Invitation

27 5 0
                                    

GARRY POV

Kung mamalasin nga naman, nakasabay ko pa 'to!

Bulong ko sa sarili nang madatnang nakasandal sa pintuan ng Locker Room si Neightan Kalle na mukhang mayroong hinihintay. Kaya para maiwasan siya'y dumiretso nalamang ako sa locker ko para kunin ang P.E uniform at nagkunwaring hindi siya nakita subalit paglagpas sa kinatatayuan niya'y bigla siyang nagsalita.

"Gusto kita."

"H-ha?" Halos magulat magulat naman ako sa sinabi niya. "A-ako ba ang kinakausap mo?" Gusto kong makasigurado dahil kaming dalawa lang naman ang nasa Locker Room.

"Kitang-kita ko kung paano mo napaatras ang anim na bodyguard ni tita Louisa. Malakas ka naman pala. Bakit hinahayaan mo lang na bugbog-bugbugin ka ni Joe?" Giit pa niya.

"Sorry, hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Pagdadahilan ko.

"Bibigyan kita ng offer." Pagkasabi'y umayos siya nang pagkakatayo at nagsimulang humakbang papalapit sa 'kin.

Gusto ko sana basahin ang nasa isip niya kaso hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga mata niya dahil sa takot na kung anong senaryo na naman ang lumabas sa lens ng salamin ko. Mabuti sana kung palaging nandyan si Agent Samson para iligtas ako.

Ang hirap rin pala magkaroon ng telekinesis power!

"Sumali ka sa 'min." Ipinagpatuloy lamang niya ang paglalakad at nang makalapit ay mabilis niyang hinablot ang salamin sa 'king mata.

"Huwag 'yan!" Sinubukan kong kunin ang salamin pero di hamak na mas matangkad siya kumpara sa 'kin kaya para lamang ako nakikipag-agawan sa poste.

"Hindi naman malabo ang mga mata mo pero kailangan mo paring magsuot ng ganito." Tinitigan niyang maigi ang hawak na salamin. "At kailan ka pa nagkaroon ng connection sa Apple Corporation?"

"Neightan Kalle, please ibalik mo sa 'kin 'yan." Susubukan ko siyang daanin sa pagmamakaawa.

Pero ningitian niya lang ako. Ngiti na nang-aasar. Umakto siyang ihahagis ang salamin kaya dulot ng tensyon ay mabilis kong narating ang kinatatayuan niya at nanggagalaiti siyang kinaladkad papunta sa pader habang hawak sa magkabilang kwelyo.

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, ha?" Nanlilisik ang mga tingin ko sa kanya. Hindi ko halos mabasa ang tumatakbo sa isip niya.

"Sinasabi ko na nga ba." Tanging nasabi niya saka malakas na tinapik ang mga kamay ko na naging dahilan para lumuwag ang pagkakahawak sa kwelyo niya. "Sino ka ba talaga?"

"A-ako?" Para akong hini-hipnotise sa mga tingin niyang iyon. Gusto ko siyang suntukin pero hindi ko magawa. Kaagad din namang  nawala ang tensyon nang makarinig kami ng magkakasunod na hakbang papalapit sa'min.

"C'mon, man! What's happening here?" Gulat na reaksyon ni Brayan pagkakita sa 'min. Sunod na dumating sina Clarck, Samarra, Rick Lee, Kentaki at princess— Lois.

"OMG! Are you guys fighting?" Tanong ni Sammara.

Ngunit sa halip na sumagot ay mabilis na dumistansya sa 'kin si Neightan. "Catch this, man!" Pagkasabi'y hinagis niya ang salamin sa direksyon ni Brayan.

Mabuti nalamang nasalo nito. "Thanks, man!" Sabi nito saka sinuot ang salamin. "Tamang-tama kasya sa 'kin!"

Nang-aasar namang tumingin sa 'kin si Neightan.

"Bakit ba?!"

"Lumapit ka lang sa 'kin kapag handa ka ng magpakilala." Bahagya pa niyang nilapit ang bibig sa tainga ko. "Ako mismo ang magpapa-welcome party para sa 'yo."

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon