KABANATA III

417 13 0
                                    

Colet' POV

After ko maligo at magbihis ay lumabas nako ng Condo at agad itong nilock. Nagdrive lang ako dahil malapit lang naman ang University sa tinutuluyan kong condo, agad nako naghanap ng pwedeng parkingan ng sasakyan.

"BEEEPPPPPP!!!! BEEEEPPP!!!" Nilingon ko ang sasakyan na kung makabusina ay kala mong makakasagasa, nakita ko pang bumukas ng pinto ng kotse sa likod at bumaba ang driver nito malakas nitong hinampas ang kotse ko.

Aba anong problema nito?

BOY: "Ako ang magpaparking dyan!" Singhal nito sakin ng bumaba ako mula sa kotse, tiningnan kopa ang parking area kung may nakasulat bang pangalan kung meron eh baka nga sakanya to.

"Wala naman akong nakikitang pangalan." Sagot ko habang nakatitig sakanya.

BOY: "Hindi moba ako kilala ha? Walang ibang nagpapark dyan kundi ako at ang kotse kolang!" Mayabang na sagot na'to.

"Kailan pa naging sayo ang parking lot? Saka sino kaba? Hindi kita kilala."
Tinulak ako nito kaya napasandal ako sa kotse. Jusko ang aga aga pinapainit nitong lalaki na'to ang ulo ko.

Hinawakan pa nito ang damit ko na mas lalong nagpainit ng ulo ko, pagka tapos kong alisin ang pagkakahawak niya sa damit ko ay agad ko itong sinuntok.

Ang aga aga !!!!

Natumba ito at nadumihan ang uniform lalo na ang pantalon.

BOY: "Gago ka ah!!!"

"Prrrrrrttttt!!!! prrrrrrrtttt!!!!" Akmang susugudin na ako nito pero may papalit ng guard kaya napatigil ito.

GUARD: "Anong nangyayari dito?" Tanong ng guard.

BOY: "Ito manong sinuntok ako eh!" Sumbong nitong lalaki sa harap ko, pinupunasan pa nito ang gilid ng labi na pumutok dahil sa pagkakasuntok ko.

"Sinuntok ko nga ho siya, hinawakan niya ho ang damit ko eh! Tapos ayaw niya magpaparking dito dahil siya lang daw ang magpaparking dito sa area na'to." Sagot ko, diko naman itatangi na sinuntok ko siya at halata naman kase.

BOY: "Manong alam mo naman na ako lang ang nakaparking lagi sa pwesto nayan." Galit na galit na sabi ng lalaki, napaka yabang talaga na'to, sakanya ba tong University na'to.

GUARD: "Don ka nalang magpark, sana inagahan mo ng ikaw ang nauna dito." Salita ng Guard.

"Hindi pa tayo tapos!" Masamang masama ang tingin nito sakin habang pabalik sa sasakyan niya.

Kaya pumasok nadin ako sa kotse at pinark ng maayos, unang araw away agad ang napasukan ko.

Dahil 9am pa naman ang klase ko, nagpunta na muna ako sa Canteen nagugutom nadin kase ako saka maaga pa naman.

Nang makabili ako ng kakainin ay
Naupo ako sa vacant na upuan at lamesa tiningnan kopang mabuti kung may nakasulat ditong pangalan baka mamaya merong nagmamay ari na'to tulad nung sa parking lot ede mapapaaway nanaman ako.

GIRL 1: "Hi, pwedeng maki share ng table?"

"Ahhh, sure." Sagot ko sa babaeng kulay pula ang buhok, astig nito ah.

GIRL 1: "New student?" Tanong nitong si pula. Pula na muna tawag ko sakanya hindi ko alam pangalan niya eh.

Tumango lang ako bilang sagot at saka sumubo ng carbonara.

GIRL 2: "Mikha....Hala huy! Sino yang kasama mo?" Tanong nang babae na kakadating lang may kasama pa itong isa, siguro magkakabarkada ito.

GIRL 3: "Napakalakas ng boses mo naman bebe." Saway nung isa, oo nga naman ang lakas talaga ng boses niya.

"Ma...maun..."

GIRL 1: "Naki share lang ako ng table sakanya, wala na kasing vacant eh." Putol sa sasabihin ko ni Pulang buhok.

Magpapaalam na sana ko na mauna since tapos naman nako kumain, naupo nadin yung dalawang babae dala ang sandwich at drinks nila.

GIRL 1: "Thankyou sa pagshare ng table ah. Anyway, I'm Mikha this is Gwen and Sheena." Turo pa nito sa dalawa saka naglahad ng kanyang kamay.

"Nicolette, Nicolette Vergara pero pwedeng Colet nalang."

GIRL 2: "Hi Ate Colet." Nakangiting sabi nung Sheena ganon din yung Gwen at saka ito nakipagkamay.

"Mauna nako ah." Nahihiyang saad ko, tapos naman nako kumain eh saka 8:20am na.

GIRL 1: "Okay sige, thankyou ulit Colet. See you when i see you!" Nakangiti nitong pagpapaalam sakin, ganon din yung dalawa pang kasama niya nakangiti at kumaway nung paalis na ako.

Napahinto naman ako bigla sa paglalakad ng biglang kumirot yung kamay ko, kailangan kona siguro to palitan puro dugo na ulit dahil ito yung napangsuntok ko kanina don sa ungas na mayabang hindi ko nga naramdaman yung sakit eh dahil nadin siguro sa sobrang inis.

Siguro kung saktong kakagising kolang din non, baka nakadalawang suntok yon galing sakin.

Ayokong ayoko kase na hinahawakan ako ng walang pahintulot ko kahit sa damit or sa dulo ng buhok pa yan.

______///

Kakalabas kolang ng room, kani kanina pa tapos yung klase pinauna kolang lumabas mga kablock ko ang gugulo nila eh.

Natapos ang buong maghapon
wala naman kaming masyadong ginawa ngayong second day ng klase katulad lang din ng kahapon nagpakilala lang, hirap din ng transferee eh miya't miya papakilala ka.

Grabe yung antok ko kanina pa ako nilalambing.

Naglalakad nako papunta sa parking lot since 5pm palang naman makadaan na muna sa favorite place ko.

Pagbaba ko ng sasakyan ay napansin ko na may matandang papatawid hindi niya siguro napansin na naka green kaya nakago ang mga sasakyan.

Mabilis akong tumakbo at pinahinto ang mga sasakyan na dumadaan saka ko inaya ang matanda.

"Dalhin kona po itong iba niyong dala." Kinuha ko ito at hinawakan siya sa kamay.

Yumuko ako at ngumiti sa mga sasakyan na nadadaanan namin na nakahinto, bilang pasasalamat nadin.

LOLA: "Maraming salamat iha, hindi ko napansin na naka green pala kaya tumawid nako." Saad niya ng makarating kami sa kabila.

"Walang anuman po, saan ho ba ang punta niyo?" Tanong ko ang dami niya kasing dalang gamit mukhang mga damit ata ito.

LOLA: "Sa bahay ng anak ko, don na kase ako titira."

"Saan po ba yon? Halika po may sasakyan po ako ihatid kona po kayo? Teka sandali po dyan lang po kayo ah hintayin niyo po ako."

LOLA: "Nako iha, wag na!"

"Wait lang po dyan lang po kayo." Tumakbo ako papunta sa kotse at saka ito dinala sa tapat ng pwesto ni Lola, kumuha muna ako ng tubig bago bumaba palagi kase akong may extrang tubig dito sa sasakyan mainit kase ngayon yung mga taong nakikita kong nagtatrabaho at init na init palagi kong inaabutan.

"Inumin niyo po muna ito Lola." Binuksan kona at saka ko ito inabot agad naman niyang tinanggap.

"Tara po hatid kona po kayo Lola?"

"Wag na iha, dito ako susunduin ng anak ko, kaya ako tumawid kanina. Salamat dito sa tubig ha? Napaka bait mong bata." Nakangiting saad nito at saka ako hinawakan, napangiti nalang ako.

Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya agad ko itong nilingon.

"Jhoanna?" Wala sa sarili kong saad, nung magtama yung mata namin ay umiwas din to agad saka naglakad.

LOLA: "Iha nandito na ang sundo ko, maraming salamat ulit ah? Magiingat ka sana ay madami kapang matulungan at sana madami kapang magawang mabuti."Nakita kong may humintong sasakyan at may bumaba yon na siguro ang anak ni Lola.

Napangiti nalang ako sa mga sinabi ni Lola, kung lahat ng kabutihan at pagtulong na ginagawa ko ay isa sa paraan para tumaas ang porsyento na babalik kapa na babalikan moko, gagawin ko, gagawin ko palagi.



________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon