LOIS POV
Bukas na ang pinakamalaking event na pinakahihintay ng lahat. Marami ang excited para sa 'kin pero kabaliktaran non ang nararamdaman ko. Kung pwede nga lang maglaho para matigil na 'tong kabaliwan ni mommy ay ginawa ko na.
"Prinsesa!" may kung sinong sumisigaw sa labas pero hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag. Dededmahin ko na lang sana 'yon kung hindi lang ako nakarinig ng magkakasunod na bato mula sa bintana.
"Sino ba kasi 'yan?" Naiirita kong binuksan ang bintana para hanapin ang may gawa ng pagbato ngunit wala naman akong nakita, kaya sinarado ko na lang uli ang bintana at pinilit mag-pockus sa ibang bagay ngunit pagtingin ko sa tapat ng malaking salamin ay mukha ni Garry ang biglang nag-reflect.
"A-ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko. "Paano ka nakapasok?"
Napa-ismid naman siya. "Puro lang kasi tsimisan 'yong mga katulong at guwardya na nasa ibaba kaya naging madali para sa 'kin ang malusutan sila."
"I see," napabuntong-hininga nalamang ako. "Then, what are you doing here? 'Di ba nasa restaurant ka dapat?"
"A, e, day off ko ngayon."
"So, ano ngang ginagawa mo rito?" pag-uulit ko sa tanong.
"Tara, labas tayo. Treat ko!"
"Are you asking me to be out on a date?" halos manlaki na lamang ang mga mata ko sa sinabi niya.
"H-hindi naman 'yon as in date, gagala lang tayo." Wari'y napakamot pa siya sa ulo. "Sahod ko kasi kahapon, kaya alam mo na."
"Ahhh," napatango ako. "Ok! Hintayin mo na lang ako sa ibaba. Magbibihis lang ako at magpapa-alam kay lola."
"Sus! 'Wag na! Paniguradong hindi ka papayagan non. Mabilis lang naman tayo kaya hindi nila malalamang nakalabas ka."
"P-pero kasi," hindi ko na naituloy ang mga sasabihin dahil nakarinig ako ng magkakasunod na pagkatok mula sa pintuan.
"Lois, buksan mo 'to."
"It's mom!" naibulalas ko na lamang kaya mabilis na dumaloy ang takot sa 'king mga ugat. "OMG! Hindi pwedeng malaman ni mommy na nagpapasok ako ng lalake sa kwarto ko! Dali magtago ka!" baling ko naman kay Garry saka tarantang humanap nang mapagtataguan niya.
"P-pero saan?" maging siya ay nataranta rin.
"Kahit saan, basta magtago ka na lang!" wari'y binuksan ko ang malaking closet kung saan siya hinatak papasok. "You better stay here."
"Baka naman ma-sophocate ako rito." maktol pa niya.
"Hindi 'yan! Basta huwag ka nalang mag-ingay!"
"Lois, buksan mo 'to."
"Sige na." nasabi ko na lamang kay Garry saka isinarado ang pinto sa closet. Sunod ay mabilis akong humakbang papunta sa pintuan para pagbuksan ng pinto si mommy.
"What took you so long?" bungad naman nito.
"I just came at the toilet. You know, call of nature." pagdadahilan ko. "Bakit ka po ba narito?" sabi ko pa na tila ayaw manlang ito papasukin sa loob.
"Let's talk."
"C' mon mom, kung tungkol lang po ito sa pamimilit mo sa 'kin na ikasal kay Jerryme Ferrari, mabuti po pa umalis ka na lang dahil hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya," pagkasabi'y umakto ako sa pagsasarado ng pinto pero mabilis itong humarang.
"It doesn't matter kung pumayag ka man o hindi dahil sa huli ay ako pa rin ang magdedesisyon para sa 'yo. Tandaan mong hindi ka pa pinapanganak, naka-plano na ang future mo. Kaya magpasalamat ka na lang na mayroong dugong Watsons at Mc Bridge na dumadaloy sa ugat mo."
"Kung ganon, utang na loob ko pa pala 'yon."
"I don't really think so," wari'y ngumiti pa ito na tila nang-aasar. "For now, ang kailangan mo lang gawin ay um-attend sa party at ngumiti sa harap ng marami. Most importantly, huwag na huwag kang mawawala bukas." pagkasabi'y yumakap ito sa 'kin at dahan-dahan akong tinapik sa balikat. "Advance happy birthday, anak."
Hindi ko alam kung paano dapat mag-react sa ginawa at sinabi nito. Basta natulala na lamang ako hanggang sa namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"M-mommy." nasambit ko na lamang habang pinagmamasdan ang paglayo nito.
"Sasama ka parin ba sa 'kin?" narinig ko namang tanong ni Garry.
Kahit nakatalikod ako sa kanya ay alam kong nasa labas na siya ng closet at makahulugang nakatingin sa 'kin. Kaya naman pinahid ko muna ang mga natuyong luha sa pisngi para hindi niya mahalata ang pag-iyak ko saka siya hinarap nang nakangiti. "Kahit saan," nasabi ko na lamang.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...