The Bullies

42 6 0
                                    

GARRY POV

Mahigit isang buwan narin ang lumipas magmula ng maging usap-usapan ang pagbabanggaan nina Neightan at Kentaki. Umabot pa nga iyon magpahanggang sa dyaryo, social media at naging blind item sa bawat talk shows —palibhasa'y pareho silang successor ng top 10 Major Corporation kaya ganon nalang din katinik ang mata ng publiko sa kanila. Si Kentaki ay ang panganay na anak ni Agent Samson sa isang sikat na engineer. Wala itong alam sa koneksyon namin ng mommy nito. Bahala na, magkabistuhan man kami, paunahan nalang sa paghahanap ng 10 Billion.

Ngayon nga'y kasalukuyan akong naglalakad sa mahabang sidewalk ng Camp Bridge papunta sa building ng mga First Year. Palibhasa puro mayayaman ang mga nakakasabay ko kaya halos karamihan ay nakasakay sa kani-kanilang humaharurot na sasakyan. Kung mamalasin nga'y napagti-trip-pan pa akong bugahan ng mausok na tambutso o di kaya'y businahan ng napakalakas. Samantalang isa sa naka-agaw sa 'king pansin ay ang mga nakasuot ng Anime Costume sa gitna ng Sunken garden. Maingay na nagme-Meeting De Avance ang mga ito kung saan pinangungunahan ng nagngangalang Maureen Lincoln —ang succesor ng Metrobank, pero mas kilala siya bilang International Cosplayer. Palibahasa'y nasa section 1 kaya malakas ang loob niya para magtatag ng sariling organization. Ang OTAKU.

"Kuya, sali ka sa org. namin." Paanyaya pa niya pagkalapit sa 'kin saka ako inabutan ng flier.

Hindi ko naman naiwasang mabighani sa presensya niya. Paano'y nakalabas ang pusod at cleavage niya sa suot na purple crop top at mini shorts na tinernuhan ng boots. Nakapusod pa ang napakahaba niyang kulay dilaw na wig kaya mas lalong lumitaw ang ganda. Sa pagkaka-alala ko pa nga'y iyon ang costume ni Ino Yamanaka sa Naruto Shippudden.

"Sige na kuya. Sumali ka na." Pag-uulit pa niya na nagpabalik sa 'kin sa katinuan.

"Maureen dear, wag mo ngang kinakausap ang trying hard na tulad nyan!" Sabat naman ni Eya. Kulay pink ang buhok nito na parang si Card Captor Sakura ang ginagaya. Kaklase ko nga pala ito at kabilang sa mga bratinella'ng bumu-bully sa 'kin. "Don't you know the bacteria'ng dala nyan."

"Napaka-judgemental mo naman girl." Wari'y tinapik ito ni Maureen sa balikat. "Wag ka ngang over reacting." Sunod ay binaling niya ang tingin sa 'kin at binasa ang pangalan sa nameplate ko. "It's nice to meet you Garry. I'm Maureen. At welcome ka sa OTAKU!"

Napangiti ako sa sinabi niya. Samantalang halos pandilatan naman ako ng mata ng mga kasama niya sa OTAKU.

"ALIS KAYO DYANNNNNNNN!" Hiyaw naman ng kung sino mula sa kung saan. Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses at laking-gulat na galing iyon sa langit. Isang lalaki na sakay ng Parasuit ang nawalan ng balance sa paglipad ang pabagsak sa kinatatayuan namin.

"OMG!"

"It's flying."

"It's a bird."

"It's —"

Tuluyan na ngang bumagsak sa Sunken garden ang lalakeng sakay ng Parasuit. Sa nangyaring iyon ay halos wala na kaming makita dahil napuno ng alikabok ang buong kapaligiran.

"HOY LEE, PLANO MO BANG MAGPAKAMATAY?" Nakakunot-noong tanong ni Maureen saka hinawakan sa kwelyo ang school uniform ng bumagsak na lalake. "Kung magpapakamatay ka, p'wes 'wag mo kaming idamay!" Halos manggalaiti pa siya sa galit sa akto ng sunod-sunod na pagsapok sa ulo nito.

Parang kasasabi lang niya kanina na huwag maging over reacting, siya naman 'tong nagiging over reacting ngayon. Nakakatakot, ha.

"Master Rick Lee, ok ka lang ba?" Pag-aalala naman ng bodyguard mula sa lumapag na Helicopter. Sumunod din dito ang Medical Team na may dalang stretcher at first aid kit.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon