Be my Lady

25 6 0
                                    

LOIS POV

Hindi ko manlang magawang mag-enjoy dahil hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isip ko ang mga nangyari noong birthday ko. Pilitin ko man 'yong isantabi pero hindi ko magawa lalo na't nakikita ko si Garry. Ang totoo n'yan ay gustong-gusto ko syang komprontahin. Gusto kong bumalik na kami sa dati naming closeness, kaso palagi ako pinangungunahan ng takot. Bakit kasi kinailangan nya pang palabasin na panaginip lamang ang lahat nang nangyari sa Fantasy Land noong November 4? Paano kung may iba pala syang motibo sa 'kin? Paano ko lalabanan ang nararamdaman na 'to kung unti-unti na 'kong napo-fall sa kanya? Nang dahil kasi doon, pati playful image ko nade-destruct. Hindi ko tuloy alam kung paano sisimulang ikwento kay Sammara ang totoong dahilan ng lahat. Panigurado kasi alalang-alala narin siya sa 'kin.

Ngayon nga ay nasa Sunken garden ako. Dito ako dinala ng mga paa gawa ng malalim na pag-iisip. Hindi ko alam kung anong sapi ba meron ang Cindy na 'yon at napakalaki ng issue sa section namin. Di ko alam kung naiinggit ba 'to sa special treatment or what.

"Hay, ang hirap maging famous. Napaka-raming bushers!" Nasabi ko nalamang.

Pansin ko lang, halos pala lahat ng classmates ko ay naroon ang parents samantalang si mommy— wala. Hindi ko alam kung ano na namang business trip ang dahilan nya. Basta malakas ang kutob ko na kasama nya na naman si tito George dahil wala rin ito sa tournament.

"T-teka, si Maureen 'yon, ha." Maya-maya ay nakita ko si Maureen na mukhang may hinahanap. Lalapitan ko sana siya pero biglang sumulpot si Clarck.

"Hinahanap mo ba si Kentaki?"

"A, e, oo. N-nakita mo ba sya? Out of coverage area kasi 'yong cellphone number nya."

Umismid lamang si Clarck bilang sagot.

"I see. So, hahanapin ko nalang siya sa ibang lugar." Pagkasabi'y umakto si Maureen sa pagtalikod para magsimulang lumakad subalit mabilis syang hinablot ni Clarck at kinulong sa halik. Pilit s'yang nanlaban ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya.

"OMG! Totoo ba 'tong nakikita ko?" Sinubukan kong kumurap pero gano'n pa rin ang bumungad sa 'kin. Sayang hindi ko dala ang DSLR. Ang ganda sanang scoops nito.

"CLARCK ANO BA!" Mabilis namang lumapat sa pisngi ni Clarck ang napaka-lakas na sampal mula kay Maureen. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. Para bang diring-diri siya sa nangyari.

"Ano ba ang dapat kong gawin para ako nalang ang mahalin mo?"

"Boyfriend ko ang pinsan mo kaya kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo!" Sagot niya. "Wala kang dapat gawin dahil una palang hindi mo na 'ko dapat minahal."

"Pero Maureen kasalanan ko ba ang mapamahal sa 'yo ng ganon kabilis? Kung alam ko lang, hindi na sana kita nilapitan para itulak ako kay Sammara. Hindi sana kita kinasabwat sa pang-i-stalk sa kanila ni Kentaki. Hindi sana ako na-fall out of love kay Sammara... H-hindi sana ako nagkakaganito ng dahil sa 'yo." Pagsusumamo ni Clarck. "At ang unfair kasi sa 'ting dalawa, ako lang 'tong na-inlove. Samantalang ikaw, nakuha mo na 'yong gusto mo."

"I'm sorry Clarck. Hindi ko naman ine-expect na mangyari 'to e." Bahagyang dumistansya dito si Maureen. "Salamat sa pagmamahal Clarck. Hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay ang taong makaka-appreciate sa existence ko. Pero huli ka na, e. Masaya na 'ko ngayon, kaya please huwag mo nang guluhin ang isip ko. Mahal ko si Kentaki."

"Pero mahal ka ba talaga nya?"

"Clarck please."

"Hindi mo alam kung gaano niya kamahal si DK Airish. Hindi ka nakakasigurado kung talagang mahal ka nga nya lalo na't engaged parin sila."

"Stop it." Sinubukang takpan ni Maureen ang tainga para hindi marinig ang mga sinasabi nito.

"Ginagamit ka lang nya."

"I said stop!"

"Bakit ayaw mong marinig? Kasi totoo!"

"Eh, ano kung oo? Aagawin mo 'ko sa kanya? Come on Clarck! Ang ligawan nga si Sammara, hindi mo magawa. Paano pa kaya ang ipaglaban ako?" Sa tagpong iyon ay hindi na niya napigilan ang pag-agos ng mga luha.

"M-Maureen,"

Susubukan sanang punasan ni Clarck ang mga luha niya subalit bigla siyang tumakbo papalayo.

"Totoo ba 'tong mga narinig ko? Grabe, daig pa ang teleserye sa batuhan nang dialogues."



KENTAKI POV

Pabalik na sana ako sa backstage pero bigla kong nakasalubong si Maureen. Luhaan siyang lumapit sa 'kin at pahagulgol na yumakap.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Hinagod ko siya sa likod. "Bi-nully ka ba uli ni Neigthan?"

Umiling siya. "Mahal na mahal lang kasi kita."

"M-Maureen,"

"Ok lang. Alam ko naman 'yong sagot e. Ang tanga-tanga ko kasi!"

"I'm sorry."

Dahil sa kaka-iyak ay nakabalik kami sa backstage nang namumugto ang mata ni Maureen. Marami ang nagtanong kung ano ang nangyari ngunit hindi na kami nag-aksayang magpaliwanag pa. Sunod namang dumating sina Lois at Clarck.

"Guys, tayo na 'yong next na magpe-perform." Anunsyo ni Rick Lee pagkabalik sa back stage. "Get, ready!"

"Sorry guys, hindi ko pa yata kayang sumayaw sa stage." Giit naman ni Maureen. "Baka magkalat lang ako. Ayokong mapahiya 'yong section natin."

"Pero girl, masisira 'yong formation." Komento ni Sammara.

"Kaya nyo na 'yan. Sorry talaga."

"Hindi na rin ako sasayaw." Sabi ko.

"Ano bang problema nyo, ha?" Nakakunot-noong tanong ni Neigthan. "Tang ina! Kung may problema kayo sa relasyon ninyo, ilagay nyo 'yan sa lugar! H'wag nyo kaming idamay!"

"Mabuti pa, hayaan nalang muna natin sila." Biglang sabat ni Lois. "Hindi naman magiging malaking kawalan kung mawawala sila sa formation. Luwagan nalang natin 'yong blockings." Sabi pa nito saka nagsimulang lumakad papunta sa stage. Sumunod naman dito ang iba.

"Ibibili lang kita nang maiinom." Baling ko kay Maureen kung saan kami nalamang ang naiwan sa backstage. Umakto ako nang pagtayo pero mahigpit s'yang humawak sa kamay ko.

"Kentaki, dito ka lang."

"Ako nalang ang bibili nang maiinom." Biglang sabat ni Clarck. Naalala kong hindi pala ito kasama sa intermission number. "Anong flavor ba?"

"Dalawang mineral water nalang, please." Sabi ko.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon