Help me, get over her.

29 7 0
                                    

KENTAKI POV

Sa labas palamang ng convention area ay rinig na rinig ko na ang malalakas na metalica'ng tugtugin. Pagkapasok sa loob ay bumungad naman sa 'kin ang iba't ibang nakakasukang mukha. May ilang sumubok na takutin ako at may iba namang naglakas-loob na magpa-picture sa'kin. Maliban sa hawak kong kulay purple na paper bag ay walang bago sa suot kong kulay itim na long sleeve na tinernuhan ng itim na jeans at boots saka pinatungan ng makapal at mahabang leather jacket. Normal na rin sa 'kin ang emo hairstyle at pagsusuot ng shade kaya nakapagtataka kung bakit parang hindi na nasanay ang mga kamag-aral ko. Puro parin sila nai-starstruck.

"Uy Kentaki! Himala nandito ka! Ang akala ko ba hindi ka pupunta?" Pagtataka ng babaeng lumapit sa 'kin na nakasuot ng kulay puting bestida.

Umismid lamang ako bilang sagot saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy, ako 'to si Doreen! Magkaklase tayo baka hindi mo naaalala!"

"Nasaan ang kapatid mo?" Sabi ko nalamang at bahagyang nilingon ang kinatatayuan nito.

"Huh?"

"Ganyan ba kabagal mag-funtion ang utak ng mga agent na hina-hire ng A3?"

Napa-ismid naman ito, "Ayos ka rin pala e!" Pagkasabi'y humakbang ito papalapit sa 'kin at tinitigan ako sa mata. "Ganyan rin ba ka-sarcasm ang secret weapon ng A3?" Halos pabulong lamang ang pagkakasabi nito.

Secret weapon kasi!

Mabuti nalang nakasuot ako ng shades kaya kahit anong gawin nito ay hindi nito magagawang basahin ang mga nasa isip ko. Ito talaga ang totoong purpose ng shades— for privacy.

"Hindi na 'ko nagtatakang anak ka nga ni agent Samson— I mean, ni tita Natalya." Pagkasabi'y napahalakhak ito.

Napa-ismid lamang ako.

"Bweno, nasa dressing room ang kapatid ko. Naroon din sina Lois at Sammara. Mukhang kanina pa hinihintay ang laman niyang paper bag na dala mo." Baling nito sa paper bag na hawak ko.

Matapos non ay itinuloy ko na ang paglalakad papuntang dressing room. Pagkarating doon ay kinatok ko ang pintuan. Maya-maya rin ay bumukas ang pinto at si Sammara ang bumungad.

"K-Kentaki?" Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa 'kin.

"Nandyan ba si Maureen?"

"A, e, wait lang, ha." Pagkasabi'y dali-dali itong lumakad pabalik sa loob at iniwang nakabukas ang pintuan.

"Uy Maureen, nandyan si Kentaki!"

"OMG! A-anong gagawin ko? H-hindi nya 'ko pwede makitang ganito. H-hindi nya 'ko pwede makita walang make up! Sabihin nyo wala 'ko rito."

"Pero kasi—"

"Bakit mo pa 'ko pinapunta rito kung magtatago ka lang pala?" Sabat ko sa usapan nila para ipaalam na nakapasok na 'ko sa loob at narinig ang lahat nang hindi nila namamalayan.

"K-entaki, ikaw pala!" Giit ni Lois saka humarang sa inuupuan ni Maureen para maitago. "Kanina ka pa ba dyan?"

"Pwede ba h'wag mo na syang pagtakpan!" Usal ko.

"A, e, s-sabi ko nga."

"Tara cous', bumalik na tayo sa party." Umakto naman sila Sammara at Lois sa paglabas.

"Teka, h'wag nyo 'kong iwan dito!" Sinubukang tumayo ni Maureen para habulin ang dalawa pero wala rin siyang nagawa. Sa huli'y bumalik siya sa kinauupuan at patalikod na naupo. Halos ayaw niyang ipakita ang mukha sa 'kin.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon