Agreement

35 8 0
                                    

NEIGHTAN KALLE POV

Sa wakas bumukas din ang pesteng pintuan!

"Oh bakit?" Bungad naman ng mayabang na si Kentaki Yamamoto mula sa pinto. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at shorts.

"Nasaan ang kapatid ko?" Ganti ko sa tanong niya.

Matagal siya bago sumagot kaya hindi ko na hinintay ang mga sasabihin niya dahil kusa ko nang hinakbang ang mga paa papasok sa loob ng unit niya kahit walang permiso galing sa kanya.

"Kelly nandyan ka ba? Tara, uuwi na tayo."

"Alam mo bang pwede kita kasuhan ng Trespassing?" Hirit naman niya pagkasunod sa loob.

Ipinagpatuloy ko lamang ang paghahanap at pagtawag kay Sammara. "Kelly, nandyan ka ba? Yu, hu?" Nakarating ako magpahanggang sa loob ng kitchen. Binuksan ko ang utensils cabinet. Itsi-neck ko rin maging sa blender at rice cooker. Isa-isa kong inangat ang takip ng kasirola, kawale, takore at kaldero. "Uy Kelly, nasan ka ba?"

Napansin ko na halos mapa-iling-iling nalamang si Kentaki.

Ang totoo nyan ay sinasadya ko talaga siyang inisin. Gusto kong subukan kung hanggang saan ang pasensyang meron siya. Ngayon nga ay nakatayo ako sa harap ng malaking refrigerator. Dahan-dahan ko iyong binuksan and that was the most shocking moment in my life. I saw Sammara inside. Joke! I saw a lot of ripe Fuji Apples inside.

"Can I get one?" Nagpa-cute ako sa harapan niya para magpa-awa.

"Fine. get one, then leave." Usal niya saka kumuha ng isa apple. Pagka-abot sa 'kin ay dali-dali nya 'kong pinagtulakan papalabas ng kitchen.

"Wait. Let me find Sammara. I still can't find her. Kentaki please. I'm begging for a piece of your kindness." Nagpanggap ako na tila nasa isang one act play. Ewan ko lang kung tatalab. "Have pitty on me, please Kentaki-san." Pero patuloy parin siya sa pagkaladkad sa 'kin.

"What the?" Bigla ba naman akong binitawan?

What the fuck talaga!

Kaya tuloy na-out of balance ako at pasalampak na humandusay sa tiles.

"Sa susunod na magsalita ka pa uli ng mga nakakadiring salita baka pati ang Libel ay ikaso ko sa 'yo!" Pagkasabi'y lumakad siya papunta sa kusina at sa pagbalik niya ay may dala na siyang baso ng tubig.

Isn't for me?

"You made me sick! Sobra!" Daing pa niya.

Gago ang sarap mo kasing asarin! Kung wala lang talaga sa trip ko ngayon ang mang-good time ay baka kanina ko pa siya nasuntok. Nagtitimpi lang ako.

Nakita ko pang may nilagok si Kentaki na kung anong capsule bago ininom ang tubig.

"May sakit ka nga ba?" Nilapitan ko siya saka hinawakan sa noo. "Fuck, man! Inaaapoy ka ng init!"

Subalit tinapik lamang niya ang kamay ko. "Don't lay any virus on me, Ba-ka!" Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa living room. Naupo siya sa shivel chair na katapat ng computer table.

Sinundan ko naman siya.

"Uy, ang Asia's Kids top model!" Daing ko nang makita sa monitor ang mukha ng babaeng ka-video call niya sa YM. Sa pagkaka-alam ko ay ito ang title holder ng Asia's Kid Top Model. Kilalang-kilala ang mukha nito pagdating sa fashion industry. Anyway, Arabian culture nga pala ang inire-represent ng fashion nito since muslim naman ang religion.

[Is he's your classmate? Who is he?] Naka-loud speaker ang conversation nila kaya narinig ko iyon. Dahil doon, nilakihan ko ang pagkaka-ngiti upang pormal na makapagpakilala.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon