Colet' Pov
Kakatapos lang ng lunch namin ito kami ngayon nila Mikha at Jared kakabalik lang sa presinto nag update nadin ako kay Jhoanna and then nag padeliver ako ng makakain niya hindi nanaman niya kase maaasikasong kumain dahil sa dami niyang gagawin masyado pa naman tutok non sa trabaho kaya di niya namamalayan yung oras.
Tungkol don sa binili kong buko at pickles, hindi niya kinain hindi din niya ininom yung buko nasa tabi niya lang inaamoy kahit nung natulog kami nasa tabi niya lang ang weird diba? Mabuti nga at pinapasok na niya ako sa kwarto hindi ako sa sala natulog.
Mikha: "Alam mo buds natatawa ko sayo, wala ka talagang idea sa mga ganon?" Natatawang saad niya napakunot nalang ang noo ko habang umiiling.
Jared: "Hindi ba siya nag papahanap sayo ng mangga?" Umiling ulit ako.
"Ano connect ng mangga?" Takang tanong ko.
Na kwento ko kase sakanila yung mga weird na nangyayari kay Jhoanna.
Mikha: "Buds baka gumana na yung IVF, baka buntis na si Jhoanna." Saad niya saka ito umakbay sakin.
Hindi padin ma process ng utak ko yung sinabi niya.
Jared: "Baka ang pinag lilihan niya yung buko tas yung pickles. Si Maloi nga nung naglilihi gusto ng ice cream na flavor menudo eh." Natawa naman ako sa sinabi niya at ganon din si Mikha.
Grabe namang flavor ng Ice cream nayon menudo saan naman meron non kahit ata ikutin mo mundo wala kang makikitang ice cream na flavor eh ulam.
Mikha: "Obserbahan mo buds baka nga buntis na si Jho."
"Paano ba nalalaman yung ganon?" Tanong ko, wala kase talaga akong idea sa ganon.
Mikha: "Alam ko isa na sa sign ng buntis yung laging galit eh, yung mahikli ang pasensya diba laging mainit ulo sayo ni Jho? O sign nayon saka bakit naman maghahanap ng pickles yon ng umagang umaga diba?"
Jared: "Kung buntis man siya ssob palagi mong ibibigay mga gusto niya kase yon ang sabi sakin ni Mommy eh." Sabat niya.
Mikha: "Oo ganon ginawa ko kay Aiah, ako pa mismo umakyat sa puno ng mangga."
Tinatak ko na lamang sa isip ko ang mga sinabi nila, parang puputok ang puso ko ngayon sa tuwa pano nga kung buntis ang asawa ko.
Hayyyy sana nga po lord!!!
___________________////
"Hello po Ma? Napatawag po kayo?" Saad ko ng sagutin ko ang tawag ni Mama.
Mama: "Sasabihin ko sana na nag dala ako ng ulam sa bahay niyo nasa table lang, favorite yon ni Jhoanna." Sagot naman ni Mama mula sa kabilang linya.
Napa ngiti naman ako madalas niya kaseng ipagluto si Jhoanna dinadala niya sa bahay meron na nga siyang sariling susi ng bahay dahil palagi nga siyang nagdadala ng pagkain prutas kakanin na gustong gusto ni Jhoanna, ewan ko mas mahal niya pa ata si Jhoanna kaysa sakin na anak niya HAHAHAHAHHAHAHA.
"Thankyou po Ma, papunta palang ako sa kompanya nila Jhoanna po para sunduin siya."
Mama: "Magiingat ka anak ah, nasa biyahe kami ng Papa mo may bibilin lang sa mall. Ingat kayo ni Jhoanna pauwi. I love you anak babye!"
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)