KABANATA XXIII

288 11 0
                                    

Colet' Pov

Habang naglalakad kami papuntang Gym ay kinukulit padin ako ni Mikha dahil sa sinabi ko.

Mikha: "Eh ano naman kung kapatid siya? Sorry ah? Pero diba wala naman na si Frances?" Sambit nito.

Hindi ko alam pinagugulo niya lang lalo isip ko.

"Mahal ko si Frances, mahal na mahal."

Mikha: "Sorry ulit ah, pero Colet wala na si Frances matagal na. Bakit dimo itry magmahal ulit?"

"Ang hirap eh, hindi talaga madali." Umakbay ito sa akin.

Mikha: "For sure matutuwa si Frances kong nasaan man siya ngayon pag binuksan mo ulit yung puso mo." Tinuro pa nito ang dibdib ko kung saan tapat ng puso.


Natahimik naman ako sa sinabi niya, pero hindi naman ganon kadali ang lahat.


Mikha: "Baka nga matuwa pa si Frances pagka nakita niyang sa kapatid niya ikaw napunta. Diba?"

"Ginugulo molang utak ko eh."

Mikha: "Subukan molang, bar tayo mamaya? Ano g?"

"Yan ang gusto ko sayo eh, Game na game aba!" Natatawang sagot ko.

Nang makarating kami sa Gym ay ang dami nading mga estudyante na manunuod, nagpunta na kami sa mga kateam namin at halos lahat ay kumpleto na kami nalang ni Mikha ang kulang, inikot kopa ang tingin ko nandito nadin ang mga makakalaban namin lahat kase ng Course ay merong lalaro at kami nila Mikha ang panglaban ng Criminology.

Feel ko naman ay maayos pa ang laro ko kahit ang tagal na ng huling laro ko, pero sure ako na after ng game masakit ang katawan ko.

Tinipon na kami ng Coach namin ngayon na si Sir Paul, ang Adviser namin nila Mikha.

Sir Paul: "Kayo ang unang lalaro, makakalaban niyo ang mga Architecture." Sabay sabay naman kaming tumango, halos tatlo lang pala ang kakilala ko dito sa kateam ko si Mikha at Jade lang pala.

Sir Paul: "Mikha, Colet, Jade, Luisa, Danna, Rain kayo muna ang lalaro, tandaan niyo na mabilis ang isip niyo kaysa sa bola ha? Wag kayong mag agawan sa bola kung maaari sabihin niyo na agad na sainyo na ang bola para di magulo. Isa pa dapat palaging maganda ang dating ng bola kay Mikha dahil siya ang Tres siya yung setter niyo. Nagkakaintindihan ba tayo? Pag nanalo kayo dito, ede congratulations." Natawa naman kami sa huling binanggit nito, maloko din tong Prof namin na'to eh.


"PRRRRRRRTTTT!!!!!" Pito mula sa Referee.

Pinatalikod muna kami ng Committee para kunin ang mga number namin need kase yon ilista.

After naming makipag kamay sa mga kalaban ay pumwesto na kami sa kanya kanyang pwesto medyo kabado pa ako dahil sa Dos ako pinapwesto ni Sir Paul, nakipag tos coin na ang isa samin at sa kabila ang bola.


"PRRRRRRRTTTT!!!!" Isang malakas ulit na pito, hudyat na umpisa na ang laro kaya napahimas nalang ako sa likod ng sapatos ko.

Pagdating ng bola samin ay agad na nakuha ito ni Luisa maayos na nadala kay Mikha.

Agad na akong umatras para may bwelo ng maiangat niya ang bola ay tumakbo na ako sabay talon para i-spike ang bola.

Ayon puntos agad!


Halos mabingi ako sa sigawan ng mga estudyante, nagsabay sabay ba naman eh sobrang dami pa naman.

Mikha: "Nice one!!!" Saka ako ito umapir.


