Mysterious type

27 6 0
                                    

NEIGHTAN KALLE POV

"Ano ba plano mo sa salaming 'to?" Nagtatakang tanong ni Brayan habang masuri iyong tinititigan. Narito kami ngayon sa Blue Mountains, Antipolo at mula rito ay matatanaw ang kabuuan ng syudad. Dito kami nagpapalipas ng oras sa halip na um-attend sa assembly.

"Wala. Plano ko lang mang-inis." Sagot ko saka binuga ang usok ng sigarilyo. Nakasandal ako sa 'king motor na bakas ng putik ang gulong.

"Ayos ka rin talaga 'no!" Sabat naman ni Joe. Sumulpot ito mula sa compartment ng Pajero para kunin ang supot ng beer in can. Kinuha ko ang isa ro'n at tinungga. "But honestly, I felt something different from that jerk!" Sabi pa nito.

"O talaga? Ano naman 'yon?" Interesadong tanong ni Brayan at bahagya siyang umayos nang pagkakasandal sa Porsche.

"It happened yesterday in the classroom." Pasimula ni Joe "Napagkainteresan ko 'yong pesteng ballpen nya at nang gagamitin ko na, bigla ba naman sumirit 'yong tinta! Tang ina! Balde-baldeng supply ng tinta ang lumabas! Gagong lalake rin yon, e!"

"Balde-baldeng tinta?" Paglilinaw ko.

"Oo, Dre!" Pagkasabi non ay tinungga nito ang hawak na inumin. "As in, bumaha ng tinta sa buong classroom!"

"Paano naman nangyari 'yon?" Pagtataka ni Brayan.

"Exactly! Paano nakapaglabas ng balde-baldeng tinta ang pesteng ballpen na 'yon?" Muli nitong tinungga ang inumin.

Umihip naman ako ng sigarilyo.

"Pero yung totoo Neightan, may plano ka ba talagang isali sa fraternity ang lampayatot na 'yon?"

"Tang ina! Kung sasali 'yon magku-quit nalang ako!"

Hinayaan ko lamang silang magsalita habang patuloy ako sa pagbuga ng mga usok ng sigarilyo, naghuhugis bilog ang mga usok na 'yon.

"Pero ang mas nakapagtataka, paano kami naging magkaklase sa Section 2 kung dapat ay nasa Section 4 siya kasama ang mga kagaya n'yang scholar? Imagine-nin nyo 'to mga dre, ang Section 1 ay para sa successors ng malalaking korporasyon. Ang section 2 naman ay para sa mga anak ng politician. Samantalang ang Section 3 ay para sa mga newborn rich or middle class. At ang section 4 ay para sa mga trying hard na scholar ng bayan! Kaya paano nangyari 'yon?"

"Ano ka ba naman Joe, si Mayor Tiamzon ang backer n'yan! Imposible pa ba 'yon?" Giit ni Brayan. "Kung sina Chloe at Rick Lee nga may free-will pumili ng section!" Pagkasabi ay pinaikot-ikot nito sa daliri ang salamin.

"Fuck that mysterious, Man!" Dumura naman si Joe.

Napangiti ako. "Paano kung gawin ko nga 'yon?" Pagbabalik ko pa sa naunang topic.

Napatingin sila sa 'kin. "NABABALIW KA NA BA?!?" Magkasabay nilang sabi —medyo nauna nga lang si Brayan.

Napaismid muna ako bilang sagot saka umakto nang pagsakay sa motor. Sinuot ko ang pulang helmet.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Brayan.

"Maghahanap ng babae."

Mabilis namang sumakay sa sariling Pajero si Joe. "That's the greater idea!" Sabi pa nito.

"C'mon man! We still have time, cutting classes again?"

"Then, go to hell!" Pagtatapos ni Joe bago tuluyang pinaarangkada ang Pajero.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon