KABANATA LXI

429 13 1
                                    

Colet' Pov





Masakit na masakit ang ulo ko ng magising ako nagtaka pa ako ng makita si Papa sa tabi ko pati nadin si Mama at ang dalawa kong kaibigan na si Mikha at Jared. Nakakapag taka din bakit nasa ospital ako, ano ba ang nangyari?



"Anong nangyari?" Takang tanong ko dahil wala akong maalala.



Ang alam ko lang ay nasa condo ako umiinom wala na akong maalala sa mga susunod na nangyari kaya nagtakaka ako bakit nandito ako sa ospital.



Mama: "Uminom ka muna anak ng tubig." Sabay abot sakin ni Mama kaya bumangon ako mula sa pagkakahiga.



"Ano poba nangyari?" Tanong kopa ulit.



Papa: "Nawalan ka ng malay sa sobrang kalasingan anak, ang kaibigan mong si Gwen at Sheena ang nagdala sayo dito kasama si Jhoanna." Napatingin naman ako agad kay Papa ng banggitin niya si Jhoanna.




Kada araw na lumilipas para akong pinapatay ng pagka miss kay Jhoanna.



"Nasaan siya ngayon? Binantayan niya ba ako dito?"



Mikha: "Galing siya dito Buds, umalis lang kanina dahil may meeting siyang kailangang puntahan. Ang sabi niya babalik din siya agad dito."



"Galit padin ba siya sakin?" Nagtinginan naman si Mikha at Jared.



Papa: "Wag kang magalala anak, hindi galit si Jhoanna." Sabay haplos ni Papa sa likod ko.



"Hindi paba ako pwedeng lumabas dito? Gusto ko siyang puntahan."



Mama: "Anak hindi pa ata okay ang pakiramdam mo."


"Sige napo Ma, gusto ko makausap si Jhoanna."



Jared: "Ssob magpahinga kana muna, siguradong pupuntahan ka naman non dito."




Magsasalita pa sana ako ng bigla namang may kumatok sa pinto na agad binuksan ni Mikha. Agad akong napangiti ng makita ko si Jhoanna maya maya lang din ay kinabahan ako ng makita sa likod niya si Tito at Tita. Agad ding pumasok sa isip ko yung pang yayari nung huling kita ko sakanila. Gusto ko nalang magpakain sa lupa sa hiya ng makapasok sila dito sa loob ng kwarto.



Gusto kong mag salita pero parang ayaw bumuka ng bibig ko at parang wala din ako boses.


Tito: "Balae magandang hapon." Nakangiting saad ni Tito kila Mama at Papa.


Tumayo din naman si Mikha at Jared para mag bless ako ay nakatingin lamang at wala pading lumalabas na boses sa bibig ko.


Mikha: "Tito Tita, mauna napo muna kami ni Jared balikan nalang po ulit namin si Colet pag hindi pa siya na discharge ngayon. Buds balik nalang kami."



Jared: "Una napo kami. Ssob una na kami ah?" Nakangiting saad nung dalawa tumango na lamang ako.


Papa: "Balae maiwan na muna namin kayo."


Sumabay nadin si Mama at Papa na lumabas kila Jared at Mikha kaya naiwan na lamang dito sa loob si Jhoanna at ang Mommy at Daddy niya.


Tito: "Colet anak, patawarin moko kung nasaktan kita. Nadala lang talaga ako ng galit." Saad ni Tito kaya gumaan ang pakiramdam ko.



"Wala po yon, deserve ko naman po at naiintindahan ko din po kahit sino namang magulang ganon po ang gagawin pag nalaman niyang sinaktan ang anak niya."



Tita: "Nagpunta kami dito para bisitahin ka at para makahingi nadin ng tawad sa nagawa sayo ng Tito mo."



"Kalimutan napo natin yon Tita, ayos napo iyon." Nakangiting saad ko.



Nilingon ko si Jhoanna na ngayon ay nakatingin lamang sa sahig, parang gusto kong lumundag papunta sakanya para yakapin siya sobrang miss na miss kona talaga siya pakiramdam ko isang buong taon ko siyang hindi nakita at nayakap.




