KABANATA XLIX

519 16 0
                                    

Colet' Pov




Dalawang araw na ang nakalipas simula ng makalabas ako ng ospital nagpapasalamat talaga ako sa mga kasamahan ko at nadala agad ako bago pa maubos ang dugo ko kahit ako mismo ay diko namalayan na may tama din pala ako sa tagiliran bukod sa braso ko diko naramdaman manhid na ata talaga ako.




Bukas pa ako makakabalik sa trabaho dahil yon ang utos ni Chief para daw makapag pahinga pa ako at saka ayaw din ni Jhoanna na pumasok agad ako sa trabaho dahil nagaalala padin ito hindi nga naman kase biro yung nangyari kaya ngayon nandito ako sa condo magisa si Mama at Papa binisita ang pinapagawang bahay sa ngayon ay tumutuloy na muna sila Papa sa condo malapit lang samin ang gusto ko nga ay dito na muna sila kasama namin hangga't dipa tapos ang bahay na pinapagawa para hindi na sila magbayad pero ayaw daw nila makaistorbo samin ni Jhoanna kaya diko na pinilit dahil nakakuha nadin naman sila ng condo.



Nang matimpla ko ang kape ay naupo na muna ako sa sala at binuksan ang Tv, sa wakas ngayon ay makakatulog na ako ng maayos dahil nabigyan ko ng hustisya si Frances sobrang tagal din inabot para makuha ang hustisya nayon,  balak ko nga sana pumunta ngayon ayaw naman pumayag ni Jhoanna hintayin ko na daw siya makauwi para makasama siya.




"Babi naiinip ako dito, pwede pumunta po dyan sa office mo?" Chat ko kay Jhoanna.



Naiinip at inaantok kase talaga ako papaubos nadin yung kape na tinimpla ko pero yung antok ko nandito padin nilalambing ako.



Babilove🤍: "No, hindi ka makakapag drive hindi pa nga okay yang isa mong braso eh. Magsleep ka dyan." Agad na reply niya kaya napasimangot ako.



"Damot mo naman babi, gusto lang kita makita eh." Reply ko.



Babilove🤍: "Still No! Magpahinga ka dyan." Napahikab nalang ako sa reply niya.



Pinatay kona ang tv nilagay kona din sa kusina ang ginamit kong baso at saka dumiretsyo sa kwarto saktong 3pm palang naman kaya dahan dahan akong humiga sa kama iniingatan kopa din kase yung tahi sa tagiliran ko saka pati itong braso ko mabuti nalang talaga at napatay din yung gumawa sakin nito, kung hindi hintayin niya lang ako gumaling ako mismo papatay sakanya ang hirap tuloy ng sitwasyon ko ngayon, mamaya pa ang uwi ni Jhoanna kaya pinikit kona muna ang mata ko hanggang sa makatulog ako.






___________________/////






Magkasama na kami ngayon ni Jhoanna dito sa puntod ni Frances, si Jhoanna nadin ang gumising sakin kanina medyo nagulat pa nga ako ng gisingin niya ko akala ko kase panaginip lang kaya napabangon ako bigla, siya nadin ang nagdrive papunta dito dahil ayaw niya kase hindi pa nga daw okay yung braso ko.




Sila Tito at Tita ay bukas nalang daw dadalaw dahil busy pa sila ngayon kaya kaming dalawa na muna ni Jhoanna ang dumalaw dito.



Jhoanna: "Love pizza oh." Sabay abot niya sakin ng isang slice.




Nagsindi nadin kami ng kandila sa tapat ng puntod ni Frances naglagay nadin kami ng Milktea at isang slice ng pizza mga favorite kase ito ni Frances kaya ito na agad naisip kong bilin namin para may makain kami dito para nadin kay Frances.




"Thankyou babi." Nakangiting saad ko.



Jhoanna: "I know na okay kana dyan kase nabigyan kana ng hustisya nahuli na ang mga taong gumawa sayo ng hindi maganda, makukulong sila habang buhay." Saad niya habang pinupunasan ang picture ni Frances.




"Sa wakas natupad nadin namin ni Jared yung pangako namin sayo Tangi, pagbabayaran nila habang buhay yung ginawa nila sayo." Nakangiting saad ko.




Nakangiti akong tumingin kay Jhoanna saka ito hinawakan sa kamay, hindi ko man alam or nakita ang pinagsamahan nilang magkapatid pero sure ako na mahal nila ang isa't isa.



Kaya simula ng maging pulis ako sabik talaga akong mabigyan ng hustisya si Frances sinabi kosa sarili ko na gagawin ko lahat mahuli lang yung mga taong may kasalanan hindi lang para kay Frances syempre pati nadin kay Jhoanna at kay Tito at Tita na matagal ng hinihiling na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Frances.



Iyon kase talaga ang pangako namin ni Jared para sakanya sabi ko nga din non na kaya ako nagpulis dahil sakanya, gusto kong makaganti sa mga taong yon kaso lang talaga natakasan ako ng dalawa kaya buhay pa ito pero gumaan naman ang loob ko ng malaman ko hawak ito ng mga kasamahan ko hindi ko man sila napatay, mabubulok naman sila ngayon sa kulungan.




Napalingon naman kami ng sabay ng Jhoanna sa likod namin ng may maramdaman kaming lakad ng tao si Jared at Maloi nakangiti itong papalapit sa amin.



Maloi: "Hi lovebirds." Bati niya sa amin ng makalapit ito.



Jhoanna: "Hi ate, pano niyo nalaman na nandito kami?"



Maloi: "Si Jared inaya ako dito para dalawin si Frances."



Jared: "Naramdaman ko kase na nandito din kayo kaya inaya ko si Maloi." Sinindihan niya din ang dala niyang kandila at binaba ang dalang bulaklak.



"Lakas talaga ng pang amoy mo eh no?" Natawa naman silang tatlo sa saad ko.



Maloi: "Malakas talaga pang amoy nyan basta ikaw, nga pala may dala kaming lasagna kain tayo."



Jhoanna: "Pagka talaga magbest friend mabilis magka amuyan. Ito ate pizza oh."



Jared: "Hi Frances, ngayon lang ulit ako nakadalaw diba nakangako ako sayo bago ako magpulis kami ni Colet na hindi ako babalik dito hangga't hindi namin nahuhuli ang mga taong pumatay sayo, ngayon sa wakas nadalaw na kita kase okay na makakapagpahinga kana ng maayos dyan kase nabigyan kana namin ng hustisya nahuli na namin sila." Saad niya habang nakatingin sa picture ni Frances.



Napangiti ako kase naalala ko ang pagsasama naming tatlo nung highschool pa lamang kami halos di talaga kami mapaghiwalay non, napagkamalan pa nga na parehas kami ni Frances na girlfriend ni Jared eh natatawa nalang kami noon pagka naririnig namin yon minsan naririnig pa namin na bakla nga daw si Jared dahil babae daw palagi ang kasama pinagtatawanan nalang talaga namin hindi kami nagpatinag sa kung ano anong naririnig namin sa iba basta kaming tatlo hindi talaga kami mapaghiwalay noon.




"Magiging okay na siya, magiging okay nako pati ikaw dahil nabigyan na natin siya ng hustisya." Saad ko sabay akbay kay Jared.



Napangiti kami parehas lumapit nadin sakin si Jhoanna saka ito yumakap ganon din si Maloi kay Jared.



Wala nadin bigat sa dibdib ko kalmado nadin ang puso ko, hindi man namin nagawang ibalik ang buhay niya at least nagawa namin na bigyan siya ng katahimikan at kapayapaan.










_________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon