Spoken Poetry

19 7 2
                                    

Sammara,

Huwag mo sana isiping ako'y pa-fall

Dahil ika'y hindi pang-trip lang.

What if's mo'y bibigyang sagot

Sapagkat, hindi mo deserve mag-assume sa wala.

Sasabihin ko sana ito ng personal, kaso palagi ako pinangungunahan nang kaba.

Kung kailan naman, nakahanda na 'ko –saka may aberya.

Hindi ko alam kung pahiwatig ito, na hindi talaga pwede

O, sadyang mapaglaro lamang ang tadhana't tayo ang taya.

Diskarte ko ma'y mabagal

Hayaan mo't ako'y makakahabol.

Darating din ako sa dulo

Kung saan oo mo'y aking premyo.

Tatakbuhin ko mula Eastwood,

Susundan ka maging sa Hollywood.

At kahit sino'y kokontratahin

Basta ikaw lang ay maging akin.

Kuya mo man ang humarang, loob nalama'y tatatagan.

Suntok man nito'y lumapat sa mukha kong pilit kinakapalan,

Pasensya ko nalama'y hahabaan

Ilang ulit man ipagtabuyan.

Huwag mangamba't ipapanalo ko ang laban.

Alay ko sa iyo'y bawat notang sa puso magmumula.

Hindi man masabi nang harapan,

Ipaparamdam nalamang sa gawa.

Sana, sakaling maging handa'y nandyan ka parin.

Sana, pagkarating sa dulo'y ikaw ang sumalubong.

Sana, yakapin mo ng mahigpit at sabihing mahal mo rin.

Maliban sa kaligayahan mo'y wala na 'ko iba pang mahihiling.

Nagmamahal,

Clarck.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon