KABANATA LXXVI

300 17 6
                                    

Jhoanna' Pov






Ang bilis lumipas ng araw hindi ko na namalayan na tatlong taon na pala ang lumilipas ng mangyari yung pinaka masakit na sitwasyon sa buhay ko. Tatlong taon na pero hirap padin akong umusad naniniwala padin akong nananaginip lang ako.



Parang araw araw padin akong tinutusok sa dibdib pag naaalala ko.



Hindi kana ba talaga babalik Colet?




Inayos kona ang mga gamit ko sa table  kakatapos lang ng meeting namin wala nga din akong gaanong naintindahan sa mga pinag usapan sa dami ng iniisip ko. Ako na mismo ang nakiusap kila Daddy na babalik nako sa pag handle ng kompanya kailangan ko din ng mapagtutuunan ng pansin para hindi kona masyadong isipin yung mga nakaraan para din kahit papano makausad na, about don sa kambal si Manang Loren ang nagbabantay pag nasa school bumalik nadin kami sa bahay namin isa yon sa iniwan samin ni Colet kaya hindi ko iyon iiwan, medyo nahihirapan nadin akong magpaliwanag sa kambal dahil hinahanap na talaga nila si Colet pero wala akong magawa sino namang Colet ang ihaharap ko sakanila.




Ayokong magmahal ng iba, si Colet lang ang gusto ko kung hindi si Colet wag nalang.




Wala sa sarili akong lumabas ng opisina dire diretsyo papuntang elevator, ganito lang naman talaga ang gawain ko after ng trabaho ay agad na akong umuuwi need kona ng energy galing sa kambal.




Nang matanaw ko sa parking lot si Mang Albert ay agad kona itong nilapitan hindi nadin kase ako nagdadrive madalas dahil nadin sa trauma about sa nangyari kay Colet sinusunod kopa din yung bilin niya sa akin non na wag akong magdrive na magisa lang kaya ito palagi akong hinahatid at sinusundo ni Mang Albert.




Mang Albert: "Anak tin, may nagpapabigay hindi ko binuksan baka importante yan eh." Abot nito sakin ng maliit na envelope.



"Sino po ang nagbigay nito?"



Mang Albert: "Hindi ko kilala tin eh pero kilala ka niya."



"Colet?" Wala sa sariling saad ko ng makita ko ang nasa loob ng envelope.




Mga litrato ni Colet, sa airport itong kuha na ito hindi ako nagkakamali.




Para akong binuhusan ngayon ng malamig na tubig, hindi ito si Colet, wala na si Colet matagal na kitang kita ng dalawang mata ko nung inilibing namin siya, kaya panong merong ganito?



Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bag para tawagan si Mikha, diko pa naidadail ang number ay tumawag na ito sa akin kaya agad kong sinagot.




Mikha: "Hello Jho? May nagpadala ba sayo ng mga pictures?" Agad na sambit niya ng sagutin ko ang tawag.



"Meron, tatawagan sana kita about don. Hindi ako naniniwala, matagal ng patay si Colet." Sagot ko.



Mikha: "Baka pinagtitripan lang tayo nito, kase napaka imposible kita natin lahat lahat na inilibing si Colet panong mabubuhay."




Parehas lang kami ng iniisip ni Mikha sino bang hindi kikilabutan kita sa picture na buhay na buhay si Colet.




Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung tuwa ba ito o kaba parang ang bigat din kase ng pakiramdam ko ngayon.





"Maniniwala lang ako pag nakita ng
dalawang mata ko."




Mikha: "Yon din ang nasa isip namin ni Jared ngayon, maniniwala lang kami pag nakita namin mismo si Colet. Sige na Jho, pasensya na sa abala."





"Okay lang yon, ingat." Saka ko pinatay ang tawag.




Titig na titig lamang ako sa limang litrato na hawak ko ngayon, wala namang kakambal si Colet kaya napaka imposible. Nilagay kona ulit ang mga litrato sa envelope saka ko inilagay sa aking bag, ginugulo lang nito ang isip ko.





Joey: "Mommyyyyy!!!!" Sigaw nito ng makita ako nagmamadali ito tumakbo papunta sakin saka ako mahigpit na niyakap.





Nakakawala talaga ng pagod, nakakagaan ng pakiramdam.




Sweet kase itong isang to kahit 7 years old na palagi pading nagpapa baby unlike Riley na pag nakita ako yayakap lang tas babalik na sa ginagawa niya hindi naman sa ayaw niya sakin or what ganon talaga siya ramdam ko naman na mahal niya ako diba nakwento ko sainyo para siyang si Colet tahimik lang parang isang malamig na tao, may time naman na naglalambing siya bago kami matulog Colet na Colet kung maglambing.







"Hi aking Joey, nasaan po si Riley?" Saad ko habang nakayakap sakanya.




Joey: "Nasa kwarto po, nagbabasa po ng books." Agad na sagot nito ng humiwalay sa pagkakayakap sakin.




"Puntahan lang saglit ni Mommy, sige na manuod kana muna dyan."




"Okay po mommy." Nakangiting sagot nito at bumalik na sa sala para manuod.



Ako ay nagpunta na sa kwarto para kamustahin si Riley, dahan dahan kong binuksan ang pinto saka ito sinilip wala naman itong hawak na libro pero kahit nakatalikod halata itong may tinitingnan, hindi nito namalayan na nakapasok na ako ng kwarto at dahan dahang lumapit para makita kung ano ang tinitingnan niya.



Kusa akong napahinto ng makita kong picture ni Colet ang tinititigan nito, bigla akong nakaramdam ng lungkot hindi ko alam kung paano sakanila sasabihin yung totoo, kita kopang nagpunas ng luha si Riley kaya agad ko siyang niyakap medyo nagulat pa nga itong tumingin sakin.






Riley: "Mommy? Is it true po na Dada is dead?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang tanong niya.




Nagkakaisip nadin kase sila may mga bagay nadin na naiintindahan tulad nating mga matatanda kaya nalungkot ako na marinig sakanya iyon masasaktan sila if ever na sabihin ko ang totoo pero hanggang kailan koba maitatago? Kase dadating din naman ang araw na mas lalo nilang maiintindihan ang lahat.




"Riley baby, sino nagsabi nyan sayo?"




Riley: "Mama po ng classmate namin ni Joey, she told me na Dada is dead po na hindi na daw po siya babalik." Kita ko ang pagbagsak ng luha niya mula sa mata kaya parang tinutusok ang puso ko.




"Soon baby, maiintindihan mo din lahat okay? Don't cry na, iiyak din si Mommy sige ka."




Riley: "I miss Dada na mommy, can you please tell Dada na bumalik na siya dito?" Humihikbing saad nito.




"Yes baby, sasabihin ko sakanya. Kaya tahan na okay?" Tumango tango naman ito kaya mahigpit kong niyakap.




Kailangan kong pumunta agad sa school nila Riley bukas para makausap kung sino yung nagsabi dahil hindi maganda ang ginawa niya alam kong dadating ang araw na malalaman din nung kambal pero gusto ko manggagaling sakin at hindi sa ibang tao.




Napahinga na lamang ako ng malalim ng maibaba ko sa kama si Riley nakatulog kase habang yakap yakap ko, bago iwan ay hinalikan kona muna ito sa noo.



Soon baby, maiintindihan mo din kung bakit nagsisinungaling ako sainyo, ayoko lang talaga maramdaman niyo yung bigat at sakit na naramdaman ko.














____________________2017

Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon