KABANATA XXXVII

348 12 0
                                    

Colet' Pov



Iniayos kona lahat ng mga tambak na folder dito sa lamesa ko tapos na kase ang duty namin, at bukas na bukas maguumpisa na kaming magimbestiga sa kaso tungkol kay Frances, mabuti nga at wala ng iniutos sa amin si Chief kaya maaga akong makaka punta kay Jhoanna ngayon panigurado naiinip nayon don sa bahay mabuti at pinuntahan kanina ni Maloi kaya medyo nalibang alam niyo naman ang isang Jhoanna ayaw na ayaw non na walang ginagawa.



Mikha: "Ano tara na? Susunduin kopa si Kumander." Aya nito habang sinusukbit ang bag sa balikat.


Jared: "Tara kanina pa nagdidiwara si Maloi."


"Balak kodin puntahan ngayon si Jhoanna masama ang pakiramdam non eh." Sinukbit kona din sa aking balikat yung bag ko.



Mikha: "Hindi kaba sasama? Nako baka magalit si Maloi nyan, may konti pa naman yon." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.


"Anong meron?" Agad na tanong ko.


Jared: "Hindi kaba nagbabasa sa group chat?" Umiling naman ako.



Busy ako sa trabaho eh saka hindi nga ako nakapag update kay Jhoanna ngayon masyado din kaseng madaming tumatakbo sa utak ko saka tambak ang mga binabasa kong report.


Mikha: "Doon tayo magdidinner sa bahay saka syempre iinom din, G na silang lahat ikaw nalang hindi basa basa din sa Gc." Natatawang saad nito.


Jared: "Kanina pa nga yan parang malalim iniisip, wag kang magalala masosolve natin yung kaso." Saka ito umakbay sakin.


"Teka tatanungin ko muna si Jhoanna." Agad na sagot ko.



Mikha: "Bat magpapaalam kapa? Eh silang dalawa nga ni Maloi ang nagplano." Medyo tumaas na ang boses nito.


"Malay koba, hindi nga ako humahawak ng cellphone. Saka bakit moba ko tinataasan ng boses?" Tinaasan kona din ang boses ko.


Mikha: "Hindi ako sumasigaw."


"Anong hindi? Ayan oh naka high note ka."


Normal na samin tong ganito asaran namin talaga ay sigawan kala mo palaging nagaaway.


Jared: "Magpapalipat nako ng Office sa susunod hindi ko kakayanin na kayo kasama araw araw parehas kayong may ubo sa utak." Iiling iling na saad nito.


Mikha: "Tara at baka buksan kopa utak niyong dalawa." Umakbay na ito sa aming dalawa ni Jared.


Ganito kami araw araw kahit na busy sa trabaho nakukuha padin naming magutuang tatlo.


Jared: "Pano kita kita nalang mamaya, mauna nako. Magingat kayo dalawa!"


"Ingat buddy." Saad ko.


Mikha: "Magingat ka tukmol, tanga kapa naman." Natatawang saad nito.


Jared: "Sagasaan kita dyan eh." Sambit nito bago paandarin ang sasakyan.


Inilagay kona ang bag ko sa likod ng sasakyan medyo mabigat din kase to nangangalay na balikat ko.



Mikha: "Buds pano mauna nako? Susunduin kopa si Aiah eh, pumunta ka mamaya ah?"


"Oo pupunta ko, parang dika nagsasawa sa mukha ko buds ah? Araw araw mona to nakikita eh." Natatawang saad ko.


Sumakay na siya sa sasakyan niya kaya binuksan kona din yung sakin at sumakay.


Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon