Attendance

23 6 0
                                    

SAMMARA KELLY POV

Ilang minuto na ang nakalipas mula nang huling tumunog ang bell para sa first subject ngunit magpahanggang ngayon ay hindi parin dumarating ang teacher namin. Kaya naman, naging kapansin-pansin ang napakaraming pagbabago sa loob ng classroom tulad ng kakaibang pananahimik ng masayahing si princess Lois, ang biglaang pagdistansya sa 'kin ni Clarck at ang pagiging proud ni Maureen habang suot-suot ang school uniform— gayong hindi naman lingid sa kaalaman namin ang pagiging mag-on nila ni Kentaki. Samantalang abala naman sa pagkokopyahan ng assignment sina Rick Lee at Doreen. Naroon rin sina kuya Neightan at Brayan na walang ibang inatupag kundi pag-usapan ang tungkol sa mga babae.

"Sorry I'm late." Hinihingal na pumasok sa classroom si Mrs. Katakutan. Naka-pusod ang buhaghag nitong buhok at halos malaglag na ang mga bitbit na libro habang bina-balance ang nakabalikong reading glasses sa mata. Wala ito ni-anumang make up kaya halatang-halata ang napaka-raming wrinkles dulot ng katandaan. Ilang sandali pa'y nakarating ito sa teachers table kung saan inilapag ang mga bitbit at pabagsak-balikat na bumati sa 'min. Matapos non ay nag-proceed na ito sa attendance. "Say present if you're here. Depensor Brayan T.?"

"Always present."

"Lincoln Doreen L.?"

"Present."

"Lincoln Maureen L.?"

"Present po."

"MC Bridge Eloisa W.?"

Walang sumagot.

"MC Bridge Eloisa W.?" Pag-uulit ni ma'am.

"Uy cous', nag-aatendance na!" Bulong ko sa harapan kung saan nakaupo si Lois.

"I said MC Bridge Eloisa W.!"

"Present." Tinatamad na sagot ni Lois. Pagkasabi'y nag-bow siya sa armchair.

"Ortega Clarck S.?"

"Ma'am excuse po sya." Sagot ko.

"Piano rehearsal, again?"

Tumango lamang ako.

"Ok. Tiamzon Rick Lee F.?"

"Super present!"

"Watsons Neigthan Kalle B.?"

"Nandito."

"Watsons Neigthan Kalle B.?"

"Nandito nga sabi."

"Watsons Neigthan Kalle B.?"

"Ok, present na!"

"Watsons Sammara Kelly B.?"

"Present, ma'am."

"Yamamoto Kentaki S.?"

"Hindi po muna makakapasok." Sagot ni Maureen.

"Pero nakita ko s'ya sa hallway kanina?" Nakakunot-noong pagtataka ni ma'am. "Ano 'yon, cutting classes?"

"H-hindi naman po sa ganon. It's just that, he can't make it today."

"One week straight syang um-absent bago nag-sembreak. Then now, first day of the class ay absent uli sya? Mag-aaral pa ba 'yan o ida-drop ko na?"

"Grabe naman si ma'am. Chill lang, papasok rin po sya."

"Naku Ms. Lincoln, pagsabihan mo 'yang boyfriend mo ha! Hindi uubra sa 'kin 'yang pagiging top student n'yan. It doesn't matter kung successor pa sya ng Apple o ng Y Holdings basta ibabagsak ko sya!"

"S-sige po, w-warning-ngan ko sya. Hindi nyo naman po kailangang ipagdiinan ang salitang boyfriend." Namumula pang sabi ni Maureen.

"Uy, si ma'am updated!" Kantyaw naman ni Brayan.

"Enough for that!" Pagche-change topic ni ma'am. Wari'y binuksan nito ang libro "Our lesson for today is about Circulatory system."

"Wow, I love the topic!" Nasabi ko nalamang.

Pagkatapos ng first subject ay sumunod ang Mathematics, na sinundan ng English, ng TLE, ng Filipino at ng Social Studies. Kung para sa iba ay tila isang hell ang classroom pero para sa 'kin ay isa itong room of wisdom. Masarap mag-aral lalo na't fully dedicated ka sa pinag-aaralan mo. Mahirap kasi 'yong present ka nga sa classroom pero 'yong utak mo pagala-gala naman sa daydreaming. Katulad na nga lang nitong mga kasama ko ngayon.

Heto si Maureen na walang ibang bukang-bibig kundi si Kentaki. Samantalang halos mapanisan na ng laway si princess sa sobrang tipid magsalita. Ewan ko nga ba sa dalawang ito.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon