Jhoanna' Pov
Pagka sundo namin kay Mommy ay dumiretsyo na kami dito sa libingan kung nasaan ang puntod ng kapatid ko.
Pagdating namin ay nagtaka pako dahil may bulaklak dito at cake, actually taon taon merong ganyan nagtataka lang ako kase hanggang ngayon hindi kopa din alam kung sino ang dumadalaw sakanya, hindi naman mga kamag anak namin kase nasa Probinsya ang mga yon saka dadaan muna samin yon bago dalawin ang kapatid ko.
Daddy: "Hindi talaga nakakalimutan ni Nico birthday ni Frances no? Happy birthday anak." Saad ni Daddy kaya nadagdagan pa ang iniisip ko lagi nilang sinasabi yon tuwing may maaabutan kaming bulaklak at cake dito.
Sinong Nico? Alam kong may someone ang kapatid ko noon hindi kolang nakilala since nakahiwalay ako sakanila noon magkakasama sila nila Mommy at Daddy habang ako may tinutuluyan na Apartment yon kase ang gusto ko para hindi hassle pagpunta ng University nung mawala ang kapatid ko saka lang ako bumalik sa bahay namin, dahil yon ang kagustuhan ni Daddy.
At saka nung time na nawala ang kapatid ko ay hindi ko manlang nakita sa burol yon kahit isang beses.
Mommy: "Anak okay kalang ba? Hindi moba babatiin kapatid mo?" Tanong ni mommy.
"Opo my, may iniisip lang po. Happy birthday twinny!" Nakangiting saad ko saka pinunasan ang puntod nito.
Paglipas ng dalawang oras na na pagkukwentuhan ay nagaya nadin si Daddy sabay sabay pa kaming nagpaalam sa puntod ng kapatid ko.
Pabagsak akong humiga sa bed, dahil nadin sa pagod siguro sa University ang dami masyadong gawain hindi talaga biro yung may tungkulin ka sa School ang hirap pala maging President. Anyways I'm Jhoanna Cristine Robles 21 years old, 3rd year College, Student Council President ng Philippine State University.
"Tok! Tok! Tok!" Tunog mula sa pinto kaya napadilat ako.
Mommy: "Tin anak? Halika na kakain na tayo."
"Okay po my, sunod napo ako." Narinig kona ding umalis na sa tapat ng pinto si Mommy kaya bumangon nadin ako at bumaba para makakain na.
Daddy: "Anak yung naghatid sayo last time yung gabing gabi na? Kakilala mo siya?"
"Sino pong naghatid?" Takang tanong ko.
Mommy: "Yung nagligtas sayo anak don sa humahabol sayo na adik." Si mommy na ang sumagot kaya napaisip ako si Colet ang tinutukoy nila pero bakit kaya? Ang tagal na non eh.
Imagine kung wala siya non, baka kung ano na talaga ang nangyari sakin nung gabing yon.
"No my, hindi ko siya kakilala nung araw nayon. Bago lang siya sa University na pinapasukan ko." Sagot ko nagkatinginan pa si Daddy at Mommy na kinataka kopa.
Ano bang meron don?
"Why poba?" Agad na tanong ko.
Daddy: "Wala naman anak, sige na kumain kana para makapagpahinga kana. At maaga kapa bukas."
____________/////
"Thankyou Dy!" Saad ko sabay halik si Daddy kase ang naghatid sakin ngayon dahil wala si Mang Albert.
Daddy: "Magiingat ka anak, message mo nalang ako mamaya pagka magpapasundo kana ah?" Tumango nalang ako saka kumaway.
Nang makaalis si Daddy ay pumasok nako ngumiti pa ako sa Guard palagi kong ginagawa yon kahit kapwa ko students mga prof pagka nakakasalubong ko ay palagi kong nginingitian.
BINABASA MO ANG
Her Eyes
FanfictionNote: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)