KABANATA XXI

242 8 0
                                    

Jhoanna' Pov



Saturday ngayon kaya medyo late na akong gumising late na kase akong nakatulog kagabi, tinapos kona din kase lahat ng activities ko kagabi para wala na akong iisipin.

Agad na akong dumiretsyo sa Cr para magtoothbrush at hilamos for sure nasa trabaho na si Mommy at Daddy nyan 9am nadin eh.


Bumaba nadin ako agad para makakain na nakaramdam na ako ng gutom eh, nakita ko namang busy sa harap ng stove si Nanay Loren siya ang palaging kasama ko dito pagka nasa trabaho na sila Daddy pati nadin si Mang Albert magasawa sila at bata palang kami ni Frances ay nagtatrabaho na ito para sa amin, kaya halos kilalang kilala na nila kami.

Nanay Loren: "Sakto anak luto na ito, upo kana dyan ipaghahain na kita."

"Sakto po gutom napo ako, thankyou po nay." Nakangiti kong sambit, naglagay naman na ito ng Plato sa harap ko.

"O siya sige na kain kana, kanina pa nakaalis ang Mommy at Daddy mo at may meeting daw sila, binilin sakin na pakainin kita." Hinawakan pa ako nito sa ulo bago ako iwan dito sa lamesa.

After ko kumain ay nagtimpla ako ng iced coffee para magising pa lalo para kasing inaantok pa ako eh. Pagka gawa ay umakyat nadin ako papunta sa kwarto dito ko nalang siguro to iinumin, kinuha kona din ang phone ko sa drawer at naupo.


Bumungad agad sakin ang friend request ni Colet, marunong pala tong mag Facebook kagabi pa pala itong friend request niya ngayon kolang kase nahawakan ang phone ko, pagka kase madaming ginagawa ay diko ito hinahawakan para makatapos agad. Inaccept kodin agad ang friend request niya.

Maya maya lang ay tumunog naman ang cellphone ko.


ColetVergara: "Akala ko mabubulok ako sa Friend request." Natawa naman ako ang hikli talaga ng pasensya nito.

"Sorry ngayon kolang nahawakan phone ko." Agad na reply ko.


Hindi na ito nagreply kahit magseen kaya binaba kona lang ulit sa table ang phone ko.

Halos mabitawan ko ang baso ng bigla itong tumunog, natataranta kong kinuha tumatawag si Colet pero imbes na sagutin ko ang pinatay ko ang tawag nang dahil sa gulat at taranta.


"Shems!!! Bat ko pinatay?" Sambit ko napatapik nalang ako sa noo.


Hindi kona binitawan ang phone baka kase tumawag pa ulit, ilang minuto pa ang lumipas pero wala hindi na ito tumawag.

Baliw na ata ako, pinatay ko yung tawag tas maghihintay akong tumawag siya ulit?


Haynako Jhoanna Christine Robles!


Pero bakit kaya siya tumawag? Baka may importanteng sasabihin? Tawagan ko kaya?


Wag na nakakahiya ano din isasagot ko sakanya pagka tinanong niya kung bakit ko pinatay?


Sasabihin ko kase nataranta ko? Kase siya yung tumatawag?


Napainom nalang talaga ako ng malamig na kape dahil sa mga iniisip ko. Pero bat ganon kaya nga ako nagkape para mawala ang antok ko pero parang mas inantok ako lalo? Mas okay siguro kung maligo ako para mawala ang antok.


Mabilis kong inubos ang iced coffee at pumasok nadin agad sa Cr para maligo basa na ang katawan ko ng marinig kong tumutunog ang phone ko sa kwarto, baka si Colet nanaman yon, kaya nagmamadali akong naliligo.


After ng ilang minuto ay lumabas nadin ako ng cr at agad kong dinampot ang phone ko.


At may tatlong missed call na nga si Colet, baka kung ano isipin non kaya mabilis ko itong tinawagan pero nakailang ring na ay hindi ito sumasagot.


Baka nagtampo nayon.


Bakit naman kase tumatawag kung kailan naliligo ako.



Hays



"I'm sorry hindi ko nasagot mga tawag mo, naligo kase ako. May sasabihin kaba?" Chat ko kay Colet baka kase may importante siyang sasabihin eh.


Patingin tingin padin ako sa phone ko kung may reply siya, pero wala hindi din niya sineen ang chat ko.


Basta nagsorry naman na ako.


Kaya bumaba nalang ako makatambay nalang sa labas ng bahay baka sakaling mawala ang antok ko.


Mang Albert: "Ma'am Tin may nagpapabigay po." Iniabot nito sakin ang paper bag may laman itong cupcakes at tupperware.


Wait? Galing to kay Colet? Kase ito yung tupperware na pinaglagyan ko ng mango graham.


Nagpunta siya dito?


Mygod.


"Kanino daw po galing?" Agad na tanong ko.

Mang Albert: "Kay Nico po ma'am tin, magkakilala po pala kayo? Yung dating kasintahan po ni Frances na kapatid niyo." Sabi na nga ba eh sakanya to galing eh.


See pati sila kilala si Colet, ako hindi ko nakilala noon yon.


Kaya pala, kaya pala tumatawag siya kanina.

Hindi ko manlang nalabas, nakakahiya.


"Nakaalis napo ba?"

Mang Albert: "Opo iniabot lang po yan. Sige po ma'am dito napo ako sa garahe."


Dinala kona lamang ang tupperware sa kusina saka umakyat na ulit papuntang kwarto at binuksan ang nakabox na cupcakes.

Bat kaya nagbigay ng ganito? Kapalit nung sa graham? Kinuha ko ang phone ko saka ito pinicturan.


"Thankyou sa cupcake, para saan ito?" Chat ko kay Colet, pero yung message ko kanina ay dipa din nito nasi-seen, baka nagmamaneho pa.



___________________/////////



Nagising ako sa katok mula sa pinto, tiningnan ko ang orasan sa side table napabangon ako bigla dahil 6pm na?



"Tok! Tok! Tok!" Katok ulit mula sa pinto.


"Wait po." Sigaw ko, bumangon nadin ako para buksan ito at bumungad sa akin si Mommy.

Mommy: "Hindi ka daw bumaba para maglunch?"

"Nakatulog po ako Mommy, halos kakagising kolang po." Sagot ko.


Mommy: "Bumaba kana at sabay sabay na tayo kumain." Tumango nalang ako si Mommy ay bumaba nadin.


Nagayos lang ako ng onti at sumunod nadin kay Mommy sa baba nakita ko naman si Daddy sa sala at may kausap ito sa Cellphone nilapitan ko ito saka ko niyakap medyo nagulat pa ito dahil nakatalikod ito sakin, agad naman akong nginitian nung makitang ako ang yumakap sakanya.


Daddy: "Please pakibilasan ang paghahanap baka makalayo pa." Kalmadong sambit nito.


Daddy: "Okay okay, thankyou." Saka nito pinatay ang tawag at humarap sa akin.

"Sino kausap mo Dy?" Tanong ko, napabuga naman ito ng hangin.


Daddy: "Mga pulis anak, hanggang ngayon wala padin silang magandang balita tungkol sa kaso." Mahigpit ko ulit itong niyakap.

"Mahuhuli din sila Daddy."

Daddy: "Sana nga anak, sana nga."


Mommy: "Mamaya na kayo maglambingan dyan, kumain na muna at hindi kumain ng lunch yang si Tintin."


Daddy: "Bakit hindi ka kumain?"

"Nakatulog ako daddy, kakagising ko nga lang po eh. Halika na baka magalit pa si Mommy."

Daddy: "Baka bigla maging dragon yan, kain na tayo." Bulong pa ni Daddy sa akin.


Kaya natawa pa kami parehas habang papunta sa table, ng makaupo ay nagumpisa nadin kaming kumain at magkwentuhan.





_______________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon