Tell me I'm worth it

16 6 0
                                    

LOIS POV

Dideretso sana ako sa CR ngunit nakita ko sa hallway si Maureen at ang mga bodyguard ni Sammara na mukhang may hinihintay kaya bigla akong napahinto sa paglalakad at mabilis na nagtago sa corner ng hallway na pinakamalapit sa CR.

"Mukhang exciting ang mangyayari!" Nasabi ko nalang saka ni-set up ang DSLR. Mula sa kinatatayuan ay magagawa ko silang i-video ng hindi nila namamalayan.

"Hi Sammara." Bati ni Maureen pagkalabas ni Sammara sa CR.

"I-ikaw pala." Pilit namang ngumiti si Sammara "Hinihintay mo ba 'ko?"

"Oo." Umayos si Maureen nang pagkakatayo at tumingin ng tuwid sa kaharap. "May itatanong kasi ako sa 'yo."

"T-tungkol saan?"

"Bakit hinayaan mong ma-fall out of love sa 'yo si Clarck?" Straight forward niyang tanong.

Napalunok naman ng laway si Sammara.

"Alam kong hindi ka manhid para hindi mo mapansing may nagbago sa kanya. Actually, nagsimula 'yon noong magkakasama tayong pumunta sa Celina Hotel para ibalik 'yong naiwang bag ni Kentaki. Kung natatandaan mo pa, lumapit sa 'kin noon si Clarck at niyaya akong pumasok sa kwarto nya."

Kung hindi ako nagkakamali ay iyon rin ang araw na nakita ko si Garry sa hotel kasama ang lalakeng kamukha ni tito Neil.

"Doon namin napag-usapan ang tungkol sa isang deal." Dagdag ni Maureen. "Sabi nya tulungan ko raw siyang mapalapit sa 'yo at tutulungan nya rin daw akong mapalapit kay Kentaki. Kaso nange-elam naman itong kuya mo. Ang sabi nito, mas kaya raw nito makatulong sa 'kin at hanggang salita lamang si Clarck. Sinabi pa nitong tutulong ito para maging kami ni Kentaki. Bilang kapalit non ay tulungan ko rin daw itong ilayo sa 'yo si Clarck. Kaya na-confuse ako. Pero ang sabi ko nalang sa sarili ko, sige bahala na! Iga-grab ko na lahat ng opportunity basta maging akin lang si Kentaki. And I never treat that as a joke."

"Kung ganon, kaya ba lumayo sa 'kin si Clarck dahil mas sinunod mo 'yong offer ni kuya?"

"I'm sorry."

"Paano nangyari 'yon? I'm mean, inakit mo ba si Clarck?"

"No, Sammara! It's not actually what you're thinking!" Pagdidiin ni Maureen. "Naalala mo pa ba 'yong mga time na palagi kong pinapaalis si Clarck kapag magkasama kayo? Yung times na sinasabi kong may practice sila o kaya pinapatawag sya ni sir ganito, ma'am ganyan, kahit hindi naman. As simple as that."

"So, basta lang sya na-fall sa 'yo ng ganon kabilis. Ganon ba? Ganon nga ba kabilis umusbong ang love?"

"Believe me, hindi ko sya sine-duce. Hindi ko intensyong sirain kayo."

"Paanong hindi, e mukhang nag-effort pa siya gumawa nang kanta para sa 'yo? Diba dapat akin 'yon? Ako dapat ang laman ng isip nya! Ako dapat ang nasa puso nya! Kami na dapat, kaso um-eksena ka!"

"Sammara,"

"Ngayong successful ang deal ninyo ni kuya, ano happy ka na?"

"Kaya nga kita gustong maka-usap. Alam kong mali 'tong hihilingin ko sa 'yo pero ito lang kasi ang naiisip kong paraan para lumayo sa 'kin si Clarck." Wari'y hinawakan niya sa magkabilang-kamay si Sammara at nagsusumamong tumingin sa mga mata nito. "Pwede mo bang sabihin sa kanya na, ikaw nalang uli? Ibalik nyo yung dati. Hayaan mong mahalin ka uli nya."

Bahagy namang natawa si Sammara. "Seryoso ka ba talaga dyan?"

Hay na'ko, nababaliw na talaga 'tong si Maureen!

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon