Preparation for Halloween

22 7 0
                                    

SAMMARA KELLY POV

It's been 3 days, magmula nang ma-receive ko ang letter ni Clarck, pero sa nakalipas na 3 days ay never naming napag-usapan ang bagay na 'yon. Basta lamang dumaan ang sabado't linggo na hindi namin ki-nontact ang isa't isa at ngayon nga'y umaakto kami na parang walang mga nangyari. Siguro that's our way of saying na, Hey, it's monday! Let's start our brandnew week together.

Recess time. Narito ako ngayon sa cafeteria kasama sina Clarck at princess Lois. Gaya ng nakasanayan ay pumwesto kami sa gawi ng veranda kung saan matatanaw sa malaking bintana ang kabuuan ng garden sa labas. Para kasi sa 'min ay ito ang pinakamagandang pwesto rito kaya naman maliban sa section 1 ay wala na iba pang nangahas na umupo rito. Hindi naman sa masyado naming tine-take advantage ang pagiging elite pero sadyang gusto lang talaga naming maupo sa pwestong 'to. That's why we claimed it.

"Cous', may susuutin ka na ba para sa Halloween party bukas?" Maya-maya ay tanong sa 'kin ni Lois.

Wari'y napatigil naman ako nang pagsubo sa spaghetti pagka-alalang October 23 na nga pala bukas. "A, e, meron na. Vampire attire. Ikaw?"

"Witchcraft. Excited na nga 'ko e. Ikaw Clarck?" Baling nito sa katabi ko.

"Hindi naman ako ganon ka-excited." Pa-cool pang sagot ni Clarck habang hinihiwa ang steak. "Vampire din yung susuutin ko. Parehas kami ni Samarra."

"Wow, couple lang? Naks! Lakas maka-Twilight!" Kantyaw ng kung sino mula sa likuran kaya naman sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon niya.

"Maureen!"

"Hello, there, Happy Halloween!" Bati niya saka lumapit sa table namin. "I'm so glad na more than willing kayo maki-cooperate sa event na io-organize ng org. ko. Keep up the good work guys!"

"Syempre naman kami pa ba papahuli sa party?" Giit ni Lois. "Don't tell me, 'yang Dracula outfit na 'yan ang susuotin mo sa event? In fairness, hindi ka rin excited!"

"Off course not!" Mabilis na tanggi niya. "Pre-nup wear ko 'to!" Sabay emphasize sa suot na kappa, boots and dress all in black and red combination. Idagdag pa ang prosthetic sa mukha such as purple lipstic, seductive eye lashes, sungay, pangil at buntot. "You know naman, pagdating sa wardrobe, hindi ako magpapahuli!"

"Ikaw na talaga ang international cosplayer!" Komento ko.

"So ano nga'ng costume mo para bukas?" Pagbabalik ni Lois sa naunang tanong.

"Secret."

"Sirit na, ano nga kasi?"

"Fairy."

"Fairy?" Paniniyak ni Clarck sa narinig "Fairy as in the fairest among them all?"

"You got it Clarck!" Giit niya. "Anyway, bakit pala nandito ka pa? Di ba may piano rehearsal ka ngayon?"

"Oo nga pala nakalimutan ko!" Pagkasabi'y bigla itong tumayo sa inuupuan "I'm sorry girls, may rehearsal pa pala ako –kita-kits nalang sa event bukas." Baling nito sa 'min.

"P-pero Clarck, paano yung quiz natin sa Math mamaya? Sure ka bang hindi mo na a-attend-nan ang mga susunod pang subject dahil sa rehearsal na 'yan?" Sabi ko "Worried lang ako para sa grades mo. Sayang naman kung marami kang mami-miss na lesson." Duktong ko pa.

Hindi naman siguro masama kung maging ganito ako ka-showy sa pag-e-express ng concern ko sa kanya.

"Don't worry, hindi ako magpapabaya sa pag-aaral." Sagot naman ni Clarck na diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Basta behave ka lang. Iwasan mo 'yong mga bagay na alam mong makakasama sa 'yo, ok?"

Napatango nalamang ako.

"O sya, aalis na 'ko. Tatawagan nalang uli kita mamaya."

"Sige, hihintayin ko 'yon. Ingat ka."

Matapos magpaalam ay tuluyan na ngang nawala sa paningin ko si Clarck. Kaya naman muli ko nang ibinalik ang tingin sa mga kasama ko sa table ngunit kakaibang facial expressions ang binigay nila sa 'kin.

"Why so sweet naman?" Giit ni Maureen.

"Grabe, kinakagat na 'ko ng langgam dito!" Dagdag ni Lois.

"Ano ba kayo? It's normal!" Giit ko pa. "Kung career-rin nyo nalang rin kaya ang pagpapa-cute sa mga crush nyo para hindi kami ang palagi ninyong nakikita!" Hindi ko na rin napigilan ang tumawa. "As far as I know, blessing in disguise naman ang pagwawala nung baliw sa tapat ng building ni ninang Celina. So, why don't you guys treat that as a big opportunity, nalang?"

"Edi ikaw na ang love expert!" Maktol ni Lois. "Ang sarap pagtatadtarin nung mga langgam dito— dumadami dahil sa sweetness nyo!"

"Uy princess, huwag mo naman idamay ang mga langgam ---may buhay rin sila!"

"You know what Maureen, why so weird mo ba? Bakit pati lifespan ng langgam bigdeal sa 'yo?" Puna ni Lois. "Kung magpatingin ka na kaya sa Psychiatrist?"

"Excuse me, hindi ako abnormal! I am extraordinary!" Paglilinaw naman ni Maureen. "Bibihira nalang ang tulad ko sa mundo kaya dapat nyo pang ipagpasalamat na nakilala nyo 'ko."

"Well, may point ka rin dyan." Pagsang-ayon ko nalang para baguhin ang namumuong intensity sa pagitan ng dalawa. "Basta ako, masaya ako sa pagiging ako. Mas masarap magpakatotoo." Napangiti nalamang ako. Kahit ang totoo ay kanina ko pa gustong sumunod kay Clarck sa auditorium, para komprontahin.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon