Everything about him

7 4 0
                                    

SAMMARA KELLY POV

Matapos ang nangyaring aksidente sa mall show ni Rick Lee ay mas lalo na nga naging mahigpit ang security na hi-nire ni daddy. Buong akala ko talaga ay masusulit ko na ang high school life na hindi iniinda ang sakit pero, akala ko lang pala. Sabihin na ngang hindi na 'ko nagho-home study pero daig ko naman ang naka-hospital arrest dahil sa mga nurse at bodyguard na nakasunod sa 'kin mapa-loob at labas ng bahay —maging sa comfort room.

Kanina nga'y nakasabay namin sa elevator si Kentaki. Katulad ng dati'y mag-isa uli sya. Ilalabas ko na sana sa bag ang passport niya na matagal ko na gustong isa-uli kung hindi lang siya biglang nagbitaw nang dialogue tungkol sa salitang commitment. Kaya naman sa pagkakataong iyon ay hindi ko uli naibalik ang passport niya na napulot ko sa waiting area ng airport. Sa kabilang banda, kitang-kita ko naman kung paano nawala ang self confidence ni Clarck gawa nang mga sinabi niya. Alam kong tinamaan ito ng sobra pero ang hindi ko lang alam ay mare-realize nga kaya nito ang mga ibig niyang sabihin lalo na't wala naman itong ginagawa para ma-secure ang status namin.

"Guys, magka-cutting classes na naman si Kentaki!" Bungad ni Doreen pagkarating sa classroom. "Mukhang magpapa-ulan rin yata."

Ngayon nga'y nasa classroom na ako. Wala pa ang professor namin kaya naabutan nito ang buong klase na abala sa kaniya-kaniyang daldalan. Kausap ko sina Maureen at Lois samantalang nasa di-kalayuan naman ang mga lalake, naggi-gitara sila kasama si Garry Tolentino.

"Kahit na kailan napaka-masokista talaga ng lalakeng 'yon!" Saad ni Lois. Katabi ko siya sa nakapa-bilog na upuan habang nagka-camera testing kagaya nang nakahiligan. "It's been 15 years, hanggang ngayon ba hindi parin sya nakaka-move on? OA na, huh!"

"Move on for what?" Tanong naman ni Maureen.

"Well, galing kasi sya sa broken family." Pagsisimula ni Lois. Bahagya siyang tumayo para ilagay ang DSLR sa tripod. "The fact is pinagpalit sila ng daddy niya over tita Maricar which his mom's bestfriend pa." Pagkasabi'y pabuntong-hininga siyang bumalik sa upuan.

"Ngayon gets ko na kung bakit nagbabago ang mood niya tuwing tinatawag na Mr. Yamamoto!" Konklusyon ni Maureen.

Pero sa pagkaka-alam ko ay si Ms. Maricar Depensor ang legal wife ni Engr. Kentarou. Kaya kung si Chairwoman Natalya Samson ang mommy ni Kentaki, bakit wala sa profile nito ang ikinasal at nagkaroon ng anak kay Engr. Kentarou Yamamoto? By knowing them as a richest billionaire, for sure namang hindi pahuhuli ang media pagdating sa scoopes na 'yon. Napaka-strange ng family background nila, huh!

"May pag-asa kaya ako kay Kentaki-san?" Asumera namang giit ni Maureen. Inagaw nito ang atensyon ko.

"Alam mo sis, walang masama kung magka-crush ka man sa isang tao." Saad ni Doreen mula sa tabi nito. "Ang masama ay ang magka-crush sa tulad ni Kentaki Samson Yamamoto na successor ng Apple Corporation at currently engaged sa Asia's Kids top model na si Airish DK Forbes Hadjiali !" Halos i-emphasize pa nito ang full name na Airish Dk Forbes Hadjiali .

"Sino naman 'yang Airish kemerut na 'yan?" Tanong ni Rick Lee mula sa kabilang anggulo ng naka-paikot na mga upuan

"Well, siya lang naman ang totoong successor ng mga Forbes. Ang tagapag-mana ng Forbes Group of Corporation at IG Network!" Pagpapakilala ni Lois.

"Really? Ang akala ko, mapupunta sa 'yo ang lahat ng asset ni Tito George?" Komento ni Maureen.

"Well, hindi ako anak ng Forbes. Ko-qouta na 'ko sa yaman kung ganon!" Napa-ismid si Lois. "Anyway, i-secret nalang natin 'yon. Yari ako kay mom kapag may naka-alam na iba." Bulong pa niya. "Baka kasi dumagsa ang death threat sa buhay ni Airish. Mahirap na."

"So, ganon talaga ka-special 'yang si Airish?"

"Super special. Imagine, pati mukha niya wala pang ibang nakakakita. In the first place, muslim kasi sya!" Napapa-iling nalamang siya habang nagpapaliwanag. "We all know about Muslim Culture naman, diba?"

"Paano 'yon? Engaged sila kahit magka-iba ang religion nila?" Pakiki-usyoso naman ni kuya Neightan. "Ang tanong, mahal ba nila ang isa't isa?"

"One sided." Kibit-balikat na sagot ni Lois kaya sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. "I mean, mahal ni Kentaki si Airish pero hanggang friends lang muna ang set up nila. The fact na engaged sila is just a word."

"So, kawawa naman pala si Kentaki, my loves."

"Not really, kasi masaya naman sila sa company ng isa't isa at napaka-sweet ng endearment nila. She used to call him as Ken short for Kentaki. In return, he calls her DK, a second name of the aforementioned subject."

"Ano palang favorite fruit ni Kentaki?" Pag-iiba ni Maureen sa nakaka-umay na topic.

Grabe talaga ang babaeng 'to, kakaiba ma-obsses! Don't tell me pati favorite design ng underwear ay itatanong rin nito. If that was the case, bakit hindi nalang ito mag-hire ng private investigator to know Kentaki more?

"Kahit ano kinakain ng mokong na 'yon— tulad ni Neightan."

"Apples!" Hala, napalakas ba ang pagkakasabi ko? Lahat kasi sila ay magkaka-sabay na napatingin sa 'kin. "He likes Apple— more!" I uttered, kahit na hindi ko alam kung paano makakaalis sa usapang ito.

"Pero, paano mo nasabing Apple, ha, Sammara?" Paglilinaw ni Maureen.

Kung sabihin ko kayang nakapag-check in ako sa unit ni Kentaki. Iyon bang, kaming dalawa lang at nakita ko na rin ang masculine nitong katawan na ang tanging suot lang ay ang boxer shorts? Huwag na, baka mamamatay lang 'to sa inggit! "A, e, logic lang. You know, mommy nya may-ari ng Apple Corporation." Pagdadahilan ko nalamang saka dinaan sa pagtawa.

"Are you sure?" Paninigurado ni Lois at napaka-makahulugan ng mga tingin niya.

"Common sense lang kasi."

"Ikaw ha, may hindi ka naiku-kwento sa 'kin. Cous' ano 'yon, ha?"

"Wala nga. There's nothing. So nevermind nalang, pwede?" I pretend.

Well, way back then, bago pa man makalabas sa bedroom si Kentaki suot ang boxer short na pinatungan ng bathrobe ay nakapaghalungkat na 'ko nang makakain sa kitchen nito. Na-shock nga 'ko kasi puro Fuji apple ang bumungad pagbukas ko ng refrigerator.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon