LOIS POV
Matapos akong i-enroll ni mommy sa Camp Bridge ay wala na nga akong nagawa kundi panindigan ang pagiging prinsesa at tagapagmana ng London. Mahigit isang buwan narin akong namamalagi sa headquarters at masasabi kong ok naman ang pakikitungo sa 'kin ni Lola at kagaya nang sinabi ni mommy ay umuwi nga siya rito at magkasama naming pinagsiksikan ang sarili sa buong angkan ng MC Bridge —sa ngalan ng kayamanan. Anyway, section 1 is so boring kasama! Imagine, almost 1 month na kaming magka-klase and yet wala manlang nagtangkang manligaw sa 'kin, duh? Sino ba naman kasing magtatangka e halos kababata ko ang bawat successor ng top 10 Major Corporations? Diba?
"Uy Ken, Sali ka na sa org. namin. Sige na naman, oh." Heto nga't napatingin ako sa pintuan kung saan pilit na inaabot ni Maureen kay Kentaki ang hawak na flier. Kadarating lamang nila sa classroom at kasama pa si Rick Lee. As if namang marinig s'ya ni Kentaki e napakalaki ng headphone na nakasalpak sa tainga nito. Kundi ba naman may pagka-bobita itong si Maureen.
"Push mo yan, girl!" Nasabi ko nalamang saka isinet-up sa tripod ang kulay purple na DSLR, nag-camera testing ako. "Hey guys, say Hi to my camera." Anunsyo ko pa.
"Hello there, I am Rick Lee Tiamzon, the Bad Boy of the Dance Floor!" Lumapit ito at nag-wave ang dalawang kamay sa harap ng camera. "Actually my passion is dancing and I love dancing that much! Dancing is my life." Pagkasabi ay pumosisyon ito at ipinakita ang ilang dance step. Unfortunately, bigla itong na-out of balance at napalakas ang pagkakabagsak sa tiles. "Oh, my!" Napa-snap ito ng daliri.
"What the— uy Lee, buhay ka pa?" May halong pag-aalala sa mga tanong kong iyon. Nilapitan ko ito at inalalayan sa pagtayo. "Ikaw kasi napaka-clumsy mo!" Pagkatayo ay binatuk-batukan ko pa ito.
"Hey Lois, stop it!" Pag-aawat nito sa 'kin habang tinatakpan ng kamay ang sarili. "Don't be too harsh princesssssss." Lumuhod-luhod pa ito habang umaakto sa pagmamaka-awa.
"Cous', have mercy on him." Saad naman ng pinsan kong si Sammara na pumagitna sa 'min ni Rick Lee. Nag-pout ito. "Look, he is so kawawa." Sinubukan pa nitong mag-tagalog. Admitting that, naku-cute-tan talaga ako sa pagta-Tagalog nitong lovable kong pinsan.
"O.K!" Ngumiti ako at binitawan si Lee. Ngingisi-ngisi akong tumingin kay Sammara. "Edi, ikaw nalang!" I declared saka ako bumwelo nang pagdakma sa boobs nito na mabilis rin nitong na-cover gamit ang pinag-cross na mga braso.
Dali-dali itong nagtago sa backdoor. "PERVERT KA LOIS!!!!!!!!"
"Curious lang ako kung totoo 'yan. Sige na papisil." Hinahabol ko parin ito. "Hey Sammara!"
Samantala, bigla namang sumabat si Lee mula sa sinasalampakang tiles. "Somebody, p-please help me." Naghinga-hingaluhan pa ang baklang ito. "I can't... I c-can't breath."
"Ken-san, they're so cute, pretty right?" Saad naman ni Maureen na umupo malapit sa inuupuan ni Kentaki. Pero katulad kanina ay hindi parin nito napapansin ang presence niya dahil narin sa suot na headphone. "Konichiwa Ken-san! I know naririnig mo 'ko. Wag ka ngang magbingi-bingihan. C'mon, Shikkari shitamae!" *Good Afternoon, Wake Up* Wari'y pinagtatapik n'ya ito sa balikat. "Chin up Ken. Look at them. Ba o shirake sasu na." Halos mamilipit pa ang mga dila niya sa pinaghalong English at Japanese. As much as possible, she was trying na maka-get in touch kasi sa crush na ito. *Don't be a joy-killer*
"Go sis, career-rin mo lang ang pagpapa-cute kay Kentaki." Pagtsi-cheer naman ng kapatid nitong si Doreen. Tumayo ito mula sa kinauupuan. "Anyway, I'm going to visit my friends in the other class, muna. Update mo 'ko kung may progress, huh!" Nag-pout pa ito kasabay nang paghangin sa semi-full bangs at straight black na mahabang buhok.
"Sis, tulungan mo na muna ako dito, please." Hinablot ni Maureen ang kamay nito upang pigilan sa pag-alis.
Inayos muna ni Doreen ang suot na reading glasses at nakangiti siyang tinignan. "I'm sorry."
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...