LOIS POV
"Thanks." Pagkasabi'y dinampian ko siya ng mabilis na halik sa kanang pisngi.
Natulala naman siya pagkatapos.
"Lois, bakit mo ginawa 'yon?" Halos manlaki naman ang mga mata ni Maureen. "Paano kung may makakita sa inyo?"
"What's the matter? It's my way of saying thank you, e." Pagdadahilan ko pa habang pinupulupot sa daliri ang mga kulot na hibla ng buhok. "Besides, wala namang tao."
"Lokaret ka talaga! Anong tawag mo sa CCTV na 'yan?" Baling nito sa nakakabit na camera sa kanto ng pintuan kung saan namin kinatagpo si Garry. Kasalukuyan kaming nasa fire exit. "Paano kung i-screen shot ng CCTV operator yung kissing scene ninyo at i-post sa social media? Isipin mo nalang ang magiging kasiraan ng reputation mo!"
Napahalakhak nalamang ako sa sinabi nito.
"P-para saan ba ang pagpapasalamat mo?" Sabat naman ni Garry. Nakatulala parin siya at hawak ang pisngi kung saan ko hinalikan. "K-kailangan mo pa ba talagang gawin 'yon?"
"Well, it's my special way of saying thank you for being always here. Aside from that, bibigyan na rin kita ng increase sa sahod mo ngayong darating na katapusan kaya mas dapat mong pag-igihan ang pagbabantay sa 'kin kung ayaw mong ma-fire out."
"Ang creepy naman nun." Napakagat-labi nalamang si Maureen.
"And, I also want to give this back to you." Duktong ko pa sa naudlot na sentences saka nilahad sa harap niya ang eyeglasses mula sa bulsa ng palda ko. "Ako na ang bumawi kay Neightan, para sa 'yo."
"P-prinsesa,"
"Tanggapin mo na." Nakangiti ko pa iyong inabot sa kamay niya. "Huwag mo nang ipapa-agaw sa iba, huh."
Kasalukuyang recess nang hatakin ko si Maureen sa fire exit kung saan nakitang nag-iisa si Garry. Doon nga'y nagkaroon ako ng pagkakataon para makapag-pasalamat sa pagligtas na ginawa sa 'kin sa mall show at para maibalik ang eyeglasses na inagaw ni Neightan. Ang totoo'y hindi ako basta-basta nakikipag-halikan sa kahit na sino, kahit pa kilala kaming mga British sa pagiging liberated. It's just that, very thankful lang talaga ako sa ginawa ni Garry. Mabuti nalamang talaga, palihim ko syang in-invite sa mall show. Sayang nga lang dahil hindi pa 'ko na-comatose sa hospital, kung nagkataon kasi ay hindi ko na sana kakailanganin pang gumising araw-araw at magmaka-awa sa konteng atensyon ni mommy. Nakakasawa na rin kasi ang maging tau-tauhan nito. Kung pwede nga lang pumili ng magiging magulang ay hinding-hindi ko ito pipiliin.
"Lois, si Kentaki, oh!" Bulong naman ni Maureen na wari'y napahinto nang paghakbang papasok sa classroom.
Ito ang umagaw sa 'king atensyon. "It's your turn para maka-the moves. Lapitan mo na habang nagse-senti sya mag-isa." Kantyaw ko namam sa kanya.
"Lois, crush mo rin naman sya. Kung ikaw kaya ang lumapit?"
"Excuse me, hindi ko sya type! Saka wala akong alam sa japanese." Daing ko naman na sobrang nagpantig ang tainga sa suggestion niya.
"Paano pa 'ko? English pa nga lang hirap na hirap na ko, paano pa ang mag-japanese?"
"Keri na 'yan!" Pagkasabi'y buong lakas ko siyang itinulak papunta kay Kentaki.
"A-e, ohayou gozaimasu." Sabi pa niya at wari'y hinihintay ang magiging sagot ni Kentaki.
"Go, Maureen. Kaya mo 'yan!" Sigaw ko mula sa backdoor bilang moral support. Sinubukan ko rin syang bigyan ng matamis na ngiti.
Napatango naman si Maureen. Sunod ay nag-hand gestures muna siya bago ibinalik ang tingin kay Kentaki. "Watashi-wa anata no goto-ga, daisuke desu. Yamamoto-san."
I love you? Ano 'yon? Bakit s'ya nag-I love you kaagad? Alam kaya niya ang meaning ng mga sinabi nya? Napa-sapok nalamang ako sa ulo matapos marinig ang mga iyon.
"Sa susunod, huwag na huwag mong babanggitin ang salitang Yamamoto sa harap ko." Usal naman ni Kentaki. Nagkukuyom ang kamao nito na tila gustong maka-suntok. Blangko-blangko ang facial expresion matapos bitawan ang mga salitang 'yon.
Natulala nalamang si Maureen sa hindi malamang isasagot. Kaya lumapit ako upang tapusin ang intensity ng pangyayari. Subalit nang makalapit ako ay bigla namang humakbang papalayo sa 'min si Kentaki.
"Kahit kailan, bitter parin sya sa pangangaliwa ng daddy nya!" Nasabi ko nalamang. Sinadya kong iparinig 'yon bago ito tuluyang humakbang papalabas ng classroom. "Hay, naku!"
Aware naman ako na sensitive ang feelings ni Kentaki kapag si Engr. Kentarou Yamamoto na ang involved, ang mahirap lang i-consider ay ang pagiging insensitive nito pagdating sa feelings ng iba. Natural na kasi dito ang pagiging snober, pero para maging over reacting at forever bitter from the past ay hindi na yata normal.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...