"Tito Tita, pwede kopo ba makausap si Jhoanna? Gusto kolang po magpaliwanag." Saad ko.



Napatingin naman sakin ngayon si Jhoanna.



Tito: "Maiwan na muna namin kayo." Ngumiti na lamang ako bilang sagot.



"Babi sor......" Nagtaas siya na kamay kaya napahinto ako sa pag sasalita.



Jhoanna: "I'm sorry love, sorry kung hindi ako nakinig sa paliwanag mo." Takang taka akong nakatingin sakanya.



"Babi ako dapat ang nag sosorry at nasaktan kita patawarin moko, hindi ko talaga alam yung nangyari nung gabi nayon." Bababa sana ako mula sa bed ng pigilan niya ako at siya ang lumapit sakin.



Kinuha kona ang pagkakataon na iyon para yakapin siya ng mahigpit naramdaman kona din ang pag iyak niya kaya tumulo nadin ang luha ko dahil ayaw na ayaw ko talagang nakikita siyang umiiyak.



Jhoanna: "So.....sorry love, nagpadala ko sa galit ko hindi ako nag tiwala sayo na hindi mo talaga kayang gawin sakin yon." Kumalas na ito sa pagkakayakap sakin.



Jhoanna: "Sorry sa mga masasakit na salitang nasabi ko sayo, pinag halong sakit at galit ang nararamdaman ko non kaya kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig ko." Tugon pa niya.



"Babi naiintindahan kita, naiintindahan ko kung bakit nasasabi mo yung ganon dahil nasaktan kita kaya ako dapat ang manghingi ng sorry." Saad ko sabay punas ng luha sa mga mata niya.



"Nag punta ako kila Maxine after nung huling pag uusap natin, wa...wala talagang nangyari samin babi." Tumango tango siya habang hawak kopa din ang magkabilang pisngi niya.



Jhoanna: "Alam ko, alam ko sinabi niya sa amin nila ate Maloi." Medyo nanlaki pa ang mata ko sa sinabi niya.


May natitira pa palang konsensya si Maxine sa katawan niya.



"Kaya ba nag sosorry ka?" Tumango siya.



"Wala kang kasalanan babi, mabuti nayon at nalaman natin ang totoo dahil alam ko sa sarili ko na hindi talaga kita niloko. Sobrang sakit lang talaga saking makita ka na nahihirapan na ako mismong ang dahilan, parang dinudurog ang puso ko nung mga nakaraang araw, nung time na nagkausap tayo don talaga ako sakanila dumiretsyo mas gugustuhin kopang patayin nila ko kesa pakisamahan ko si Maxine." Mahabang saad kopa.



Patuloy padin ang pag iyak niya kaya hinalikan ko siya sa noo at niyakap ulit ng mahigpit.



Kahit na sinabi ni Maxine ang totoo ay hindi kopa din siya mapapatawad dahil malaking epekto kay Jhoanna ang nangyari, ayaw ko siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan.



Para din sa katahimikan ng isip ni Jhoanna ay kakausapin ko ang chief namin para magpalipat na ng ibang presinto dahil kung araw araw kong makikita si Maxine don baka umabot pa ako sa punto na ako pa mismo ang bumaril sakanya.



Hindi biro ang ginawa niya sa totoo lang paano nalang kung wala talagang konsensyang natitira sa katawan yon paniguradong ipag pipilitan niya na matali ako sakanya baka magtulong pa sila ni General kung nangyari yon mas gugustuhin kopa talagang mamamatay kaysa pakisamahan ang taong hindi ko naman mahal, at kung nangyari yon lalo akong kakamuhian ni Jhoanna at ng magulang niya yon ang hindi ko kaya, hindi ko yon matatangap kahit sino naman pag mahal mo ang isang tao ganon ang magiging pakiramdam mo pag ayaw sayo.











____________________2017
Author note: Pasensya na guy's medyo sabaw na, broken ang author🥹🥹

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon