Road to Santa Rosa, Laguna

18 6 0
                                    

GARRY POV

Ngayon nga'y nasa labas na kami ng subdivision at kasalukuyang nag-aabang ng sasakyan. Kung tutuusin ay naging madali para sa 'kin na maipuslit sa headquarters ang prinsesa. Kitang-kita ko rin kung paano siya natuwa sa mga pangyayari kahit na lingid sa kaalaman niya ang totoo kong pakay.

"I find it cool!" natatawa niyang sabi at hinihingal na humawak sa braso ko. 

Natulala na lamang ako sa naniningkit niyang mga mata at mga dimple sa pisngi habang tumatawa. Daig ko pa nga yata ang dinuduyan sa langit habang nilalanghap ang napakabango niyang amoy kahit pa bahid na ng usok at alikabok ang suot niyang hoody jacket at jeans. 

"So, saan tayo pupunta?" tanong pa niya habang inaayos ang natanggal na sintas nang suot na rubbershoes.

"Marunong ka ba mag-commute?" naitanong ko na lamang.

"Ano'ng tingin mo sa 'kin, inosente? FYI, I was 9 years old nang mag-travel ako mag-isa papuntang Spain!" buong pagmamalaki pa niya. "Besides, nakapag-travel narin ako from New York to London. From London to Switzerland. From Hongkong to Japan. From Netherlands to France. That's why, hinding-hindi mo ako maililigaw kahit saang lupalop ng mundo mo pa ako dalhin!"

Hindi ko na rin napigilang tumawa sa dami ng mga sinabi niya. "Eh, mula Quiapo hanggang Santa Rosa, Laguna?" panghahamon ko na lamang.

Bigla naman nagbago ang facial expression niya. "W-what do you mean?"

Hindi na 'ko nakasagot dahil dumating na ang jeep na hinihintay ko. Pinara ko iyon at inakay ang prinsesa sa pagsakay.

"Umalis na tayo kamahalan," wari'y nilahad ko ang kamay sa harap niya upang alalayan siya sa pagsakay.

Sa una'y nag-alinlangan muna siyang sumakay ngunit sa huli ay pikit-mata rin syang pumayag. Naupo kami sa pinakadulong upuan ng jeep.

"Kamahalan, naka-upo na tayo, pwede ka nang dumilat," giit ko.

"Hindi!" madiin niyang pagtutol saka mahigpit na humawak sa kamay ko. "Masusuka lang ako. K-kung bumaba na kaya tayo?"

Pinagmasdan ko sya habang nakapikit. Natatawa kong isinuot sa mata niya ang salamin ko. "Mag-disguise ka muna."

Nang maramdaman niyang may nilagay ako sa kanya ay unti-unti n'yang dinilat ang mga mata. Nilibot niya ng tingin ang paligid at laking-gulat naman niya ng makitang nakatingin sa kanya ang lahat ng pasaherong naroroon.

"Why are they looking at me that way?" nagtataka n'yang bulong sa 'kin.

"Ang weird mo kasi," pabulong ko namang sagot.

Mabilis nya 'kong hinampas sa tagiliran bilang ganti. "Anong weird don?" napaismid siya.

"Jeep palang 'tong sinasakyan natin, paano pa kaya kung nasa MRT na tayo?"

"I'm warning you, h-hindi magandang biro 'yan!"

"Chill ka lang princess!" natawa na naman ako sa kanya.

"Kasi naman, eh! Kung mag-taxi na kaya tayo? Ako na lang ang magbabayad."

"Hindi naman nakakamatay ang mag-commute, mamamatay ka nga lang sa takot!"

"Isa pa, Garry!"

"Makapagbayad na nga lang, baka mamaya lumagpas pa tayo sa Cubao!"

At gaya nga ng sinabi ko, pagkababa namin sa Cubao ay pumila naman kami sa MRT station para bumili ng ticket papuntang Buendia. Palibhasa rush hour kaya siksikan sa loob at agawan nang mauupuan ang nangyari. Kamuntikan pa nga kaming magkahiwalay mabuti na lang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya at buong lakas ko siyang hinigit papalapit sa 'kin saka niyakap.

"B-bakit?" tanong niya.

"Ano'ng bakit?" pagtataka ko habang nakatingin sa kanya. Yakap-yakap ko pa rin sya.

