Preview from the past

32 6 1
                                    

GARRY POV

"Bakit hindi ka lumaban?"

Hinayaan ko nalamang si Chloe sa patuloy na pagsasalita at mas inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng gulo-gulong itsura.

"Hey, Garry! Are you deaf?"

Napatingin ako rito. "K-kanina ka pa ba nagsasalita?" Napakamot ako sa ulo.

"A little." Pagkasabi'y napabuntong-hininga nalamang siya. "Hurry, sabay na tayo mag-recess."

"Mauna ka na. May baon ako rito."

"Mas masarap kung may kasabay. I insisted. No for excuses."

Wala na nga akong nagawa nang hatakin niya ang kamay ko palabas sa classroom. Habang naglalakad kami sa kahabaan ng hallway ay nakasalubong namin ang section 1. Magtatangka sanang lumapit si Chloe subalit ako naman ang humila sa kanya papalayo.

"Hey, lalapitan ko lang 'yong pinsan ko. Bakit mo 'ko hinatak?" Giit ni Chloe nang makalagpas kami sa section 1.

"N-nanliliit ako sa kanila."

"Ikaw talaga! Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Ikaw 'tong judgemental eh. FYI mababait ang section 1." Wariy tinapik nya 'ko at pabirong pinaghahampas sa balikat. "O s'ya, tara na nga sa canteen."

Habang kumakain sa canteen ay masaya kaming nagkukwentuhan. Pansamantala kong hunubad ang eye glasses para maiwasan ang pagbasa sa mga iniisip niya at idinahilan ko nalamang na medyo lumalabo 'yong grado. Um-order sya ng napaka-raming lunch, desert at appetizer para sa 'ming dalawa kaya naman medyo nahiya na akong ilabas ang dala kong baon.

Grabe, ang sasarap ng mga pagkain dito!

"Natural masarap 'yan! Celina ba naman ang caterers ng school eh." Nakangiti n'yang tugon habang pinagmamasdan akong kumain. Pakiramdam ko tuloy nababasa niya ang mga iniisip ko. "Kung di mo lang alam ay super idol ko talaga ang mommy ni Clarck pagdating sa kusina. I really love the way how Tita Celina cooks." Pagkasabi'y tinuon na niya ang atensyon sa kinakain habang nagsasalita. "Ewan ko nga ba sa magpinsang Clarck at Kentaki, hindi manlang magkasundo!"

—And speaking of Clarck, heto nga't kasama nito sa kabilang lamesa si Sammara. Napaka-sweet ng dalawang ito habang kumakain at hindi maika-kaila ang pagtingin para sa isa't isa. Napansin ko rin na hindi lamang ako ang nakatingin sa kanila kundi maging ang iba pang estudyante na kasabay namin kumakain sa canteen. Samantalang mula sa di kalayuan ay naroroon din si Neightan na nagtitiim-bagang habang pinapanood ang dalawa.

"Oh c' mon, nandito pala ang certified trying hard ng Camp Bridge" Biglang sabat ni Cindy. Kasama nito ang buong Bratinellas na huminto sa harap ng lamesa namin.

"My dear Chloe, bakit ka sumasama sa kanya? Hindi ka ba nagwo-worry'ng mahawa sa bacteria'ng dala n'yan?" Duktong pa ni Starlet.

Pinagmasdan ko lang si Chloe at pinakiramdaman sa gagawin niya. Una n'yang ininom ang juice at sunod na kinuha ang table napkin para punasan ang labi. Matapos noon ay nakangiti n'yang hinarap ang mga kaklase namin.

"Don't worry girls, immune na 'ko. So, if you don't mind, would you please excuse us?" Tumindig sya with her poise and with her guts na binangga sa balikat ang nakaharang na si Cindy.

Natulala nalamang ako.

"C'mon Garry, I lost my appetite!"

Dali-dali naman akong sumunod sa kanya at nag-excuse sa iba. Habang naglalakad kami sa daan ay patuloy parin ako sa pagso-sorry sa kanya. "A, e, Chloe, pasensya ka na kanina. Dahil sa 'kin kaya —"

"Don't worry Garry," Biglang sabat niya hindi pa man ako tapos magsalita. Nakangiti syang humarap sa 'kin. "I'm fine." 

Susubukan ko sanang basahin ang nasa isip niya subalit wala nga pala akong suot na Eye Scanner. Naalala kong hinubad ko iyon at inilapag sa table ng canteen. "M-may nakalimutan ako. Chloe, mauna kana. B-balikan ko lang yung, a-ano..." Hindi ko na tinapos ang pagpapaliwanag dahil nagmadali akong tumakbo pabalik. Iniwan ko si Chloe na marahil ay takang-taka. Bahala na. Mamaya nalang ako magpapaliwanag sa kanya. Ang mahalaga ay ang salamin!

"Is this what you are looking?" Giit ni Dra. Louisa. Pero mas tama sabihing ang First Lady ng Forbes, este ang mommy ng prinsesa. Hawak nito ang salamin ko.

"A-e, salamin ko ba 'yan?" Mabilis akong nagpanggap na nanlalabo talaga ang mga mata at hindi gaanong maaninagan ang hawak nito. "Yung plain black na may 2.71 na grado at Apple ang brand?"

"Exactly, it's yours!" Bahagya itong lumapit at inabot ang salamin kaya naman dali-dali ko rin iyong isinuot. "Hindi mo dapat iniiwan kung saan ang ganito ka-importanteng gamit." Giit pa nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ko naman naiwasang tumingin sa mga mata nito. Kulay berde iyon na halos katulad rin ng prinsesa. Makapal ang pagkakalagay ng make up sa mata nito kaya mas lalo ito nagmukhang mapang-mata at mataray. Babawiin ko na sana ang tingin sa labis na panliliit ng tingin sa sarili subalit isang senaryo ang mabilis na lumitaw sa lens ng salamin.

Sa senaryong iyon ay makikita na masaya itong nakikipag-toast of wine sa kaharap na si Dra. Amanda Watsons kung saan galit na galit na ibabalibag ni Agent Samson ang pintuan. Mag-isa niyang haharapin ang dalawa.

"Louisa mag-usap nga tayo!" Giit ni Agent Samson na hindi halos nagpapigil sa security guards na nakasunod at umaawat sa pagpasok niya.

"Long time no see, my dear classmate." Bati naman nito saka siya pinagsalin ng wine sa baso. "Let's cheers!"

"I-cheers mo 'yang mukha mo!" Pagkasabi'y binuhos niya ang wine sa mukha nito.

"How dare you!"

"How dare me talaga! Hoy Louisa, sinabi na sa 'kin ni Marshall 'yang mga plano mo! Binabalaan kita, stay away from my company!"

"You're company huh?! C'mon Natalya, sinumbong din ba sa 'yo ng balimbing mong brother in-law na isa 'yang company'ng pinagmamalaki mo sa mga pumatay sa daddy ko?"

"I know what are you up to Louisa but my company has nothing to do with that."

"How can you say such words where in the first place, we are the victim here?!" Hindi narin nito napigilan ang mapaluha sa mga narinig. "My father died and my brother is on jail because of what you're believing. Now tell me Natalya, napapatulog ka pa ba ng maayos niyang konsensya mo?"

"It doesn't matter." Ismid pa nito. "Anyway, I also pass by to give you some advice about Lim Airlines. Kung anuman iyang pinaplano mo, just make sure na wala talagang matutuloy na kasalang Maricar at Kentaru."

Malinaw ang pagkakalarawan ng Eye scanner sa senaryong iyon. Pero ang hindi ko lang maintidihan ay kung bakit iyon ang iniisip ni Dra. Louisa sa mga oras na ito. Alam ba nitong nakakaya kong basahin ang isip ng kahit na sino kaya sinadya nitong ipakita sa 'kin ang ganoong senaryo? O sadyang iyon lang talaga ang nasa isip nito at wala itong alam tungkol sa kakayahang makabasa nang isip ng salamin na suot ko?

"Ok ka lang?" Tanong pa nito.

Bahagya naman akong napakurap kaya kaagad ring nabura ang hologram scenery sa lens ng Eye scanner. Susubukan ko sanang basahin uli ang laman ng isip nito subalit napahinto ako pagka-kita kay Agent Samson na nasa likuran nito.

"Louisa!" Sinadya niyang tawagin ang kaharap ko kaya kaagad itong napalingon sa direksyon niya.

"Oh! Hi, Natalya. Napaka-aga mo naman para sa PTA Meeting." Giit nito at nakipagbeso-beso sa dumating.

Matipid ang naging ngiti ni Agent Samson. "Natural, excited akong ma-meet ang mga magulang ng kaklase ng anak ko."

"I see."

"Ikaw, bakit ka nasa Pilipinas? 'Wag mo sabihing umuwi ka rito para lang um-aatend ng PTA meeting." Pagbabalik niya ng tanong dito.

"Sabihin na nating, ganito lang rin siguro ako ka-excited ma-meet ang mga magulang ng kaklase ng anak ko." Panggagaya nito sa sinabi niya.

Bahagya namang natawa si Agent Samson.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon