Jhoanna' Pov
1 week na ang nakakalipas simula ng magumpisang manligaw sa akin si Colet sa loob isang linggo nayon mas lalo pa siyang naging sweet nakita kodin na seryoso talaga siya sa panliligaw siya ang sumusundo sakin papuntang University para daw sabay na kaming papasok pati sa pag uwi siya nadin ang naghahatid sakin para daw masiguro niya na safe akong makakauwi at hanggang ngayon ay wala pading kaalam alam yung mga kaibigan ko siguro ngayon kona sasabihin baka kase magtampo yung mga yon kase ako alam ko lahat sakanila, unfair naman kung hindi ako magsasabi sakanila diba?
ColetVergara: "Good morning ganda, nandito napo ako sa labas." Chat ni Colet kaya lumabas nadin ako ng kwarto tapos naman na akong magayos.
Nanay Loren: "Aalis kana ba anak? Kumain kana muna bilin ng mommy mo pakainin daw kita." Nakita ko naman na nakahanda na ang pagkain sa lamesa.
Maaga pa naman ayain kona muna siguro kumain si Colet, kase for sure hindi nanaman nagbreakfast yon.
"Sige po kakain po kami ni Colet, tawagin kolang po siya sa labas."
Nanay Loren: "Osiya sige, nakahanda naman na ang pagkain." Lumabas nadin ako para papasukin na muna si Colet.
Paglabas ko ng gate ay nasa labas ito ng sasakyan at nakasandal dito.
"Pasok kana muna, kain muna tayo ng breakfast." Aya ko dito.
Colet: "Hindi ba nakakahiya? Dito nalang ako palagi kumakain."
"Hindi kana dapat nahihiya, halika na." Saka ko ito hinatak.
Colet: "Wait lang po, may ibibigay ako sayo." Bumalik ito sa kotse niya at inilabas ang isang bouquet ng bulaklak.
Nakangiti niyang iniabot ito sakin, palagi niya akong binibigyan simula nung manligaw siya, sobrang aga ata nitong gumigising para lang makadaan sa flower shop para may maibigay sakin.
Sweet no? May ganito pala talaga siyang side.
Colet: "Tuloy mo nalang mamaya yung kilig mo, pasok na tayo." Biro nito na lalong nagpapula ng pisngi ko.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya hinatak ko nalang siya papasok sa loob.
"Punta kana don sa table dalin kolang ito sa kwarto." Tukoy ko sa hawak kong bulaklak, si Colet naman ay nagpunta nadin sa kusina.
Habang umaakyat sa hagdan ay inaamoy amoy kopa ang hawak ko, kahit araw araw niya akong binibigyan ang pakiramdam ko ay parang unang beses palang akong nakatanggap ng ganito, ganito pala yung pakiramdam pag gusto ka ng taong gusto mo at nagagawa niya yung mga bagay na makakapagpasaya at makakapag pakilig sayo.
Bumaba nadin agad ako ng mailagay ko sa kwarto yung bulaklak, pagdating ko sa kusina ay dipa naguumpisa si Colet kumain.
"Bakit hindi kapa kumakain?" Agad na tanong ko at umupo sa tapat nito.
Colet: "Hinihintay kita, sabay na tayo." Tumayo ito nilagyan ng sinangag ang plato ko.
Hindi kona alam kung manliligaw koba talaga ito o baka nanay ko isa din kase yon sa nakita ko sakanya napaka maaasikaso niya.
Pagdating namin sa University sinamahan na muna niya akong ihatid ang iba kong dalang gamit sa Office, after don ay ito inihatid pa ako dito sa room ko.
Colet: "Sabay tayong maglunch ah? Susunduin kita dito."
"Wag mona ko sunduin, magkita nalang tayo don." Agad na sagot ko, alam ko kaseng madami din silang Activities.
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)