"Bakit mo ako niyayakap?" wari'y tumingala siya para abutin ako ng tingin. Kaya tuloy, nagtama ang mga paningin namin.

"P-para hindi ka magitgit at mabastos ng mga pasahero," pagkasabi'y mabilis ko rin iniwas ang tingin dahil sa hindi ko magawang makipagtitigan sa kanya ng matagal. "Normal na kasi sa mga MRT commuter ang ganitong senaryo kaya kailangan mo maging aware sa paligid."

"Pero bakit kailangan pa natin mag-MRT? Saka, saan ba tayo pupunta?"

"Mas mabilis kasi ang byahe kapag nag-MRT. Mayamaya rin malalaman mo kung saan kita dadalhin. Isang sakay na lang."

Pagkababa sa Buendia ay hindi ko na binitawan ang kamay niya para hindi kami magkahiwalay sa daan. Kaya naman, pagkarating namin sa JAC Bus Station ay kaagad kong hinanap ang placard na mayroong nakasulat na Balibago (Waltermart, Santa Rosa, Laguna) kung saan kami pupunta.

Palibhasa, sanay na 'ko magpasikut-sikot sa Maynila kaya normal na para sa 'kin ang abutin ng dilim sa kalsada. Mahigit dalawang oras na rin ang ginugugol namin sa byahe kaya naman kitang-kita na ang pagkabagot sa mukha ng prinsesa. Wala na ang masaya niyang mga ngiti at ang pananabik sa mga mata. Magkatabi nga kami sa upuan pero mukhang napakalayo naman ng iniisip niya.

"Huwag kang mag-alala, malapit na tayo." sinubukan ko s'yang ngitian ngunit buntong-hininga lamang ang iginanti niya. "Bakit? May problema ba?" pag-aalala ko na lamang.

"Sa tingin mo, gaano ba ako ka-special?" nakatulala n'yang tanong habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan natatanaw ang nagtataasang Roller coaster at Ferris Wheel sa 'di kalayuan. "Deserve ko ba talaga ang maging reyna ng London?"

"Kung gano'n, iniisip mo parin pala ang mga sinabi ng mommy mo," makahulugan ko siyang tinignan at palihim na ibinaling ang tingin sa direksyong pinagmamasdan ng mga mata niya, kaya malamang ay alam na rin niya kung saan kami pupunta. "H-huwag kang mag-alala, hindi ko naman ipagkakalat sa iba ang mga narinig ko, eh," sinadya ko na lamang daanin siya sa tawa, kahit alam kong hindi eepekto.

"Sapat bang dahilan ang dugong Watsons at MC Bridge na dumadaloy sa ugat ko para sumunod sa mga naging yapak ng pamilya namin? Tao rin naman ako. May puso. May sariling isip. Kayang-kaya ko rin naman mag-desisyon para sa sarili ko," pagkasabi'y tumingin siya sa 'kin. "Hindi ba pwedeng, ibalato na lang nila sa 'kin, ang taong mamahalin ko?"

"P-princess," napa-tingin ako sa kanya at doon na nga nagtama ang mga paningin namin.


Sobrang lungkot ng mga mata niya.

Hindi halos maipinta ang masayang ngiti sa labi.

Walang halong pagba-blush sa magkabilang pisngi.

Napakalalim ng bawat pagbuntong-hininga.

At bagsak na bagsak ang mga balikat...

Bagamat wala siyang make up ay natural naman ang pagiging maganda sa kanya.

Kahit pa simple ang mga suot ay halata parin ang pagiging branded ng mamahalin niyang jacket, pantalon at rubbershoes.

Mukha nga lang mas mahal 'yong relo nya.

May-ari rin sila ng matataas na building.

At nakakakain ng masasarap na pagkain.

Nasa kanya na nga yata ang lahat.

Pero, bakit pa rin s'ya malungkot?


"Ako nga, walang mga magulang. Pero hindi ako malungkot. Sana, matutunan mo rin i-appreciate ang mga taong nandyan at ang mga bagay na mayroon ka, dahil hindi lahat ay kasing swerte mo," nasabi ko na lamang saka mabilis na iniwas ang tingin sa kanya. "Oh, sya! Nandito na tayo."

"Balibago! " tinatamad namang sabi ng kundoktor saka huminto ang bus. "Yung mga bababa d'yan, konteng bilis!"

"Tara! Bumaba na tayo," sabi ko saka muli siyang inalalayan sa pagbaba.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon