NEIGHTAN KALLE POV
Keep your eyes on her...
Alam ko namang si Sammara ang tinutukoy ni daddy sa text message na 'yon dahil ilang beses n'ya na iyong pinaulit-ulit sabihin magmula pa sa bahay. Kaya naman hindi na 'ko nag-aksayang mag-isip nang ire-reply, sa halip ay ibinulsa ko na lamang ang 2220 na Nokia saka ipinagpatuloy ang paglalakad palabas ng Auditorium.
Ang totoo'y si Sammara lang naman ang mahalaga para kay daddy. Wala s'yang ibang ginawa kung 'di ignore-rin kami ni mommy kapag magkakasama kami sa bahay kaya hindi na 'ko nagtaka kung bakit wala manlang siyang ginawa noong tatlong taong beses ako nagpabalik-balik sa grade 6, kahit na nga alam naman naming malaki ang magagawa ng impluwensya niya para i-bribe ang school principal.
Stupid old man!
Pwes, kung sa ganitong paraan nya 'ko gustong mag-reflect bilang successor ng Watsons Medical Group Corporation ay pagbibigyan ko siya. Heto nga't naglalakad ako ngayon sa ground floor habang inuubos ang stick ng sigarilyo. Tingin ko nama'y walang mali sa kulay pula kong long hair at sa nakabukas kong puting blazer kaya nakapagtataka kung bakit halos lahat nang nakakasabay ko sa hallway ay palaging lumilihis ng daan o kung hindi man ay halos tunawin ako sa tingin gamit ang mapangilatis nilang mga mata. Alam kong gwapo ako. Halata naman sa'king kutis mayaman kaya hindi na nila kailangan pang ipa-mukha 'yon. Tanggap ko namang gwapo ako! Pupunta nalang sana ako sa parking para kunin yung ipi-nark kong brand new single Ferrari ngunit sa kamalasan ay nakasalubong ko pa ang mga kaklase ko noon sa elementary.
"Uy Neightan, akalain mo nga naman high school ka na pala! Congrats!" Giit nang kinakapatid kong si Brayan Depensor. Ang babaerong MVP ng PBA basketball. Kuya niya ang may-ari ng pinakamalaking Law Firm company sa bansa. Magkasama rin kami sa fraternity kung saan ako ang co-founder. At malamang na magiging magkaklase pa kami dahil kulay puti rin ang blazer na suot niya. "What a small world! Tara mag-celebrate tayo!"
Ilang kantyawan pa'y nagkayayaan nalamang kaming tumambay sa Cafeteria. Mauupo na sana kami sa lamesa na malapit sa veranda ngunit aksidente kong nabangga ang isang tatanga-tangang estudyante. Sa kamalasan ay natapunan pa nito nang iniinom na Apple shake ang uniform ko.
"BULAG KA BA?" Bulyaw ko.
"I should say so." Palaban namang tugon nito. "Baka!" *idiot*
"Baka ano?" Amba ni Brayan.
Napa-ismid lamang ang lalake.
"Aba pumapalag pa!" Giit naman ng isang kasama namin saka ito hinawakan sa kwelyo. "Tuturuan ko na ba, Neight'?"
"Tsumaranai koto o yuna!" Pagkasabi'y tinapik nito ang kamay ng kasama ko kaya lumuwag ang pagkakahawak nito sa kwelyo ng lalake. Tumingin ito sa 'kin at ngumiti na para bang nakakaloko. *Don't talk, rubbish!*
Alam ko namang ako ang bumangga rito kaya kasalanan ko kung bakit ako natapunan ng shake sa uniform, pero ang hindi ko matanggap ay nang makipagmatigasan ito sa halip na magpakumbaba at matakot sa 'kin. Sabagay, first day of school palang kaya natural lang na hindi pa ako nito kilala. Kaya dapat lang na ako na mismo ang magpakilala dito.
"Bakit mo sinuntok?" Nakakunot-noong reaksyon ni Brayan matapos kong lapatan ng nanggagalaiting suntok sa pisngi ang kaharap. "Chill ka lang!" Paalala pa niya. Alam nya kasing magsisimula nanaman ako sa warm up. "Mga Babes, huwag kayong matakot. Shooting lang 'to. Don't panicked!" Alibis nalamang niya sa mga estudyanteng nasa cafeteria. "Neightan, let's go." Bulong pa niya habang nakahawak sa balikat ko.
"O anong tinitingin-tingin ninyo dyan?" Tanong ko sa mga estudyanteng nakatingin sa 'min.
"Kami nga pala ang sugo ng Freudianism." Baling naman ng kasama naming si Joe sa mga naroroon. "Yung mokong na si Neightan ang leader namin kaya sa susunod na may bumangga sa 'min, hinding-hindi talaga kayo makaka-lusot." Humalakhak pa ito. "Kaya kung ako sa inyo, magdasal na kayo!" Isa-isa nitong pinagduduro ang mga estudyante.
Subalit mabilis itong binatukan ni Brayan. "Puro ka talaga kalokohan!" Inipit niya sa siko ang leeg nito. "Humble lang dapat, dre."
Ngumiti nalamang ako at tumawa ng nakakaloko.
"Master buhay pa!" Sigaw naman ng isa saka itinuro ang duguang lalake mula sa gumuhong lamesa. Masamang-masama ang tingin nito sa 'kin.
Ang sumunod na nangyari ay nakita ko nalamang na nagkakatuwaan ang tatlo kong kasama sa pambubugbog dito. Duguan ang lampa na halos hindi na magawang tumayo pa.
"Tapos na 'ko sa isang 'to." Maya-maya'y anunsyo ni Brayan habang pinapagpag ang dalawang kamay.
"Tara, iwan na 'yan." Sagot ko naman.
Nang humakbang kami papalabas ng Cafeteria ay magkakasabay na nagsi-gilid ang mga estudyante para magbigay-daan sa takot na makabangga ang isa man sa amin. Paalis na sana kami sa cafeteria ng biglang dumating sina Sammara at Lois.
"Uy Sammara, long time no see. Ang laki mo na, ha!" Bati ni Brayan sa kapatid ko pero isang sampal ang ibinungad nito sa kanya.
"Ti-nolerate mo na naman ang kuya ko!"
"T-teka, bakit ako?"
Lumapit naman sa 'kin si Lois saka ako kinompronta. "Neight', ano bang nangyari?"
"Mayabang e!" Matipid kong sagot habang nakatingin kay Sammara.
"Are you ok?" Tanong pa ni Sammara pagkalapit sa sugatang lalake.
"Doki ai moto mu" Paismid na sagot nito. *Birds of the same feather fluck together *
"Nan no koto desu ka?" Nagtataka namang tanong ng kapatid ko. *What do you mean?*
Akalain mo nga namang nagka-intindihan sila!
Matagal naghintay ng sagot si Sammara pero wala itong narinig na kahit anong paliwanag. Sa halip ay nangangatog na tumayo ang lalake at paika-ikang naglakad palabas ng cafeteia. Sinundan naman ito ni Sammara. "You're in bruise." Hinablot nito ang kamay ng Lalake. Nagkatitigan sila.
"Hey Sammara, natapunan ako ng Apple shake!" Sabat ko mula sa di kalayuan. Alam kong mag-i-initiate nanaman ang kapatid ko na ihatid magpahanggang sa bahay ang lalake dahil ganon ito tuwing may nakaka-away ako —mas concern pa sa iba, kaysa sa akin na kapatid. Kaya naman kailangan ko silang mapigilan. "Look, in 10 minutes mag-i-start na ang klase. Tara! Baka ma-late pa tayo."
Pero tinalikuran lang ako nitong magaling kong kapatid at tila-asong naka-sunod sa lalake palabas ng Cafeteria.
"Sammara!" Tinawag ko ito pero hindi manlang lumingon. "Sammara Kelly, ano ba?!" Wala na 'kong choice kundi sundan sila. Nanatili rin namang nakasunod sina Brayan, Joe at Lois.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...