KABANATA XXXIX

376 15 0
                                    

Colet' Pov


Nagising akong masakit ang ulo pangatlong araw nadin tong sakit ng ulo na'to simula nung maginom kami kila Mikha, hindi naman ako nalasing maayos din naman kaming nakauwi ni Jhoanna sakanila don nadin ako natulog hindi nadin niya kase ako pinayagang magdrive magisa pauwi sa condo.


Hindi po kami magkatabi natulog sa baba po ako nakapwesto at siya ay don sa kama, parehas kase kami nakainom kaya di talaga ako tatabi sakanya.

Alam niyo kung sino ang nalasing? Si Mikha at Gwen sumayaw sayaw pa sa sobrang kalasingan alam ko nga iniwan na ni Sheena don kila Mikha si Gwen after asikasuhin na palitan ng damit ayaw niya daw magalaga ng lasing ewan kolang kung panong buhay ang ginawa nung dalawang yon nung nakauwi na lahat.


Ayaw ba naman paawat sa beer.

Alam na alam naman kase nilang mahirap magpaka sagad ng inom ginawa pang tubig yung beer ayon may video tuloy sila kay Maloi habang sumasayaw.


After ko maligo ay nagtimpla na ako ng kape iniligo kona agad sakit ng ulo baka sakaling mabawasan, pupuntahan ko ngayon si Jhoanna sakanila ihahatid ko sa kompanya nila kaya maaga akong gumising tas ako ay didiretsyo nadin sa trabaho.

Pagka baba ko ng sasakyan nag doorbell nadin ako kila Jhoanna si Nanay Loren ang nagbukas.

"Good morning po nay, susunduin kopo si Jhoanna."

Nanay Loren: "Sakto kakatapos niya lang kumain, ikaw ba kumain na? Halika pasok ka para makakain ka."

"Hindi napo nay nagkape napo ako sa condo saka po tinapay."

Nanay Loren: "Osiya sige dito muna hintayin sa loob si Tintin."

Pumasok nadin ako sa loob sakto namang nakita ko si Jhoanna na paakyat ng hagdan.

"Babi good morning." Bati ko sabay abot ng dala kong bulaklak.

Jhoanna: "Palagi mo nalang ako binibigyan ng bulaklak, hindi pa nga lanta yung huling binigay mo. By the way good morning din, akyat lang ako saglit sa taas para magtoothbrush."

"Deserve mo naman babi, go ahead toothbrush kana."

Jhoanna: "Nambola pa." Saad pa nito habang paakyat sa hagdan.


Maya maya lang din ay narinig kona ang pagbaba niya sa hagdan kaya mabilis kong nilingon.

Jhoanna: "Baka naman malusaw ako nyan."

"Ang ganda mo babi."

Jhoanna: "Sus halika na baka malate pa tayo."

Agad ko ng hinawakan ang kamay nito papalabas ng bahay.

"Nay Loren alis napo kami ni Ma'am Tin." Saad ko nakita kase namin siyang naggugupit ng bulaklak.

Jhoanna: "Ma'am tin ka dyan? Nay alis napo kami."

"Para kase kong security guard mo eh." Natawa naman kami parehas nakauniform na kase ko kaya pagkakamalan talaga kong security guard nitong maganda kasama ko.

Nanay Loren: "Magingat kayo mga anak." Kumaway pa ito samin.

Ngumiti na lamang kami ni Jhoanna at dumiretsyo na sa labas nauna lang ako ng onti para pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.


"Seatbelt babi." Na agad naman niyang kinabit.

Nagsign of the cross na ako saka pinaandar ang sasakyan, hinawakan kona din ang kamay nito magiipon lang ako ng energy pa pagdating sa opisina ganado magtrabaho.


Jhoanna: "How are you pala? Masakit paba ulo mo hanggang ngayon?" Tanong niya kaya nilingon ko siya saglit at binalik nadin sa daan ang tingin.

"Sumasakit kanina nabawasan naman nung naligo ako at nagkape."

Jhoanna: "Hindi ka nanaman nagbreakfast no?" Umiling ako.

"Okay na yung kape at tinapay babi. Hindi kona maaasikaso magluto sa condo." Sagot ko habang sa daan padin ang tingin.

Jhoanna: "What if magsama na tayo?" Dahil sa sinabi nito ay napapreno ako agad mabuti nalang at medyo mabagal kami saka walang kasunod sa likod na sasakyan.

Jhoanna: "Why?" Takang tanong nito.

"Ibig mobang sabihin magtanan?"

Jhoanna: "Magpaalam na tayo kay Daddy para naaasikaso natin yung isa't isa tutal palagi din naman tayong sabay pumasok minsan ikaw nadin ang sumusundo sakin. Para naka kakain ka ng breakfast." Paliwanag nito pinaandar kona ulit ang sasakyan.

"I'm fine naman babi saka kumakain naman ako sa office."

Jhoanna: "Ayaw moba kong kasama sa condo mo?" Agad na tanong niya.

"Syempre babi gusto, gustong gusto. Pero nahihiya kase ako kila Tito at Tita ikaw na nga lang meron sila kukunin kopa." Napansin ko naman ang bahagyang pagtawa niya.

Jhoanna: "Hindi na tayo bata doon din naman tayo papunta love, unless may iba kang ibabahay?"

"Babi wala ikaw lang ang meron ako saka sila Mama, Papa at Kuya." Agad na sagot ko.

Jhoanna: "Okay good, kausapin natin si Daddy at Mommy mamaya pagka sinundo moko."

"Sure kaba dyan?"

Jhoanna: "Oo naman, ano ba ayaw moba?"

"Gusto, gusto ko. Okay ipagpapaalam kita ng maayos kila Tito mamaya. " Mabilis na sagot ko agad naman itong tumango.


Pagdating namin sa parking lot ng kompanya nila ay agad nadin akong bumaba para pagbuksan siya.


Jhoanna: "Thankyou love, please magdahan dahan sa pagmamaneho ha?" Humalik nadin ito sa labi ko kaso ang bilis parang nabitin ata ako.

"Mabagal lang naman ako magdrive babi."

Jhoanna: "Syempre ako ang sakay mo, sige na pasok na ako sa loob ah? Magingat ka."

"Magiingat ako promise, sige na galingan mo sa trabaho." Humalik ako sa noo nito pati nadin sa labi.

Jhoanna: "Byeee, update mo nalang ako pagka nandon kana okay?" Ngumiti nalang ako biglang sagot at saka sumakay nadin ng kotse.


Tiningnan kona muna siya hanggang makapasok sa loob bago ako umalis.

Hayyyy ilang oras nanaman ulit ang kailangan lumipas bago ulit siya makita, actually plano ko din naman na ayain na siyang tumira sa iisang bahay pero hindi pa ngayon nahihiya padin kase ako kila Tito at Tita alam ko naman na nasa tamang edad nadin kami.

Pero sige siya nayon eh, siya na nagdesisyon sino ba namang tatanggi don diba? Ang ganda ganda ng makakasama mo sa buhay tatanggi kapa? Syempre ako hindi Jhoanna Robles nayon.


Pagka parada ko ng sasakyan dito sa harap ng presinto ay agad nadin akong bumaba, hinanap kona din yung sasakyan ng dalawa pero wala pa himala nauna ata akong pumasok sa dalawa.


Binati kona din ang mga kapwa ko pulis na nadadaanan.


DelaCruz: "Good morning din Vergara. Himala nauna ka ngayon sa dalawa ah?" Saad niya.


"Maaga kase akong nagising, baka papunta nadin dito yung dalawa nayon." Sagot ko saka pumasok nadin sa opisina namin.


"Babi nandito napo ako sa presinto. I love you🤍" Chat ko kay Jhoanna pagka pasok ko dito sa opisina.

Ibinaba kona din ang mga gamit kong dala at nagumpisa nading magtrabaho hindi naman na namin kailangan maghanap pa ng mga ebidensya para sa kaso about kay Frances dahil sapat naman na yung mga ebidensya na ibinigay sa amin nung unang may hawak ng kasong ito.


Kailangan nalang talaga namin ay hanapin ang mga suspek para pagbayaran na nila kahayupan nilang ginawa.






_____________________2017

Mikhaiahjholetlvr ito napo 🤗

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon