akong pumasok sa kwarto kaso naka lock padin talagang galit nga ang aking asawa palagi na kasing mahikli ang pasensya non kaya hinahayaan ko nalang na palagi siyang magpalamig pag ayaw niya talaga magpalambing hindi ko naman siya kinukulit, pag nagsalita yan ng hindi final nayon wala kana dapat ihirit na kung ano pa man.
Dumiretsyo na ako sa kusina para mag timpla ng kape for sure mamaya pang 9am ang gising non dahil parehas kaming walang trabaho ngayong araw mga 8am na siguro ako magluluto para sa breakfast sasarapan ko ang luto ko para good mood ang asawa ko mahirap na pagka naumpisahang badtrip yon hanggang kinabukasan na yon.
Napasandal ako sa sofa pagkatapos humigop sa katitimpla kong kape inilibot ko ang mata ko sa buong sala nakakatuwa siguro kung madami na kami dito sa bahay medyo malaki din kase ang pinagawa ko na ito, may tatlong kwarto malaking sala at malaking kusina.
Hindi niyo natatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa kaming anak ni Jhoanna kahit dalawang taon na kaming kasal nag try na kami ng IVF 4 months after naming ikasal pero walang nabuo sinubukan ulit namin last last month nag try mag pregnancy test si Jhoanna pero negative padin baka kase hindi pa talaga ngayon ibibigay ni God yung blessing nayon makakapag hintay naman kami ni Jhoanna lalo na ako, puro yon talaga ang dasal ko tuwing matutulog gusto kona kase talaga ng baby, naiinggit na kase ako kila Mikha Jared at Lance lahat sila ay may mga anak na dalawa na nga yung kay Jared at Maloi eh biruin mo si Gwen at Sheena nauna pa kaming ikasal don meron nadin silang anak.
Alam kong naiinggit din si Jhoanna sa mga kaibigan namin lalo na ako syempre gusto ko din yung napupuyat kaka alaga ng baby kahit alam kong hindi madali yung ganon.
Agad naman akong nawala sa pagiisip ng makita ko si Jhoanna kakagising lang halata naman dahil medyo gulo pa ang buhok niya. Nagmamadali siyang dumiretsyo sa kusina saka binuksan ang ref.
Pinag masdan kolang ang mukha niyang nakakunot na parang mauubusan na ng pasensya dahil hindi makita ang hinahanap niya.
"Babi ano hinahanap mo?" Saad ko baka kase naalimpungatan lang siya.
Jhoanna: "Gusto ko ng pickles." Napakunot naman ang noo ko.
Pickles? 7am ng umaga naghahanap ng pickles.
"Babi wala po tayo non, saka sobrang aga papo 7am palang."
Jhoanna: "Yon ang hinahanap ng bibig ko gusto ko non Colet, bilan moko ngayon na." Malambing na saad niya.
"Okay okay, bibili ako. Mag kape kana muna ipagtitimpla kita." Tumango naman siya.
Kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo at pumunta nadin sa kusina nasa harap padin siya ng ref at iniisa isa ang nasa loob nito. Nagumpisa nadin akong ipagtimpla siya ng kape ng bigla akong makaramdam ng yakap mula sa likod agad naman akong napangiti ibig sabihin kase non ay bati na kami.
Ang galing hano wala naman akong kasalanan pero may away bati na nagaganap saming dalawa.
Jhoanna: "Sorry love. Are you mad?"
"Of course not, bakit naman ako magagalit sa maganda kong asawa?" Nakaharap na ako sakanya ngayon.
Jhoanna: "Kase dito kita sa sala pinatulog." Hinalikan ko siya sa noo at saglit na niyakap.
"It's okay babi, nakatulog naman ako ng maayos. Mamayang gabi tabi na tayo ha?"
Jhoanna: "No!" Saad niya at masamang nakatingin sakin.
Iba nanaman ang mood napaka bilis magbago.
"Why? Hindi mo ba ako namimiss katabi?" Agad siyang umiling kaya napa simangot ako.
Jhoanna: "Basta dito kana muna sa sala matulog."
"Babi maaga na akong uuwi galing sa trabaho, saka diba nagpaliwanag naman na ako sayo na kaya ako na late ng uwi dahil may inasikaso pa kami ni Chief?" Paliwanag ko.
Jhoanna: "Late kapa din umuwi."
Pagka abot ko sakanya ng kape ay nag punta na ito sa sala at naupo sa sofa napa buga nalang talaga ako sa hangin, ayaw ko naman siyang kulitin at baka lalong uminit ang ulo.
"Babi anong gusto mong breakfast?" Tanong ko, nandito padin ako sa kusina.
Jhoanna: "Bili ka muna ng pickles? Yon talaga ang gusto ko saka buko."
"Babi hindi mo din makakain yon ngayon kung hindi ka kakain ng kanin, mag breakfast na muna tayo bago yon."
Masama itong tumingin sakin, saka padabog na inayos ang maliliit na unan sa sofa, napailing nalang ako para siyang bata.
Jhoanna: "Yon nga ang gusto ko kainin, ibili mona ko ngayon na!" Medyo mataas na ang boses niya.
"Okay, magsusuot lang akong jacket."
Kumuha na akong jacket sa kwarto pati nadin ang susi ng sasakyan kakamot kamot akong lumabas ng bahay papunta sa garahe, lakas ba naman ng trip pickles umagahan?
Hay nako Jhoanna kung hindi lang kita mahal, ay nako!
Nang makarating ako sa Mall ay naghanap na agad ako ng pickles nagtanong nadin ako kung saang gawi mahahanap iyong pickles nayon.
Ilang minutes lang ay nakita kona agad kumuha ako ng dalawa para kung maghanap ulit siya hindi na ako lalabas at pupunta ng Mall agad kona ding binayaran. Nagpunta na din ako sa palengke para maghanap ng buko mabuti nalang at hindi ako nahirapan dahil sa bungad palang ay may nakita na akong kariton ng buko, dalawa din ang binili ko pinabuksan kona din para makuha ang sabaw at laman para Hindi na kami mahirapan sa bahay magbukas, I mean ako pala, wala namang ibang magbubukas nito kundi ako kaya para di ako mahirapan pinabukas kona kay Manong.
__________________________2017
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)