Nagpatuloy ang laro at lamang kami ng 4 points hanggang 20 lang kase ito at hanggang set 3 lang kung mananalo kami dito pati sa susunod na game ay wala ng Set 3.


"Time out mula sa Architecture. Isa na lang ang time out niyo ngayong Set 1."


Agad na kaming pumunta sa mga kasama namin napasalampak ako dahil nadin sa pagod.


Mikha: "Ayon sila oh?" Turo nito sa likod.


Nagtama agad ang mata namin ni Jhoanna hawak hawak nito ang bag ko.

Kay Sheena ko pinahawakan yon ah? Bat nasa kanya?


Nandon nga sila pati si Jared mukhang kakadating lang kakatapos lang siguro ng laro nila, agad naman akong tumayo at lumapit sakanila.


"Tubig po." Mabilis namang iniabot sa akin ni Jhoanna yung tumbler.

Pero binubuksan kopa lang ay pumito na agad ang referee kaya binalik ko nalang agad kay Jhoanna.


Uhaw na uhaw pa naman ako.


Pumwesto na agad ako sa dulo dahil ako ang magseserve.

Sheena: "WHOOOOOO ATE COLET SAMPALIN MO SILA!" Sigaw ni Sheena kaya natawa ako.


Buang talaga!


Pagkaserve ay agad din namang bumalik sa amin ang bola medyo matulis kaya hindi nakuha ng maayos ng kasama ko sayang ang puntos kaya hinabol ko.

Ayon subsob ako sa mga estudyante.

"Sorry sorry."

Tumakbo agad ako pabalik sa pwesto, at nagpalit palit lang sa amin at sa kalaban ang bola.

Natapos ang Set 1 at kami ang nanalo, binigyan kami ng 10mins na water break kaya kay Jhoanna na agad ako dumiretsyo. Papalapit palang ako ay binubuksan na nito ang tumbler.

"Thankyou." Nakangiting sambit ko, ngumiti lang din ito sa akin.

Sheena: "Sweet naman."

Stacey: "Punasan mo naman Jho ng pawis si Colet oh pagod na pagod eh." Saad nito habang tinutulak si Jhoanna.


Kinuha naman ni Jhoanna ang towel sa bag ko at iniabot sakin.

Maloi: "Mahina itong manok ko, ayaw punasan ng pawis si Colet." Biro nito kaya nagtawanan sila pati ako ay natawa nadin.

Jhoanna: "Yung likod mo, punasan mo basang basa."

"Opo master." Nagtilian naman ang mga kaibigan namin, kala mo mga baliw sumasakay lang naman ako sa trip nila.



Halos ganon lang ulit ang nangyari palitan lang ulit ng bola, pero lamang kami ng 5 points medyo nanlalambot na nga ako kakakuha ng bola tas kakatalon dahil ang dalas ibigay sakin ni Mikha ang bola.


Pag angat ulit ni Mikha ng bola ay agad ko itong pinalo papunta sa space na pwesto ng kalaban.


Mikha: "NICEEEEEE!!! Last one guy's!"
Sigaw ni Mikha.


Service ni Mikha agad din naman nakuha ng kalaban kaya pumwesto na agad kami ng Setter para iblock.


Puntos!!!!!


Panalo kami!!!


Kaya nagtatalon na ang mga kasama ko si Mikha naman ay tumakbo papunta sakin at pilit akong itinatalon.

Sir Paul: "Congrats guy's! Dapat ganyan ulit bukas ha? Engineering makakalaban niyo, balita ko matatangkad yung mga player non."

Mikha: "Kayang kaya namin yon Sir."


Sir Paul: "Colet magaling ka pala maglaro, bat dika nagtryout?" Sambit nito.

"Sanay lang po, okay napo ako sa pa laro laro lang." Saad ko.

Sir Paul: "Sige na magpahinga na kayo, Mamaya manuod kayo suportahan natin yung boys." Isa isa pa kami nitong tinapik ng mahina sa balikat.

"Tara na don Mikhs." Aya ko dito, agad naman ito saking umakbay.




________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon